Chapter 1

56 2 1
                                    

Ako si Helena Villareal. 23 years old na ako at no boyfriend since birth.

They call me the Ice Princess. Why?

Cause I am cold as fuck and I don't need men in my life.

Hindi naman sa bitter ako pero lumaki lang talaga ako na career and success ang priority.

My dream is to become a flight attendant. Kaya Tourism ang kinuha kong course sa college kahit against ang mga magulang ako dito. Palibhasa my Mom is an architect while my Dad is an engineer. My older sister is also an architect while my younger sister is a soon to be engineer. May younger brother din ako and kami lang ang naiiba sa kanila. He wants to be a pilot someday.

Makikipag kita ako ngayon sa mga bestfriend ko na sina Tricia Gomez and Janina Villalobos. They are my friends for almost 10 years now.

Sa Café Nativo namin napag usapan na magkikita. We promised each other na magkita kahit once a month despite our busy sa schedule.

Tricia is a businesswoman and a blogger while Janina and I are stuck in the corporate world. I was rejected by my dream airline company, pero hindi ako susuko. I will try again next time but for the mean time, magwork muna ako sales associate sa isang kilalang hotel dito sa aming hometown.

"Hey girls!" Bati ko sa kanila.

Si Tricia pa lang ang naabuan ko dito. Meaning, late na naman si Janina. As always!

"When will you stop being so masungit, Ms. Villareal?" Bungad ni Tricia sa akin pagkaupo ko pa lang.

"Wala naman akong ginawang masama?" I defended myself. Alam ko ang tinutukoy niya. Yung binasted ko nung nakaraang araw.

"Anong wala? Napahiya yung tao. Kawawa naman" As if ako na naman ang mali.

"Ang kulit kulit nya. Sinabi ko naman na di ko sya gusto di ba? Pero kinukulit nya pa din ako makipagkita na as if boyfriend ko sya" Napailing na lang si Tricia sa sagot ko.

"You're still the ice princess that I know. Ayaw kita ipressure pero tumatanda na tayo girl"

"So? 23 pa lang tayo. Madami pa kong gustong gawin sa buhay. I want to be a flight attendant. That's my goal"

"Pwede ka namang maglovelife while chasing your dreams, Helena"

Sakto namang dumating si Janina. It's already 3pm at 2pm ang usapan. Filipino time!

"You're late!" I told her.

"I know! I am sorry, Ice Princess. Haha. Love you!" She gave us a hug.

"Naku pagsabihan mo nga yang si Helena!" Here we go again.

"Pusong bato ka talaga! Baka mamaya tumanda ka ng dalaga nyan"

"Eh ano naman? Wala namang masama dun"

"Ang akin lang naman sana Helena. Don't be stiff. Yung iba nga nagtitinder na at kulang na lang ihayin ang buong sarili magka jowa lang. Kaso yung iyo sobrang opposite!" Says the makulit na Janina.

Ininom ko na lang ung order kong latte. Ang lakas naman ng tawa ni Tricia sa sinabi ni Janina.

Ano nga ba ang ginawa ko sa binasted ko? Prinanka ko lang naman.

Gusto nya kasi ay lagi kong sasagutin ang tawag nya at gusto nya din makipagkita pero busy akong tao.

Sabi ko sa kanya: "Sorry for not answering your phone call nicely. Right now, I am annoyed at you due to our last phone conversation. I really get annoyed when you expect me to adjust for you. I mean yes I said I would meet up with you but like what I've told you I am currently busy. And then what did you answer me? Can you at least be a little bit considerate? You are just my friend and not my boyfriend. You can't expect me to adjust my schedule to fit your whims. Anyways, hope you understand!"

Ano bang mali dun? Nagpapaka totoo lang naman ako di ba? Medyo guilty ako pero kahit na! I am pissed af!

"At tinext mo sya ng english!" Di na mapigilan ang tawa ni Janina.

"You were pissed. Haha! Pati ako dinamay mo umagang umaga kanina ineenglish mo ako. Akala ko kung ano na yung problema mo. Nakipag away ka na naman pala" Sinara na ni Tricia yung laptop nya para makakain na kami.

I ordered pesto. My fave!

"Mas okay na nga yung sinabihan ko sya. At least di na sya nangungulit" I bet napahiya talaga sya. Hindi na din yun nagrereply e.

Nagkaka crush din naman ako before at madami din ang gusto manligaw sa akin. Pero hindi ako pumapayag. I am pretty, yes. Pang model din yung katawan ko. Yun nga lang, personal preference ko lang talaga na wag muna mag boyfriend.

Nakilala ko si Paul last week. Bukod pa si David na binasted ko nitong nakaraang araw. Gusto ko sana payagan si Paul na manligaw kaso nagbago ang isip ko sa di malamang dahilan. I just don't feel like it. Kesa naman pilitin ko ang sarili ko di ba?

Strict din ang parents ko sa akin kahit na 23 years old na ako. Palaging hinahanap kapag pumatak ang ala sais ng gabi.

At naniniwala ako na baka mamaya makasabay ko sa eroplano si Mr. Right. Hehe! Corny pero malay mo lang naman di ba!

I hate David so much. Kaya ko siya binasted kasi he annoys me everyday! Kinukulit nya ako. Lagi syang tumatawag tsaka gusto nya laging makipagkita.

Like hello? Di ko naman sya boyfriend! Kung maka-asta sya ha!

"I hate him so much!" Bigla ko na lang nasabi habang kumakain kami.

"Si David na naman ba? You know what, I haven't met him pero sige ka ikaw din!" Weird naman ng sinabi ni Tricia.

"Anong ako din?" I don't get her.

"Malay mo si David talaga para sa'yo! Ni hindi nga mawala sa isip mo oh. Simpleng bagay lang nagagalit ka na" Pssh. No way!

"Eh he's annoying! He's not even my boyfriend!"

"The more you hate the more you love kaya!" Banat ni Janina.

"As if noh! No way!"




As in no way!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blow Your MindWhere stories live. Discover now