chapter 6: Unexpected Call/s

2 0 0
                                    


Gel's Pov


Nagising ako dahil sa sikat ng araw,wala na rin ako nararamdamang sakit ng ulo.Wala na rin akong lagnat,sobra yung pawis ko grabe para na akong naligo.


Tumayo na ako at pumunta ng banyo at nagpalit na.Bumaba na rin ako at nakita ko si yaya sa kusina nagaayos.Pumunta ako dun."Yaya"sabi ko,nagulat siya."Oh anak bat kana tumayo hindi kapa magaling,bumalik kana sa kwarto mo at hahatiran na lang kita ng pagkain mo".pagaalala niyang sabi.


"Ya,ayus na ako.Dito na ako kakain tsaka papasok pa ako yaya".sabi ko naman."Anak papasok kapa eh late kana alas nuwebe na oohh"tinuro niya yung wall clock.
"Tsaka binilin ka sakin ng mommy mo at kuya mo na wag ka muna papasukin,dahil hindi mo pa kaya".paliwanag ni Yaya sakin.Hay nako ang OA naman nila,pero nakakatouch si Kuya nagaalala rin pala sakin.



Kumain na lang ako at sinunod si yaya,pumunta ako sa kwarto at humiga ulit.Narinig ko na tumunog yong phone ko sinagot ko naman.


"hello sino to?".tanung ko.di ko kasi kilala number lang.



[Ahm hi,ako to si Daniel]sagot niya,panu niya nakuha number ko?Yung ugok na yun!?


"paano mo nakuha number ko ha?".tanung ko nanaman sa kanya.


[Secret]natatawa niyang sagot,ahh ganun ha nangaasar pa siya ha.



"Saan mo nakuha number ko?"ulit kong tanong sa kanya pero wala ng sumagot.Pinatay niya na pala,tinawagan ko ulit pero walang sumasagot,ahhhh nakakainis siya,saan niya nakuha number ko.Hayst talaga nakakainit ng ulo.Humanda talaga diya pag ako nakapasok na



Pumunta ako ng garden at nagpahangin,maganda din dito may pool tsaka may kubo din.
Nagpahinga lang ako sa may kubo.
Bigla namang tumunog ulit ung phone,may tumatawag nanaman sino nanaman kaya toh.Number nanaman,sinagot ko naman.


"Hello!?"inis kong sabi.


[Ahm Hi! kamusta kana?Ayus kana ba?].nagaalalang sabi niya,bat niya alam na may sakit ako at panu niya nalaman ung phone number ko,papalitan ko na yata ung phone number ko gosh.!



"Sino kaba?Ikaw nanaman ba yung tumawag kanina.Magpakilala ka!"inis kong sabi ulit.


[Ha?kanina?ehh ngayon pa nga lang ako tumatawag sayo ehh,Ako si John Nate Ugaban,at your service ma'am].confidence niyang sabi.Nate?hindi ko siya kilala panu niya nakuha yung number ko.



"Kilala moko,panu mo nakuha number ko!?".inis ko nanamang sabi sa kanya.



[Ahm nakuha ko number mo sa kaibigan mo si Eman,pinsan ko siya.Nagaaral din ako sa Pexier Academy,3rd year high school din section 1 pero].confidence niya ulit na sagot.


"Ha?wala namang nasasabi si Eman.Tsaka d kita kilala,sge thank u na lang okay nako bye!".pinatay ko na ung tawag.Baka kasi tawagin ako ni yaya.Nakakainis si bff,di niya lang ako sinabihan.



Bigla naman akong tinawag ni yaya."Gel!".tawag niya."Po yaya bakit?"sabi ko naman tas pumunta sa kanya."Gel punta ka na ng kwarto mo maggagabi na ohh".pagaalalang sabi ni yaya.Ang OA ni yaya,sabagay maggagabi nadin mamaya mabinat pa ako.Hindi nanaman ako makakapasok sa school bukas.


Pumasok na ako sa kwarto at nahiga muna ako,iniisip ko si bff kamusta na kaya siya?.Nagpalit na ako ng damit pantulog at bumaba na.


Natapos na rin kaming kumain ni yaya,wala pa dito si Kuya Elvis syempre saan pa ba yun pupunta eh di dun sa mga tropa niya.Wala din dito si mama kasi nasa Palawan siya,3 weeks siya doon nakakaingit nga eh!wala pa din dito si daddy kasi may inaasikaso sa opisina niya grabe ang busy niya ngayon,dati kasi palagi kaming nagbobonding pero ngayon wala na,kaya ngayon kaming dalawa lang ni yaya dito.

__________________

Daniel Pov


Andito lang ako sa bahay hindi ako pumasok kasi nagkasakit rin ako.Maayos narin ako ngayon ang boring naman dito sa bahay.Makalabas na nga lang.Napansin ako ni yaya na lumabas ng kwarto ko,"Daniel bat ka lumabas?Ayus kana na!?".pagaalala niyang sabi.Anu bayan!Nakikita naman niya akong lumabas na ehh.Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko kapag may sakit ako."Ayus na ko yaya!".sabi ko na lang tapos nilagpasan ko na siya at pumunta sa garden para magpahangin.Nakakabored talaga.





Nilabas ko yung phone at naalala ko pala na kinuha ko yung number ni Gel sa phone niya nung nakatulog siya sa likod ko.Oo nakayanan ko yung bigat niya.Haist!ang sakit kaya ng likod ko nun.Tawagan ko kaya siya?Ako pa talaga tatawag?Shunga mo Daniel,syempre ikaw na ang tatawag kasi hindi niya naman alam yung number mo!?Ang tanga ko diba!haha kinakausap ko pa yung sarili ko!Hmmmp.Tinawagan ko na sya at nagring naman

MY CRAZY CUTE GIRL ! (on-going)Where stories live. Discover now