TOSS COIN
"Joyce! bilisan mo naman! Last Quarter na daw tas sila na ang maglalaro!" gustong gusto ko na talagang mapanood yung laban nila Jeremy . Actually hindi naman talaga ko nanonood ng basketball eh. Niyaya nya lang talaga ko at mag Cheer daw ako. Nung una ayoko talaga pero nung sinabi nya na 'Pag hindi ka pumunta, hindi na kita kakausapin kahit kailan. Kakalimutan na kita' kaya ayuna! Pumayag na lang din ako.
Syempre ayoko namang masira yung "Friendship" namin diba? Friend lang ang turing nya sakin pero matagal ko na syang crush. Almost 6 years na kaming "magkaibigan" at almost 6 years ko na din tinatago sa kanya na crush ko sya. Pero okay na ko kahit magkaibigan lang kami. Kahit hanggang dun lang yung turing nya sakin. Atleast di snob yung crush ko. Eh kayo? Siguro nga hindi alam ng mga crush nyo na nag eexist kayo eh! Mainggit kayo. HAHAHAHA
Ang gusto ko naman kay Jeremy yung sa tagal naming magkaibigan at tagal na magkakilala eh hindi pa sya nagkakaron ng crush o girlfriend kahit ligaw o landian lang sa text. Ewan ko ba sa lalaking yon.
"Eto na nga! Oh tara na"
"Ang bagal neto! Pag tayo nalate pa. lagot ka sakin" Medyo malayo pa yung complex kaya kelangan pang mamasahe.
"Shianne! Yung cellphone mo! iiwan mo?" Sa sobrang pag mamadali ko maiiwanan ko pa yung pinaka importante sa lahat.
"Eto na ! Alis na tayo"
"Talagang gusto syang mapanood no?"
"Aba Syempre naman! Kailangan ng suporta ng Ahbu ko no! Bilisan na natin baka malate pa tayo" tumakbo na kami para makasakay sa bus.
Ngapala. Shayan ang pronounce sa pangalan ko hindi Shiyan. Alam nyo na?
Sumakay kami sa unang bus na nakita namin. Ang daming pasahero at isa lang yung bakanting upuan kaya pinaupo ko nalang dun si Joyce at tumayo nalang ako.
"Pakshet. Traffic pa" hindi ko na maiwasan ang mag mura . Maari ka ba naman halos maiwan ko na pati kaluluwa ko sa bahay namin dahil sa sobrang pagmamadali tas trapik pa!? Watdapak.
"Nagwwarm-up na daw sila." -Joyce.
"Sino nag sabi?"
"Si Jeremy. Di ka daw nag rereply eh." Kinuha ko naman agad sa bag ko yung cellphone ko at nakita ko ang 27 unread messages.
"Ahbu. San ka na?"
"Ahbu. Patapos na yung kabilang team"
"Ahbu!"
Hindi ko na pinag patuloy ang pagbabasa "Joyce. lakad nalang tayo. Ang tagal na natin dito"
"Ano? Paglalakarin mo ko?"
"Hindi! Papalanguyin kita sa kalsada para makita mo si Dyesebel. Bilisan mo na. Ang daming text sakin ni Ahbu. Galit na yon" bumaba kami bus at nag lakad nalang. Ang layo pa ng lalakarin namin at ang init pa. Bakit kase traffic pa eh. Malas naman.
Hindi pa kami masyadong malayo mula sa bus na pinag babaan namin pero bigla nalang nag sigalawan ang mga sasakyan at bumibilis na ang pag andar.
Pinaglalaruan ba ko ng tadhana? bakit ang malas ko?! Sumakay kami ulit sa isa pang bus at sa awa ng Dyos eh nakarating na kami sa complex.
First Quarter palang pero lamang ang kalaban. Humanap kami ng mas malapit na upuan at don umupo. Nag lalakad lang si Jeremy at napatingin sakin . Sumenyas ako sa kanya na parang nag sosorry ako. pero masamang tingin lang ang tugon nya.
Natapos na ang first quarter kaya lumapit sakin si Jeremy at umupo sa tabi ko.
"Bakit ngayon ka lang?" mataray na pagtatanong nya.
BINABASA MO ANG
Toss Coin
RomanceBihira lang yung posibilidad na mahal ka din ng taong mahal mo o crush ka din ng crush mo. Pero ako. Kasama ako sa bihirang yon ;)