i

45 0 0
                                    

"Hoy ano? Nasan ka na ba?" Pasigaw na sabi sakin ni Kim sa phone, bestfriend ko, lagi ko kasabay yun.

"Wait ito na.."

"Late nanaman tayo niyan eh."

"Wait lang naman kasi."

Pagkasabi ko nun, binaba ko na yung phone ko.. Halos patakbo na kong pumunta sa kanila.

7:30 na kami nakarating ng school. Late nanaman. 3 days straight na kaming nali-late dahil sakin. Kung di ko lang naman kasi kasabay yun eh late naman talaga ako. Napag-utusan lang kasi siya ng Kuya ko na sabayan ako..

By the way, ako nga pala si Faye. 16 years old. 4th year Highschool. Ako yung tipo ng estudyante na wala talagang pakialam. Papasok lang para may attendance. Di rin ako gumagawa ng assignment., di rin ako nagsusulat ng mga lecture. Parang walang patutunguhan ganon..

Simula nung nakilala ko si Kimmy, dun lang ako medyo nagsipag. Pero di yung super sipag. Hahahaha..

"Hala, lagot nanaman tayo nito Faye."

"Tss. Sorry na." 

Pumasok kami sa loob. Nag-start na yung class. Binuksan namin yung pinto tapos pumasok. Parang wala lang. Haha. Wala naman din pala silang ginagawa, lumabas daw si Ma'am. Swerte.

BREAK~

Nagtitilian nanaman yung mga kababaihan sa labas. Dumaan nanaman siguro siya.. Si JM. Ang Campus Crush.. Simple lang siya, Simpleng pogi. Di naman siya maporma eh. Neat lang, pero sobrang lakas ng dating.

"JM CRUSH KA NETO OH!" Sigaw ko, tas nakaturo kay Kim. Nagtinginan samin lahat. Ito namang si Kimmy namula yung pisngi. Pati si JM tumingin. Bigla niya kong kinurot sa braso sabay pasok. Lakas trip eh. Palibhasa ayokong mahalata ng iba na grabe din ang tama ko kay JM.

"Sira ulo ka talaga Mary Faye Dela Rosa! I hate you so much!" Tumatawa parin ako habang sinasabi niya yun. Ganon kasi talaga ako. Ang lakas ko mang asar..

Lumabas ako ulit. So sobrang saya ko kasi, nakalimutan kong di pa pala ako kumakain. Pumunta ako sa canteen. Nakita ko ulit si JM dun kasama tropa niya sa isang table. Okay, siya na pogi.

Maya-maya nilapitan niya ko.

"Hello." Kilig to death ako, pero di ko pinahalata.

"Hi." sabay ngiti.. Ngiting matipid. Nahihiya ako. Tsss. -_________-

"Yung sinigaw mo kanina, totoo ba yun?" Yung sinigaw ko? Bakit niya kaya natanong... Nilapitan niya ko dahil dun?

"Alin?"

"Sabi mo crush ako nung tinuro mo kanina."

"Ah yun ba? Trip ko lang yung kaibigan ko, sorry ha."

"Why sorry? Natuwa nga ko nung nalaman ko yun eh. Crush ko din kasi siya." Boom! Parang may sumabog na bomba sa harap ko. Crush niya din si Kimmy? Bakit siya? Bakit hindi nalang ako. First time kong maramdaman yung feeling na nasaktan ako dahil yung kaisa-isang lalaking nagustuhan ko, may gustong iba.. Yung masakit, bestfriend ko pa talaga. </3

"Ganon ba?" Ngumiti ako, kunyari natuwa ako.

"Oo, Pwede ko bang mahingi yung number niya?"

"Alam mo, mas maganda kung ikaw nalang yung gumawa nun. Para malaman din niya."

Tumalikod ako pagkasabi ko nun. Di ko alam kung bakit ganito. Crush ko lang naman siya in fact, no hard feelings naman. Pero bakit ako masasaktan..

UWIAN~

Naglalakad na ko pauwi nun.. Di ko na sinabay si Kimmy. Nasasaktan lang kasi ako. Tapos biglang may tumamang mabigat sa ulo ko.

"ARAAAY!"

Tumakbo sakin yung isang lalaki.

"Miss sorry." Kinuha niya yung bola ng basketball. Nasa tapat pala ko ng court. May naglalaro pala kaya tinamaan ako.

"Anong sorry? Kita niyong may dumadaan, nagtuluy tuloy pa kayo." Nasabi ko nalang, kasi napahiya ako konti eh.

"Bakit? Nag excuse ka ba? Ang yabang mo ah!" Nagulat ako. Grabe naman yun. Pumapatol pa sa babaeng broken hearted. Sasagot pa sana ako, pero biglang dumating si Kimmy.

"Hoy Xander! Wag mo nga awayin si Faye." Nilapitan niya yung lalaki tapos sinigaw yun sa muka niya.

"Hala. Ayos ka ha! Umuwi ka na nga. Mag saing kana!" Sinigaw din yun nung lalaki kaya nagtawanan yung mga lalaki dun sa court.

Lumapit ako. Hinampas ko yung hawak niyang bola tapos tinitigan ko siya nang masama. Nakipagtitigan din siya. Maya-maya

Sinipa ko yung tuhod niya, napayuko siya. Pagyuko niya, sinampal ko muka niya. Aywan ko lang talaga..

"ARAY KO AH!"

"Aray talaga yun! Combo yun eh. Sa susunod, di lang yan aabutin mo sakin. Hambog!" Hinila ko na si Kim. Di ko siya kinakausap kahit salita siya nang salita.

Nung makalayu-layo na kami..

"Sino ba yun? Bakit mo siya kilala?" Tinanong ko. Nagtataka din kasi ako eh.

"Pinsan ko, si Xander." Aaminin ko, gwapo yung pinsan niyang yun. Kaso sobrang yabang.

Sana di ko nalang nakilala yung lalaking yun. Sana di ko na ulit siya makita. At sana, di ko siya makita kila Kimmy. Hmp! Nakakainis!

_____________________________________________________________________________

First time lang gumawa ng matinong story. Sana nga matino :)) Wait nalang yung updates huh.. :DDv

Thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon