Chapter One:The favor

10 0 0
                                    

Blue's Point Of View

              "Blue,may two hours ka pa bago ang klase mo.At fifteen minutes lang mula dito ang City High.Mamaya ka na pumunta sa school,please.Wala talaga akong talent sa drawing kaya hindi ko magawa tong project ko unlike you na hobby na ang pagguhit."

Napailing na lang ako sa kakulitan ng pinsan ko.Kanina pa 'to eh.

"Fine."

Inilapag ko muna sa sofa ang aking backpack bago lumapit sa kaniya.Isang oras na siyang nakatitig sa bond paper na nasa harap niya.Ngunit ni isang linya ay 'di pa niya naiguguhit.

"I will just draw this and then I will go,okay?Alam mo namang exam na namin next week kaya kailangan kong magreview."Sagot ko kay Nayah at kinuha ang bond paper at pencil.

She's my Cousin.Mas matanda siya sa akin nang tatlong taon,nineteen years old na ito at kasalukuyang nag-aaral sa MSU-Iligan Institute of Technology,taking up Bachelor of Secondary Education major in Filipino.

Dito ako nakatira sa bahay nila dahil malayo ang probinsya namin mula rito sa Iligan City.Imbes na sumabak sa malayong biyahe,si Tita Hanie na mismo ang nagpresenta na sa kanila ako tumira habang nag-aaral.Pumayag na rin sina Tatay at Nanay dahil malaking bawas iyon sa gastusin namin.Hindi ko na kailangang magbayad ng upa para sa titirhan ko dahil libre na lahat mula sa pang araw-araw na pagkain,tubig at kuryente.Mas makakatipid din ako sa pamasahe at hindi naman gaano kalayo ang school na pinapasukan ko dito kaya pwedeng lakarin.

I was so blessed to have them.Hindi nila ako itinuring na iba.Minsan nga nakakalimuan kong nakikitira lang ako sa kanila dahil never nilang ipinaramdam 'yon sa'kin.

Kung minsan pa nga ay si Tita na mismo ang naglalaba ng uniform ko kaya subra-subra ang pagpapasalamat at paggalang ko sa kaniya.Pati sa asawa nito na si tito Abraham,lagi niya akong tinatawag kapag oras na ng pagkain.

Wala rin akong reklamo sa mga pinsan ko,lahat naman sila ay mababait kahit pa kung minsan ay nagbabangayan ang mga ito pero never pa namang dumating sa point na may nagkasakitan sa kanila.Satingin ko'y normal lang naman ang bangayan sa magkakapatid.

"Kayo na ba ni Jake?"

Napatigil ako sa pagdrawing at taas kilay siyang tinignan.

Ang tinukoy niya ay ang kababata ko na dito rin nakatira sa Iligan.

"No"maikli kong tugon bago 'tinuloy ang ginagawa"You know me very well,hindi ko kayang isakripisyo ang friendship namin para sa lecheng pag-ibig na yan"

"Pero mahal mo?"

I just shrugged my shoulder.

"As a friend,yes"I honestly answered

Narinig ko ang malaim niyang pagbuntong hininga.

Akala ko'y tumigil na ito sa pagreto kay Jake.Nakilala niya si Jake noong minsan na pumunta sila nina Tita sa probinsya at nadatnan nila r'on si Jake sa bahay.Mula n'on ay di na niya ako tinigilan.Lagi niyang binibida sa akin kung gaano ako kamahal ng best friend ko.Kahit wala pang kumpermasyon galing kay Jake,alam kong mahal niya ako.

"Kawawa naman yung tao,mukhang mahal na mahal ka niya."

I hold the pencil tightly because of annoyance.Hindi ba niya nahahalata na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa amin ni Jake?

"Alam mo,cousin.May mga bagay na hindi pwedeng ipilit tulad na lang ng feelings."

"And you also know na napag-aaralan ang pagmamahal."Giit pa niya.

"I know,but the question is am i willing to fall for him?"

Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako at marahas na dinampot ang backpack ko bago walang paalam na lumabas ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartache Series 1:Until When?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon