Prologue

5 0 0
                                    


Saerin Crew Academy isang sikat na paaralan. Mga matatalinong studyante lang ang nakakapasok. Kahit mahirap ka basta't matalino ka makakapasok ka rito. Sa paaralang ito hindi yaman at connection ang kailangan mo kundi ang talino at mataas na grado.

Sa paaralang ito may natatanging section ang naiiba sa lahat.

-----

"Bes yan yung bagong transferee sa section na yun diba? "

"Oo. Nakuuuu kawawa naman siya. Mapapasali pa siya sa section na yun. "

"Bakit pa kasi niya tinaasan ng todo yung test niya. Hindi niya ba alam yang pinasukan niya?. Yan tuloy napunta siya sa section na yun. Tsk. Tsk. "

Yan lang ang ilan na na ririnig ko dito habang papasok ako dito sa bagong paaral na papasukan ko. Hindi ko alam kung ako ba ang pinag uusapan nila o ano. Hay! Bahala na nga kelangan ko pang mahanap yung sec---

"Hala! Sorry miss sorry! " Ano ba yan! May nabangga pa ako. Yan kasi daldal ng daldal!

"No.. no..it's ok. " Sabi niya saka ngumiti kaya ngumiti na rin ako.

"Sorry talaga miss ah. Ahh hinahanap ko kasi yung section ko eh. Malalate na kasi ako hindi ko pa alam kung saan yun. " Pagsasabi ko

"Ahh ano section ka ba? Baka matulongan kita."

"Section A4- Star"

@@@@@@

AAAAAAA! First time ko ito mga katoto! Hahahahaha.

Section 4-A StarWhere stories live. Discover now