CHAPTER I

34 2 1
                                    

December 21, 2013

I'm not the billionaire type, when i say billionaire type I'm talking 'bout those wattpad male character. Yeah that. Prince charming, big boss, those guys who has everything.

I'm just a simple thirty year old guy who owns a coffee shop. Who doesn't love coffee? Coffee is life. Coffee is almost everywhere mixed with the drinks. Coffee is the fucking reason i got moolah. Not my house though, Namana ko ang bahay na 'to from my parents who now lives in Canada.

"Oh, honey, hindi ka papasok ng work mo today?" Tanong ni mama na nanghihiwa ng sibuyas sa harap ni Aunt Rosie na luhang luha na.

To make things clear, My mom just got here yesterday to visit the country, but she came with Aunt Rosie, Kevin and that fucking Brandon.

"Jogging muna ako."

Today is the worst day of my life. Pinapasok ko sa bahay ko ang taong pinaka ayaw kong makita.

I had no choice. Nope, scratch that. I had a choice, pero hindi ako madamot. I'm just doing my mom a favor dahil best friend niya si Aunt Rosie. It's not like they have nowhere else to stay, but my mom insisted anyway. Ayaw niyang gumastos pa sila sa mga mamahaling hotel na afford naman nila.

I actually know the real reason kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. And that's all because... gusto nilang magkasundo kami ni Brandon. Which is never going to happen. We're both grown ups and we know what's up. Some things just can't be fixed.

Habang tumatakbo ako at tumatagaktak ang pawis ko, tatlong lalaki ang humarang sa akin.

Black leather jacket, rayban, gold tooth, and rolex. Yan ang suot ng isa sakanila na lumapit sakin.

Tinanggal nito ang yosi sakanyang bibig at itinapon bago ngumiti sa akin.

"Look who we got here." Mayabang nitong sabi.

Sa mga oras na 'yon, wala akong idea kung ano ang gagawin o sasabihin ko.

Umiling iling ito at sinabing, "tingnan mo nga naman.."

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "look man, i just.. wanted some fresh air, jog for a bit and-"

"Shhhh, shh" kaagad niyang pinutol ang sasabihin ko. "You don't need to explain." He then laughed. Sunod namang tumawa ang dalawang lalaking nasa likod niya. And that explains all. Pinagtitripan nila 'ko.

"I'm too old for this." Tinalikuran ko sila. Nakaka-tatlong hakbang palang ako paalis nang bigla kong maramdaman ang paghawak nito sa likod ko. Wala pang isang segundo ay kaagad akong humarap sakanya na may kasamang malakas na sipa sa kanyang tiyan.

Nakita ko kung paano siya napaupo sa sakit nang humampas ang kanyang likuran sa pader.

Kaagad siyang nilapitan ng isang lalaki na kasama niya at ang isa naman ay naiwan sa harapan ko. Hinintay kong gantihan niya ako pero wala siyang ginawa kundi tumayo sa harapan ko.

Tumalikod ako para ipag-patuloy and naudlot kong pagtakbo nang bigla ko namang marinig na magsalita ulit ang lalaking halatang hirap na hirap dahil sa pagkalakas ng sipa ko.

MonicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon