Chapter 12

1.1K 47 118
                                    

Kathy's P.O.V

Hindi talaga ako makapaniwala. Sila kasi yung..


...apat na lalaki na bumugbog sa mga nang-kidnap sa amin kahapon.


Teka. Bakit sila andito?


"I am Laoshi Itzuya" sabi ng lalaking may dark violet hair sabay bow.


"Heyow! Naoto Shishimaru! Just call me Naoto" sabi naman ng lalaking may brown hair at ngumiti sa amin.


"Hi! Ako naman si Shin Oh. Nice to meet you all" sabi ng lalaking may black na may halong red ang buhok.


"Hello to all of you! Ako si Rathy Red Rocoisawa! Just call me Rathy or Red!" sabi naman ng lalaking may mix red at pink hair at kumaway sa'min.


Nagsalita na ulit si Ma'am, "Sige. Maupo na kayo transferees"


Naupo na nga sila sa mga seats nila pero habang naglalakad sila papunta sa seats nila ay pinagtinginan namin sila.


Pinukpok tuloy ni Mam yung table, "Class!"


Napatingin kami kay Mam.


Nagsalita ulit si Mam, "Let's start with our King Bee and our Queen-"


Biglang pumunta sa harapan si Christine na sinundan naman ni Ashe.


Nagtutulakan pa nga silang dalawa eh.


"Ashe! Christine! Will you please stop?!" sigaw ni Mam sa kanila at pinaghiwalay silang dalawa.


"AKO ANG QUEEN BEE! HINDI IKAW!" sigaw ni Christine kay Ashe at sinabunutan ito.


Pumatol rin si Ashe, "SABIHIN MO YAN SA MUKHA MONG BAKLUSH KA!"


"Tumigil na-" sabi ni Mam pero hindi nakikinig si Ashe at Christine sa kanya at patuloy pa rin sa sabunutan. Kawawa naman si Mam. Di pinapakinggan. Naaalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya. Tuwing may time na nag-aaway sila Mama at Papa, hindi nila ako pinapakinggan. Naiistorbo tuloy ako sa importanteng ginagawa ko. Hindi ako maka-focus sa pag-aaral dahil nag-aaway sila.


"ASHE! CHRISTINE!" sigaw nang sigaw si Mam pero hindi pa rin nila pinapakinggan. This time, nakahiga na silang dalawa at nagsasampalan. Parang walang may gusto sa amin na umawat sa kanila.


Ang sakit ng ulo ko. Siguro, dahil wala akong tulog.


"Makinig naman kayo sa akin. 'Wag kayong mag-away!" sigaw pa ni Mam.


Bakit ba hindi sila nakikinig sa iba?! Sila lang ba yung tao sa room na 'to?!


Nakakaistorbo na sila.


Aaarrrggghhh. Ang sakit pa ng ulo ko.

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon