C-3 HOSPITAL VISIT

1 0 0
                                    

CHAPTER THREE

NOICHEN'S POV

Nandito nga pala kami sa Hospital nagplano kasi kaming mag Hospital Visit Kay Yuzu. papunta palang kami sa room ni Yuzu. ilang weeks na yung lumipas Simula nung malaman namin ang secreto ng isat isa at patuloy parin yung apat sa pagpapaalis kay Yuzu at pang dalawang buwan na rin ni Yuzu sa coma

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso may mas naunang mag bukas nito mula sa loob at biglang niluwa si Tita

"Oh Hija napadalaw ka?"Pag bati nya sakin

"Uhm namiss ko lang po si Yuzu eh Tita pwede po ba dito muna kami hanggang Bukas sa Monday pa naman po ang pasok namin eh"pag papaalam ko Kay Tita

"Ano ka ba Hija okay lang naman kahit di kana mag paalam eh Oh sya mauna na ako at marami pa akong aayusin"pagkasabi ni Tita nun ay umalis na sya

Nandito lang kami sa loob ng kwarto at nag uusap usap kami tungkol sa kung ano anong bagay hanggang sa biglang sumulpot si Yuzu

"Guys ililipat na daw ako ni Mama sa bahay"pag babalita saamin ni Yuzu

Sumunod pala sya Kay Tita bago kami pumasok dito sa loob ng Kwarto nya

"Huh bakit naman"tanong ni Meyrin
"Para daw mabilis mabantayan"sabi ni Yuzu sabay nag palit sya ng anyo

Naging maliit na tao sya na kasing liit lang ng daliri at may pakpak sa likod

"Ang Cute kaya mong maging ganyan kaliit"tuwang tuwang sabi ni Sinon

"Wait bakit nag palit ka ng anyo?"tanong ni Meyrin

"Sa gantong anyo ay kaya na akong makita ng tao at pwede nyo na akong kausapin pag nasa labas tayo"sabi ni Yuzu habang nakatingin sa reflection nya sa salamin

Nga pala Hindi namin kinakausap si Yuzu kapag nasa labas kami baka makita kasi kami ng ibang multo at humingi ng tulong o baka rin isipin ng mga taong nakakakita baliw na kami

"Eh pag nakita ka nila Baka may magtangkang hulihin ka?"Oo nga tama si Meyrin

"Don't worry Guys kaya lang nila akong makita pero di nila ako mahahawakan kasi kahit mukha akong Pixie ay multo parin ako"sabi ni Yuzu at lumipad papunta sakin

"Okay so kung sasama ka sa school namin makikita kana ng lahat?"Sinon

"Oo naman"Sagot ni Yuzu bago pumasok sa Kwentas ko

May kakayahan si Yuzu na pumasok sa mga bagay isa yung sa kakayahan nya para makapag tago

Marami syang kayang gawin na discover nya lang sa loob ng isang Buwan. kaya nyang magteleport, mag ibang anyo, pumasok sa mga bagay, mag control ng katawan ng tao at ang pinaka bagong na discover nya ay yung maka pang gaya ng damit sa magazine

Nagkukwentuhan lang kaming tatlo tungkol sa kung ano anong bagay ng biglang pumasok ang kuya ni Yuzu sa si Kuya Yuan

"Ops Sorry insan akala ko walang tao"sabi ni kuya nung nakita nya ako

"Haha sira ka talaga Kuya nakakagulat ka ah"sabi ko kay Kuya Yuan at binato sya ng unan

"Oh may dala ka pa palang chics dito ahh"sabi ni Kuya nung nakita yung dalawa

"Baliw Kuya Yuan Kaibigan namin yan kaya wag mo yang lalandiin maliwanag?"sabi ko Kay kuya na ginagaya ang boses ni Tita

"Makikipag kaibigan lang naman eh"Sabi ni Kuya Yuan at naka pout

"Naku kuya Yuan wag ako di mo ako maloloko kilala kita babaero ka"pang aasar ko Kay kuya

"Grabe ka sakin insan ahh masama bang makipag kaibigan sa kanila ang ganda kaya nila kaya pasado na haha"tawa ni kuya na may halong pang aasar

"Sige lang mamaya makikita mo yung multo ni Yuzu jan whahaha"ako naman ang nang aasar sa kanya

"Oo na kaya nga pala nandito ako para sabihin sayo na bumalik na yung papa mo at gusto kang makausap"napatigil ako sa sinabi ni kuya Yuan

"Sabihin mo ayoko syang kausap at kung itatanong nya kung Asan ako sabihin mo nasa empyerno sinusunog yung kaluluwa nya"May galit kasi ako sa Papa ko dahil iniwan nya kami nung bata pa kami ni Kuya Alex para lang sa babae nya

"Haha Grabe ka Cous huh nga pala kung ayaw mo makita yung magaling mong tatay doon muna kayo samin matulog tabihan nyo si Yuzu mamaya na kasi sya iuuwi sa bahay eh"Sabi ni Kuya Yuan

"Bakit naman"tanong ko

"Doon daw muna yung magaling mong tatay titira sa inyo"mas lalo akong naginit dahil sa narinig ko

"Eh si kuya Alex?"Tanong ko

"Doon daw muna sya sa Condo nya"sagot ni kuya Yuan

"Okay samahan mo ako mamaya kuhain yung ibang damit ko ahh"Sabi ko Kay kuya

"Ngayon nalang habang nasa Mall pa sila para di kayo magpangabot mamaya"pagkasabi ni kuya Yuan nun ay Umalis na kaming lahat

Nakuha ko na lahat ng gamit ko at nagiwan ng sulat sa may pintuan ng kwarto ko

Pagkadating namin sa bahay nila Tita nandoon na si Yuzu nailipat na sya sa kwarto nya

Hinatid na kami ni Kuya Yuan sa kwarto ko pagkaalis ni kuya Yuan Lumabas naman si Yuzu sa Kwentas ko

"Cous narinig ko sa usapan nyo na bumalik na yung walang kwenta at magaling mong tatay"Tss kakaiba rin tong isang to eh Multo na chismosa parin

"Wala akong tatay"Sensya na Simula kasi nung iniwan kami ng malandi kong tatay para sa babae nya ay kinalimutan ko nang may tatay ako

"Ewan ko sayo makatulog na nga lang"Umalis si Yuzu at pumasok sya doon sa isang maliit na Storage doon sa wall ng kwarto

Nagets nyo ba kung Hindi wala na akong paki haha nga pala lagayan ko yun ng mga chocolate nung bata pa ako

Lumapit ako doon at binuksan nakita ko si Yuzu na nakahiga sa isang maliit na ulap na kulay Violet bago sya mahulog

"Ano ba bwesit to inaantok na ko lumayas ka nga"binabato nya sakin yung mga candy na nandodoon siguro mga natira yun sa mga candy na nilagay ko doon

"Haha sorry na haha"natatawa ako sa reaction nya eh

"Tss"yun lang yung sinabi nya bago mag laho

"Lagot ka Noi Ginalit mo hahaa"natatawang sabi ni Sinon

"Tara na guys tulog na tayo tapos shopping tayo bukas"sabi ni Meyrin bago humiga sa kama Malaki naman yung kama kaya kasya kami

Humiga na kami sa tabi ni Meyrin at Hinintay na makatulog pero Hindi ako makatulog dahil marami akong iniisip kaya nag bilang nalang ako hanggang makatulog

I'M FALLING IN LOVE WITH THAT GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon