Chapter 1

7 0 0
                                    



"MICHAELA NICOLE!" sigaw ng kapatid kong kalbo, este ng kuya kong si Michael.

"Bakit ba? ~the closer I get to loving you, wohooooooo ~ "  tanong ko sa kuya ko with matching pa chorus ng favorite song ko hihi


" Ano ba, dyan ka na ba titira sa banyo? mag iisang oras ka ng naliligo dyan. May pasok pa ako! " sabi  ni kuya.

"Dami pa libag ee, eto na patapos na"  sigaw ko.


1st day kasi ng school ngayon kaya kailangan kumikinang sa linis yung katawan ko, para makita ako ng Bebe Dre ko 😍



Wait? Kilala nyo na ba ako? Di pa pala. So let me introduce myself.



Hi! I'm Michaela Nicole Velanueva, for short Minmin pero si Bebe Dre ko lang pwede tumawag sakin nun hindi pwede kayo. Mich! Mich ang itawag nyo sakin , okay? Hahaha



Sino ba si Bebe Dre?


"Lintik Michaela pag di ka pa lumabas dyan, gigibain ko tong pinto ng banyo!"  sigaw ni kuya.


"Eto na!" sabi ko.



Oh, later na lang pala yung kay Bebe Dre ko. Ligong ligo na kuya ko hihi.




So after ng lahat ng ginawa kong kaechosan, eto ako ngayon natakbo papuntang school kasi late na----



"Late ka na naman" isang boses anghel ang narinig ko. Boses na nagpapahina ng tuhod ko at nagpapalakas ng tibok ng puso ko.



at walang iba yun kundi si......













"BEBE DREEEEEEEE" sigaw ko sa kanya sabay yakap.


"Ano ba! Bitiwan mo nga ako." Sabay tulak sakin.

"Hala, kakakita ko lang sayo kahapon aa gumwapo ka agad? Namiss kita" sabi ko kay Dre na kanya namang ikinasimangot.

"Umagang umaga Minmin, wag mo sirain araw ko. Tara na" sabay hawak ng kamay ko at patakbong tinungo ang school namin.

dug dug

dug dug

dug dug


Ganun pa din.

Ganun pa din tama ko sa kanya kapag nagdidikit balat namin. Para bang lalabas na yung puso ko sa bilis ng tibok nito.

Sana ganun din yung nararamdaman mo.


A/N: 😂😂😂😂

Closer You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon