Chapter 1: The Announcement
Sam's POV
"Class! Line up outside now! Get ready for the morning assembly!" sigaw ng class adviser namin na si Ms. Mallari.
"Yes, ma'am" sagot naming magkakaklase.
"That's why I hate mondays, we always have to go to the quadrangle to have our morning assembly. Like, ugh!" bulong sakin ni Holly na mukhang iritang-irita.
Nagbuntong hininga nalang ako. There she goes again, being her lazy self.
"Tsk, tsk! Hay nako, di ka parin nagbabago, pano mo ngayon mapapakita kay Hayden na kayang mo ring makakuha ng mataas na score sa exam at makaabot din sa mga Top students sa school tulad niya kung sa pag-pila palang ng maayos sa linya di mo kaya dun pa kaya." singit ni Kiara
"Settle down girls, or you both might get in trouble." kalmadong sabi ni Luna sa kanila.
Hay nako, nagsisimula nanaman sila. Buti nalang talaga nandiyan si Luna, kasi kung hindi, walang magtiya-tiyagang bawalan sila. Ano ba naman yan? Ba't ba ang bagal namang kumilos ng iba, parang pagong kung maglakad.
Pagdating namin sa quadrangle, yung mga iba kong kaklase ay nagsitilian dahil padating na yung mga lalaki ng Kriston Academy galing sa kabilang building.
"Good Morning students!" bati ng teacher na may hawak ng microphone.
At dahil dun tumahimik ang lahat. Dito kasi sa eskwelahan namin, pwede naming gawin lahat ng gusto namin, pero dapat we should know our limits. Kapag kailangang tumahimik, dapat tumahimik ka na, huwag mong hihintayin na bawalan ka ng teacher, kasi kapag nainis na sila. Alam mo na ang mangyayari sayo, kaya humanda ka na.
May narinig na akong tsismis noon. Meron daw isang estudyante na ayaw magpabawal, eh kuryente yata yung power nung teacher na nagbabawal sa kanya, sa sobrang inis siguro ng teacher hindi na niya na matiis. Ayan tuloy, BOOM!!! Diretso sa clinic yung estudyante. Ewan ko lang kung anong sumunod na nangyari kasi lumabas na ko ng C.R nun eh. Oo tama, narinig ko lang sa C.R yun, haha.
Okay, back to reality.
"As we all know, next week is when all of you will take your examinations, we teachers had a meeting last Saturday, and we each gave our own opinions and ideas. In the end, we have decided that whoever fails the exam will have to clean the school and be on lunch duty." sabi ng teacher na may hawak ng microphone.
Dahil dun sa sinabi niya, biglang umingay sa quadrangle. Madaming nagreact, pero meron din namang iba na tahimik lang sa pwesto nila.
"If you have any dissatisfactions, you're all welcome to the go to the principal's office." dagdag niya.
"Ano daw? Kailangang maglinis sa school at maglunch duty kapag bumagsak sa exams? Ayokong maghugas ng mga plato! Kadiri!" sigaw ni Holly pagdating namin ng classroom.
"Tinatanong ba yung opinion mo? Ba't ba ang arte mo!" sabi naman ni Kiara pabalik sa kanya.
"Ikaw ba kausap ko? Balita ko kasi si Sam at Luna yung kausap ko." sagot ni Holly kay Kiara.
"Nakaharap ka kaya sakin!" sabi naman nung isa.
Haayy, nagsisimula nanaman sila.
"Luna, ikaw na muna bahala sa kanila ngayon, ako nalang bukas." bulong ko kay Luna na nasa tabi ko tahimik na nagbabasa ng libro.
"O sige." sagot niya habang tumatayo.
"Ano ba kayo girls? Nasa prep pa ba kayo? Hindi na kayo bata para mag-away ng ganyan." narinig kong bawal ni Luna sa dalawa.