Pakitali nga!

634 24 22
                                    

"Pakitali nga!"

Palagi nyang pag-uutos saken. Nakakabadtrip talaga kahit kailan ang babaeng 'to. Kalalaki kong tao, ako palagi ang inuutusan nya magtali ng buhok nya!

Kung di lang siguro sya babae baka nasuntok ko na sya ng isa.

"Tss! Bakit ba lagi na lang ako!?" galit kong sigaw sa babaeng nakatayo sa tabi ng upuan ko.

"Dali na! Ikaw lang naman maganda magBun ng buhok dito eh! Tsaka sayo lang ako hindi naiilang magpatali ng buhok!"

Tangna! Hindi ba nya alam na ang sagwa na tingnan ng ako yung tagatali ng buhok nya! Hindi ba sya nasasagwaan do'n?

"Lalaki po ako, baka nakakalimutan mo."

"Hindi ka lalake sa paningin ko." bulong nya tsaka humila ng upuan at itinabi sa upuan ko.

Tangna na talaga! Sinong hindi lalaki!? Baka inuumpog ko sya desk ng mesa ko!

"Sht ka. Baka halikan kita jan eh!"

"Shut up. Talian mo na lang yung buhok ko." wala na 'kong nagawa. Kinuha ko yung suklay sa kamay nya at tinalian sya ng buhok. Deyum~

Pakiramdam ko ay tinitingnan kami ng lahat ng mga kaklase namin. Shet! Namumula ata ako. Tangna naman oh!

"Tapos na." bulong ko saka sya tumayo at tumingin sa salaming hawak nya at ngumiti.

"The best ka talaga Yu!" nag-ok hand sign pa sya bago lumabas ng classroom. Napakalalim na buntong hininga ang ginawa ko.

"Close na close ah." pang-aasar ni Jeffrey, isa sa mga kaklase kong abnormal.

"Fuck you po." tapos humagalpak ng tawa nakakaput*ngin*ng Jeffrey na 'to.

Last na talaga 'to. Ako na ang napapahiya sa ginagawa ng babaeng 'yon. Hindi na talaga 'to mauulit. Pota! >.<

Kinuha ko yung cellphone ko sa aking bulsa at nagtype.

PAKITALI NGA!Where stories live. Discover now