Prologue: The Guardian AU

3 0 0
                                    

Tumatakbo ang dalaga kasabay ng sunod sunod na pagsunog ng pamayanan.

"HAHAHA" halagakhak ng dalaga na halatang galak na galak sa kanyang ginagawa.

Nakarating siya sa palengke at pinagmasdan ang paligid. Open area ito kaya maliwanag ang lugar at madali siyang makakakita. Patago siyang kumuha ng mansanas sa tindahan. "Hoy----!" sigaw ng ale ngunit tinakbuhan lang siya ng dalaga. Hinubad nito ang kanyang jacket upang hindi sya mahalata ng humuhuli sa kanya. Nagpahinga sa gilid ng poste. Tinapon niya ang lighter na hawak niya at kinuha mula sa bulsa ang mansanas at kinagatan ito.

"Anak!"nanlaki ang mata niya nang marinig ang boses ng ina.

"Ma----" nagulat sya ng makita na ang tumawag sa kanya ay isa lamang servant ng hari ng kanilang pamayanan.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng dalaga. 'Tssss... nagawa mo nang linlangin ang pamilya ko wag ako!' wika ng isip ng dalaga.

"Arestuhin yang babaeng yan" ngumisi muna ang dalaga sa kanya sabay takbo, ngunit huli n ang lahat. Dahil nahuli na siya nito.

"Hayop kayo! Pinatay niyo ang pamilya ko!! Bumabawi lamang ako sa inyo!!" Nagpupumiglas na wika ng dalaga. " Manahimik ka Percy Cade. Sinunod mo na ang pamayanan at kaylangang magbayad ka dun! At ano? Pinatay ko ang magulang at kapatid mo? Huh! Bagay lamang sa kanila iyon, sa mga kasalanan niyo!" wika ng Servant kay Percy.

Sinenyasan ng servant ang mga guard na umalis na."Mga hayop kayo! Walang awa!!" galit na sigaw ng dalaga. Nagpupumiglas pa rin sya ngunit hindi niya kayang makatakas dahil sa higpit ng pagkakawak sa braso niya.

Tumigil ng sandali ang mga guard. Biglang nagbago ang aura ng muka ni Percy ng makita niya ang isang  pendant necklace na may kulay violet na bilog sa gitna nito. Namangha siya rito. Dahil malapit lang naman siya sa lamesa nang pinaglalagyan nito ay walang ano-ano'y kinuha niya ito. Sanay si Percy sa pagkuha ng ganitong mga bagay dahil mula nang mamatay ang pamilya niya, natuto siyang gumawa ng masama at natutunang magnakaw.

Napabalikwas nalamang siya nang maalalang nasa kamay pa pala siya ng mga kinamumuhian niyang tao

Nakarating sila sa tapat ng malaking pinto ng kaharian ng Argus Cade. Argus Cade ang tawag dito dahil pagmamayari ito ng pamilya ni Percy ngunit dahil nga sa pagpatay sa kanyang pamilya ay iba na ang namumuno rito.

"Huminahon ka binibini" wika ng medyo matandang lalaki na may mahabang balbas. Nagpupumiglas pa rin ang dalaga " Walang hiya ka Philip! kinuha mo na ang lahat ng meron ako" malakas na sigaw ng dalaga. Lumapit ng kaunti si Haring Philip sa kanya.

"Naku! kawawa ka naman Percy. Ang dating pinaghaharian niyo ay na saakin na, pati ba naman ang magulang mo ay namatay na? HAHAHAHA" nang aasar na wika ni Haring Sheridan. Sumabay sa pagtawa ang mga yaong nakapaligid sa kanyan.

Biglang yumuko ang dalaga at huminahon. "Nagawa mo lamang ang lahat ng ito dahil sa inggit at selos. Wala na sigurong taong totoong nagmamahal sayo, pera na lamang ang habol nila sayo kagaya mo na inuna ang kapangyarian bago ang sarili mong pamilya!" mahinahong wika ni Percy.

"Aba't!" sasampalin na sana ni Philip ang dalaga  ngunit " Hindi na muna kita sasaktan sa NGAYON Percy" wika niya.

"Ikulong nyo na ang babaeng yan!"

Itinapon ng mga guard si Percy sa isang napakadilim na kulungan. Sarado ang lugar na ito kaya dilim nalamang ang kanyang nakikita. Nagsimula nang umiyak si Percy. 'Nahuli na ako ni Sheridan nang hindi man lang kayo nabibigyan ng katarungan ina, ama, Angelica' umiiyak na wika ni Percy mula sa isip niya. Ngunit natigil ang luha niya nang biglang lumiwanag ang paligid. Ang ilaw ay nagmumula sa necklace na ninakaw niya kanina. Kinuha niya ito.

"Ikaw nalamang ang may kulay at liwanag sa paligid na ito" wika ni Percy habang pinagmamasdan ang nagniningning na pendant na ito. Sinuot niya ito.

Ilang sandali pa, biglang kumulog ng malakas at dumilim ang paligid. Bigla siyang nahilo, nakita niya sa paningin niya ang mga tumatakbong guard sa kanya ngunit huli na nang bigla syang syang nahilo at lalo pang dumilim ang paligid.

Umiikot na pala ang mundo niya.

Nagising nalang siya ng makita ang mga estyudanteng nakatayo sa harapan niya.

"Nasaan ako? Sino kayo?!" nagtatakang tanong ni Percy. Nakita niya ang babaeng medyo matanda na ang bumulong sa lalakeng katabi nito. Ang lalakeng binulungan niya ay umalis na at tumakbo.

"Kami dapat ang magtanong sayo niyan, sino ka?" balik tanong ng isang estyudante sa kanya.

Biglang nagsialisan ang mga estyudante ng makita ang mga guard. Kinuha nila si Percy. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya nakayanan ang mga guard na iyon. Kakaiba ang lakas ng mga ito kumpara sa mga dumukot sakanya kanina.

Nagpumiglas man si Percy sa mga Guard ay nadala pa rin siya sa isang kulungan. Mas maaliwalas at malinis ito kumpara sa kaninang kulungan na tinirhan ni Percy.

Aalis na sana ang guard ngunit, "Sandali!" hindi siya pinansin ng mga guard na ito. Nag aalala na ang dalaga dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Kung tatakas man siya ay hindi maaari dahil may kuryenteng nilalabas ang riles ng kulungan na ito. Inalala nang dalaga ang nangyare bago siya nakapunta rito.

"Ah! Ang kwintas na ito tama!" akmang tatanggalin na ni Percy ang kwintas ngunit..

"Kahit tanggalin mo ng paulit ulit ang kwintas na yan ay hindi sayo maalis iyan, ninakaw mo yan.. magiging karma mo yan at kailangan mong gawin ang misyon sa kabila ng kwintas na iyan kung gusto mong makaalis sa lugar na ito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guardians: Athens UniversityWhere stories live. Discover now