Mitch POV
Isang magandang umaga para mag-enroll na uli ako ngayong junior high na naman. Bakit na namn? Matataas namn ang grade ko, kaya namn ng pamilya ko ang tuition sa mga private school. Kaso lang...

"Ms. Guzman", tawag sa akin ng isang babae na naka-assign na registration.

"Yes po?", tanong ko.

"Nakalimutan nyo pong sagutan ito", sabi nya at tinuro ang tanong na kung sino ang best friend ko.

"Ayy hindi ko po yan nakalimutan. Wala po kasi akong best friend", sagot ko.

"Kahit childhood best friend?".

"Wala po talaga eh".

Pagkasagot ko ay inayos nung babae yung mga form ko at ibinigay sa akin.

"Kung ganon po Ms. Guzman, hindi po namin kayo matatanggap. Kung gusto nyo sa public school kayo pumasok", sabi nya habang nagta-type sa computer.

Well, it's another school na hindi ako tinatanggap. Unang taon pa lang ito ng pagkajunior high ko at mag-iisang linggo na nang magsimula akong maghanap ng school na papasukan ko.

Mula elementary ay ok naman ang pag-aaral ko kasi hindi naman kasama sa requirements non. Eh kaso, iba na daw ngayon. Matagal ko na din pinag-iisipan na pumasok na lang sa public atleast wala akong problema. Kaso yung mga magulang ko namn ang mapilit. Lahat kasi kami lahi ko panay nag-aral at nag-tapos sa mga private school. Nakakasira daw ng image kapag nagpublic ako.

At ayun na nga! Sa isang simpleng tanong lang na yun ay hindi ako makapasok sa kahit anong private school.

"Balita ko hindi ka na naman tinanggap", bungad na tanong sa akin ni papa na nagbabasa pa ng dyaryo.

"Opo pa. Pa, bakit hindi na lang kasi ako pu---".

"Wag na wag mo yan sasabihin Mico. Kahit anong mangyari papasok ka sa private at ayun na yon!", pagalit na sabi ni papa at umalis na sya sa kinauupuan nya.

Napahinga na lang ako ng malalim. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkabihis ko ay kinuha ko agad ang earphone ko pati na cellphone ko. Sa kwarto ko ay umakyat uli ako sa hidden place ko. Inayos ko ito ng ako lang, kaya namn ok lang na wala akong best friend.

Palagi akong nandito sa tuwing naguguluhan, nalulungkot at nagagalit ako sa sitwasyong kinahaharapan ko. Matagal ko ng tanong na kung bakit kailangan pa ng best friend sa mundo? I mean mas maganda namn ang mag-solo ahh.

Marami kasi akong nakikitang magbest friend pero nagkaka-away at hindi na nagkakaayos. Dba parang tanga lang. Kasi kung mahalaga sa kanila yung friendship nila eh bakit hindi sila nagbati? Kakaloka lang...




Zera POV
"Hon, paano na pag-aaral ni Mico? Ilang school na ang tumatanggi sa kanya dahil lang sa wala syang best friend", sabi ko sa asawa ko habang nakahiga kami.

"Kahit anong mangyari dapat makapasok ang anak natin sa private. Makakasira sa pamilya natin kung mag-aaral sya sa public", sagot nito.

"Pero hon", tanging nasabi ko.

"Wag kang mag-alala hon, gagawa ako ng paraan. Bukas na bukas makakapasok sya sa private school", sabi ni Richard at hinalikan ako sa pisngi sabay yakap sa akin at natulog.




Mitch POV
"Anak gumising ka na. May pupuntahan tayo", panggigising sa akin ni mama.

"Saan naman tayo pupunta ma?", tanong ko agad kahit hindi pa nakakamulat ng maayos ang mata ko.

"Basta anak", sabi ni mama at umalis na.

Nag-asikaso na agad ako kasi alam kong may trabaho pa sila mama. Matapos naming mag-almusal ay umalis na kami.

Habang nasa biyahe kami ay napadaan kami sa isang school. Mukhang private ito at maraming estudyante ang napasok. Lahat sila may mga partner. Teka, dito ba ako mag-aaral?

"Ma", tawag ko pero huminto na yung kotse at bumaba na sila.

Hayss, dito na nga ako papasok. Naglalakad kami papunta sa head office ng may nakita akong isang lalaki na walang kasama. Lahat may mga kasama pero bakit wala sya? Yaan na nga, baka late lang yung kasama nya.

"Good morning po Mr and Mrs. Guzman", bati nung babae kila mama at papa.

"Good morning din Ms. Warren or Mrs. Val?", pabirong sabi ni mama.

"Ayy hahaha Mrs. Val na lang", nahihiya pang sabi nung babae.

"Eto na siguro si Mitch. Ang laki na nya ahh. Dalaga na", sabi nung babae sa akin.

"Uhmn, hi po", sagot ko.

"Eto ang isang dahilan kaya nirerequir ng bawat private school ang pagkakaroon ng best friend ng bawat student", sabi ni Mrs. Val.

"Umupo muna kayo", sabi nya.

Ng naka-ayos na ang lahat ay nagsimula na syang magsalita.

"Bakit nga ba mahalaga yun Gwen?", tanong ni mama.

"Dahil sa nawawalan ng self confidence ang isang bata kapag wala syang kasama. Naiisip nya na wala syang karamay sa loob ng paaralan at labas. Kaya ngayon palang ay tinuturuan na ng bawat private school ang mga bata na maging sociable start from there best friend", paliwanag nito.

"Ganon pala", sabi ni papa.

"Yup. Sa kaso ni Mitch, kahit kailan ay wala syang naging best friend since lumaki sya", sabi nung babae.

"Tama ka dyan kaya naman medyo hindi sociable si Mitch".

"Swerte nyo at may nakilala din kaming tulad ni Mitch".

Sa pagsabi ni Mrs. Val ay may pumasok na pamilya din sa office. At nakita ko na naman yung lalaking nakita ko sa daan. So, wala din pala syang best friend kaya ganon.

"Family Guzman this is family Santos".

Nagkamayan sila mama at papa. Samantalang kami nung lalaki ay walang ni hi man lang o kaya hello.

"Hey kids why don't you greet each other?", singit ni mama.

"Mas maganda siguro kung hahayaan muna natin sila mag-usap", suggest nung nanay ni boy.

"It's a good idea", gatong namn ni Mrs. Val.

Pinalabas tuloy kami at para daw makapag-usap kami. Ano namang pag-uusapan namin?

"Hey, I'm Jake", sabi nung lalaki.

"Well hi Jake. I'm Mitch", sagot ko.

"So can we be friends?".

"No. I'm not interested", cold kong sagot at nauna na akong maglakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To my Best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon