Chapter 1

13 0 0
                                    


Siyam kaming magbabarkada, lima kaming mga babae at apat na lalake magkaklase kami lahat at nasa grade 12 na kami alam niyo naman yun diba? yung tinatawag nilang senior high school nakakainis din ano. Nasa 2nd year college na sana kami ngayon.

Magkabarkada kami simula nung grade 7 oh diba ganda pero nung una ay marami talaga kami kaso eh ibang section sila tapos kaming siyam ay magkakaklase lang kaya naman ay yung nasa ibang section nahihirapan na makisama samin kaya ay may iba na rin silang barkada

Pagpasok sa skwela ay magkausap na kami ng barkada ko, pag recess naman ay magkasama, magkausap at sabay na namang kumain, pag uwian naman sa tanghali ay sabay kaming kumain, pag uwian naman sa hapon pagkatapos ng klase ay magkasama naman. Pag nagsimula ng mag klase o mag turo ng teacher namin ay doon na kami nagkakahiwalay mag barkada dahil malayo ang upuan namin.

Alam kasi ng mga teacher namin na kapag ipagtatabi tabi kami lahat ay syempre magulo at maingay kaya naman ay malayo talaga kami sa isa't isa at 50 pa kami lahat na magkaklase.

Ako ay si Kyla Maxine, isa ako sa mga taong madali lang ma fall lalo na't pagsasabihan mo lang ako ng mga sweet words. Madali lang ako mapaniwala, sabihan mo pa akong pangit ako ay maniniwala na ako.

Kaya naman sa sobra kong dali ma fall ay na fall ako sa ka barkada ko. Oo nagka crush lang naman ako sa ka barkada kong lalake. How ironic dba?

"Oh kyla, nakatunganga ka naman dyan ikaw na gumawa ng report at kami nlng ang magrereport nito." aniya ng kaklase ko. Oh dba ako lang isa gagawa tapos sila ay mag chi-chill lang at walang pakialam sa mundo hay ang unfair na talaga.

Isa din ako sa taong walang pride, hindi ako nagagalit at hindi rin ako magpapakita na nasasaktan ako. Ganun naman talaga ako eh, pag nasasaktan idadaan nalang sa ngiti kahit durog na durog na ang aking nararamdaman.

"Hoy alam mo ba sila na ni Jan at Lisa." sabi ni Jane na isa sa barkada ko. Si Jan at Lisa lang naman ay isa sa mga barkada ko. Oo si Jan yung tinutukoy kong gusto ko noon pa, isa lang naman din ako sa taong mahilig mag tago at ayaw ko namang masira ang friendship namin lalo na't gusto din siya ng kaibigan ko na si Lisa.

"Oh talaga?" sabi ko na nasa masayang tono. Ganun naman ang hilig ko diba? ang mag pretend naka gago lang.

Oo matagal ko ng gusto si Jan nung hindi ko pa siya barkada, close naman kami lahat magkakabarkada at hindi kami iyong tipo na nag-aaway ng mga nonsense na bagay at hindi rin kami yung nagsisiraan kapag nakatalikod yung isa.

Si Jane isa sa barkada ko na chubby, malaki, maputi pero maganda. Siya iyong tipo na hihintayin ka talaga niya kapag may ginagawa ka dahil gusto niyang sabay kayo at ayaw niyang ma feel mo na hindi ka parte ng barkada. Parang siya yong mama namin dahil inaalagaan niya kami haha. Nag tetext o nag cha-chat lang naman siya ng "kumain na kayo?" "morning" "tulog na"

Si Danielle isa rin sa barkada na tipong mahilig sa mga kpop na kanta oh sa kdrama. Kung magkakasundo kayo tungkol sa mga kpop ay sure akong favorite kana niya. Siya yong kahit kpop ng kpop ay gustong makakuha ng mataas na marka. At siya rin iyong happy go lucky lang na parang walang problema.

Si Katie na isa sa barkada na mahilig manglibre kahit na ano. At papipiliin ka pa kung ano yung gusto mo. Siya rin iyong tipo na ibibigay sayo lahat mapasaya ka lang. Kahit na alam niyang hindi tama ay magpapakatanga talaga, tanga diba? at siya rin iyong tamad na mag aral o walang pakialam sa mga assignments o projects at magpapasa lang pag tapos na ang deadline.

Si Lisa ang gusto ng isa ko ding ka barkada. Hindi mo naman talaga maipagkakaila na madami talagang nagkakagusto sa kanya dahil mahinhin, mabait at maganda kaya sguro nagustuhan din siya ni Jan.

Si EJ ang barkada kong lalake na puro ka manyakan lang ang nasa isip lahat, mag sho-shock ka nalang dahil hinahawakan na niya iyong kamay o di kaya ang katawan mo pero ganun paman ay protective at ayaw niyang nakikita kaming umiiyak.

Si Charlie ang tipo na barkada na puro laro lang ng nasa isip gaya ng paglalaro ng clash of clans o di kaya ay clash royale, mobile legends o pag laro ng dota. Isa iyon sa walang pakialam sa mundo basta gusto niya lang maglaro.

Si Stefano naman ang mahilig mag gitara at mahilig mag patugtog ng mga instruments. Isa rin itong mahilig mag isip ng mga bastos at moody kahit na lalake ay hindi ka niya talaga kakausapin kapag wala siya sa mood. Mahilig din siya mag basketball at parati niyang kalaro si Jan at Ej.

Si Jan naman ang gusto ko noon pa. Isa siya sa sobrang nagagwapuhan ko, hindi lang naman ako ang na ga gwapuhan kung hindi ay marami lalo na ang mga nasa grade 7 at 8. Isa rin siya sa mahilig mag basketball at kasali siya sa varsity sa school namin. Maganda din ang boses kaya nama'y na inlove ako ng todo todo lalo na't kakanta siya ng "tulad mo"

At ako naman iyong panghuli. May strict parents ako at mahilig rin sa kdrama at kpop. Fan na fan nga ako ng bts, bigbang, exo, blackpink at marami pa eh. Kdrama lang din ang gusto kong panuorin kung tatanungin niyo ako ay kung ilan na ang napanood ko ay hindi ko na nabilang. Isa lang akong simpleng babae, ayoko ng magulo na buhay, at ang gusto ko lang ay mapasaya ang aking mga magulang.

"Kyyy, punta tayo canteen" sabi ni Jan na niyuygyog ako. Nakita niya akong nagsusulat ng report kaya naman ay niyuyugyog niya ako ang buting kaibigan diba?

"Ayoko nagsusulat pa ako." sabi ko na parang nnaiinis na nalulungkot dahil sa sinabi ni Jane sa akin kanina na sila na ni Lisa.

"Sige na lilibre kita."

Pumayag naman ako, libre eh makakatangi ka pa ba nyan? Nilibre ka nang taong gusto mo bes. So ayong habang naglalakad kami patungo ng canteen ay nag-uusap kami.

"Tulungan mo ako, surprise ko si Lisa mamaya please kyyy, please."

Tangina. Wala na bang mas sasakit pa nito.

"Oo na tutulungan na kita." Aniya ko

"Thank you kyyy, sobrang thank you, kaya mahal kita eh." At inakbayan niya ako at ginugulo ang buhok ko.

"Kaya mahal kita eh" yang mga  yan pinapaasa mo na naman ako jan.

stop, i'm falling so hard Where stories live. Discover now