A/N: Welcome sa 3Fs! Hahaha. This is only pure fiction. Hope you enjoy! :) You'll know what 3fs means soon. Love love love. God bless! PM me for dedications. :)
~1~
JADE
“Why life is so…. unfair?”
Nababaliw na po ako. Naiinlove na ‘ko kay Augustus. Shet. ^U^
Ang gwapo gwapo n’ya! Kahit na sa The Fault In Our Stars ko lang sya nababasa… Habang sinasabi n’ya ang mga linya n’ya, gwapong gwapo ako sa’kanya. ^///^
Naglalakad ako sa school corridor habang yakap yakap ang librong TFIOS ko. Ilang ulit akong nagmakaawa kay Mama para bilhan ako ng hard copy ne’to. Ayoko kasing softcopy. Isang ano mo lang, magugusot o mapupunit na. Delikado. Baka magwala ako. Makikita mo ang dragon na ugali ko. Bwahahaha.
Nakangiti ako ng malapad habang paakyat papuntang classroom. Kinikilig nanaman kasi ako kay Augustus tuwing naaalala ko kung ga’no s’ya ka-sweet. ^O^
Pagkapasok ko sa classroom, binatukan agad ako ng bestfriend ko.
“Aray naman, be!” sabi ko sa bespren ko. BE ang tawag ko sa mga kaibigan ko. Kahit nga minsan sa mga lalaki eh. Nasanay na kasi ako. Hahaha.
“Aga aga, nakangiting ulol ka ‘dyan!” sabi ba naman sa’kin ng bespren ko. Leche. Sama talaga ne’to.
“Eeeeeeh, be!! Grabe, ang gwapo gwapo talaga ni Augustus! Hihi.” Sabi ko habang kinikilig.
“Baliw.” Sabi sakin ng bespren ko. Anak ng. T^T Sama.
“Che, palibhasa may bi-ep ka kaya ka ganyan!” sabi ko.
Nanahimik s’ya. Nako po.
Alam ko na ‘yan. May problema nanaman sila. Tss.
Nothing changed.
“Ano? Nanahimik ka? May problema nanaman kayo ‘no? Hay nako.” Sabi ko sakanya sabay pasok sa loob ng room at nilapag ang gamit ko sa upuan ko.
Hay, umagang umaga. Ang ingay ng section namin. Well, sa loob ng 1 buwan. Sanay na ‘ko.
Pagkalapag ko ng gamit ko, ayon ang bespren ko, nakaupo sa may upuan ng teachers at nakahalumbaba sa teacher’s table. Tsk tsk.
“Oh? Anong problema n’yo?” bungad ko sakanya sabay kuha ng upuan malapit sa teacher’s table.
Sumimangot s’ya, “S’ya kasi! Nakakainis!” sabi nya.
Eh? “Eh? Bakit nga?” sabi ko
“Nagka-chat nanaman sila no’ng crush nya.” Sabi nya sakin.
“Tss. Ewan ko, oh, pa’no mo naman nalaman ‘yan?” tanong ko.
“Nakita ko sa FB nya. Hay nako.” Sabi nya habang inis na inis.
Magsasalita na sana ako ng nakita kong palapit ang kanyang bi-ep. Aygoo.
Mag-uusap na sila. Nginitian ko ang bespren ko at tiningnan ng masama ang boypren n’ya. Kakaloka. Tss.
“Hehe, Jade. Apir!” sabi nya at inisnob ko lang.
Leche ‘yon. Umalis na ko sa pwesto ko ‘don at hinayaan silang mag-usap. Mamaya, tingnan n’yo naghahalikan na ‘yang mga ‘yan. -_-
Nag-uusap sila. Maaga pa kasi.
May nagbukas ng pintuan…
WAAAA! Si Crush!
Oh my gas. I cannot!
Mahihimatay na yata ako guys.
Ang gwapo n’ya talaga. At nakangiti pa everytime na papasok. Ugh.
BINABASA MO ANG
I AM 3Fs (KathNiel)
RomanceINFO: Kapag minamalas ka nga naman, oo. Friend zoned ka nga, fiction zoned at fan-zoned ka pa. Lecheng buhay ‘to. I am Jade Zachary. And I am 3Fs. || KathNiel fan fiction. All rights reserved 2014 (c)~