"Yalla" binilisan ko pa ang lakad halos lakad takbo na nga ginawa ko pero useless
"Yalla wait okay? sandali lang naman yun eh as in sandali lang hmm siguro mga 1hour" tss nahablot niya ako kainis bat ba ang bilis din tumakbo ng isang to
"No" sabi ko at lumakad ulit pero nahablot nanaman nya ang braso ko.
"30 mins " nag puppy eyes pa eh di naman cute psh
"Still" I rolled my eyes"Dali na Yalla please, kanina pa naghihintay dun si Ari I'm sure inis na inis na yun sa inip"
eh pano di maiinip kanina pako hinahabol nitong bruhang to palipat lipat na nga ko ng pwesto para lang magreview dahil may quiz sa philo bukas pero walang pumapasok sa isip ko kakabulabog nitong si Debbie. I sigh
"Gaano ba kaimportante yang lalaking yan para kulitin nyo ako ng ganto? "
napairap nalang ako sa nangyayare bakit ba kailangan nila ako isalang sa mga blind date blind date na yan as if naman mababago nun pananaw ko. Im not a manhater okay? It's just that hindi lang ako ready maging committed or pumasok sa isang relasyong hindi ko naman alam kung paano hawakan. Hindi ako NBSB may naging boyfriend naman ako pero gaya ng sabi ko hindi ko alam kung paano magpatakbo ng isang relasyon kaya isang buwan lang ang itinatagal namin. I loved then pero hindi umabot sa puntong hahabulin ko sila at magpapakatanga ako para masave ang relationship namin.
"Iba to bes promise pag nakita mo siya kahit ikaw magtataka kung bakit ikaw ang nagustuhan nya" nainsulto ako ng slight dun ah pero iba ang naisip ko
"you mean kilala ako niyang ipapadate nyo sakin? Akala ko ba blind date dapat hindi namin kilala ang isa't isa" humalakhak lang siya seriously anong nakakatawa psh
"Yalla sa tingin mo ba kukuha kami ng mga makakadate mo na imposibleng magustuhan ka " sinamaan ko siya ng tingin, kung kanina nainsulto ako ng slight ngayon full na as in todo na
Narealized nya yata yung sinabi nya kaya"I mean syempre kukunin namin yung mga instant na noh, yung may gusto sayo agad para ikaw nalang problema he he ^_^" umupo ako sa bench na nakita ko kasi sumasakit na binti ko sa kakatakbo dito sa mapanlait na babaeng to, umupo din naman sya sa tabi ko
"uy hahaha wag ka naman maoffend dyan alam mo naman ibig Kong sabihin girl diba? Hindi ko naman sinabing hindi ka maganda-
"Eh bakit kailangan nyo pa ko isalang sa mga blind date na yan! para ano para makahanap agad ng jowa? bakit sa tingin nyo ba hindi ko kayang mag ka boyfriend na hindi nyo tinutulungan? Tss" napanguso nalang ako sa inis psh nakakapikon na kasi nakailang sabak na sila sakin sa mga date date na yan mas atat pa sila magkaboyfriend ako eh wala namang batas na bawal walang boyfriend dito sa Pilipinas akala mo mauubusan ako ng lalaki kapag hindi ako nakahanap ngayon
"Thats exactly our point Yalla, you can have a boyfriend without our help kasi maganda ka matalino at masipag full package ika nga at alam natin na marami rin nagkakagusto sayo pero ikaw ang may problema bakit ba kasi hindi ka makapili sa kanila"
"Hindi ko kailangan ng boyfriend Deb, kung inaalala niyong baka tumanda akong dalaga well I'm sorry pero di ko hahayaan mangyare yun at kung yung pagiging third wheel ko lagi sa inyo ni Ari wag mo nadin alalahanin dahil hindi ako nabibitter okay lang talaga sakin"
I smiled at her para tigilan na niya ko pero makulit eh makulit talaga hays
"Wag ka sana magtampo samin ni Ari kung ginagawa namin sayo ito, in fact hindi naman kami ang may gusto nito eh yung mga admirers mo ang nag suggest samin pano ba naman hindi pa nga nakakaamin sayo iniiwasan mo agad pano nga naman makakadiskarte" maarte niyang sabi may pa irap irap pa sarap dukutin ng mata eh hindi nalang ako sumagot wala din naman akong laban sa kanila di talaga nila ako tatantanan hanggat hindi ako pumapayag.
"Pleaseeeee" ugh sabi ng wag mag puppy eyes eh di naman cute psh
"30 mins " sabi ko at tumayo na
Ngiting tagumpay naman ang gaga arggh bakit ba naging kaibigan ko ang mga yan
"Hihi so let's go, pero wait ayusin mo naman ng konti yung itsura mo" sinuklay suklay niya ang buhok ko na nagulo kakatakbo. Bakit pa mag aayos eh ang ending rin lang naman nito eh irereject ko din yun gaya ng laging nangyayare.
Habang naglalakad kami sa hindi ko malamang dahilan parang kinakabahan ako my heart beating so fast pero di ko alam kung bakit. I composed myself ayokong magmukang nakakatawa sa harap ng kung sino mang lalaking yun kaya kinakabahan ako tama yun lang."OH MY GOSH DEBBIE NAPILIT MO SIYA HIHI" makasigaw naman tong si Ari
"yes hihihi galing ko noh " talaga lang ah? Gusto ko sanang umepal pero naagaw nung lakaking nakatalikod samin yung atensiyon ko. Kahit nakatalikod siya alam kong iba nga ang isang ito masculine body, 6ft above height at yung pananamit alam Kong kahit di pa siya humaharap samin may ibubuga ito pagdating sa physical appearance.
pero bakit ako?
YOU ARE READING
Holding Our Hearthbeats
RomanceThe characters are fictional and the places are all from my imaginative brain. Some parts are not suitable for 18 below readers. "the practice of taking someone else's work or ideas and passing them off as one's own."- Plagiarism ( google)