Bulong

173 0 0
                                    

Takang taka ang mga taga-barangay Tala sa biglang pagsulpot sa baryo ni ROMA. Para daw itong kabute na bigla na lamang lumitaw. Walang nakakaalam kung saan ito nagmula.

Halos araw araw ay paksa ng usapan si Roma. Kalaunan ay naging masama ang tingin ng mga tao sa kanya. Para daw siyang may itinatagong lihim.

Pati ang mga namamatay sa baryo na kakaiba ang uri ng pagkamatay ay kay Roma ibinibintang ng mga tao. Wala nga lamang katibayan ang hinala ng mga ito.

Hindi rin nila makompronta si Roma dahil natatakot sila. Para kasing kakaiba ang babae.

Matatalim at tila tumatagos sa kaibuturan ang mga tingin ni Roma lalo na sa mga kalalakihan. Kaya naman ilag ang mga kalalakihan sa baryo na makipaglapit sa babae.

Marami sana ang nagkakagusto kay Roma dahil napakaganda nito at napakaseksi. Maputi at makinis ang balat. Mga katangiang hinahanap ng isang lalaki sa isang babae.

Pero walang maglakas ng loob dahil natatakot. Kaya naman hndi nagkaroon ng isa mang kaibigan si Roma.

Iyon naman talaga ang gustong mangyari ni Roma. Ang pangilagan sya at katakutan para madali niyang maisakatuparan ang kanyang binabalak.

Kaya nga ng bumalik siya ng tala ay kakaiba ang ginawa niya.

Ipinaramdam agad niya sa mga taga baryo na hindi siya pangkaraniwang babae.

Totoo ang hinala ng mga taga-Tala sa kanya na mayroon lihim ang kanyang pagkatao. Katunayan ay may hawak siyang pinakamabagsik na kapangyarihan.

Ang kpangyarihan niyang taglay ay bulong kung tawagin. Kaya niyang pumatay sa pamamagitan lamang ng kanyang pagbulong. Kaya rin niyang bigyan ng sakit ang isang tao.

Ang kapangyarihan niyang bulong ay kinakatakutan ng mga aswang, manananggal, mambabarang at ng mga mangkukulam. Ilag sa kapangyarihan niya ang lahat ng masasamang espirito na gumagala sa lupa.

Nang umagang iyon ay patungo siya sa isang tindahan na tambayan ng mga taga-Tala. Lahat ng tsismis sa buong barangay ay doon maaaring masaGap. Umaga palang kasi ay marami na ang nakatambay doon para sumagap ng tsimsis.

Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na pakiramdam na siya nanaman ang pinag uusapan ng mga tao sa tindahan. Balewala iyon sa kanya. Huwag lang siyang makakarinig ng hindi maganda.

Tiyak na magkakasakit ang taong magsasalita nang hindi maganda laban sa kanya.

"Pagbilhan nga po ng bente pesos na pandesal at tatlong itlog, saka dalawang pakete ng 3in1 na kape" sabi niya sa may edad na tindera nang makalapit sa tindahan. Alam niyang sa kanya nakatingin ang mga taong naroroon.

Mabilis naman siyang nabigyan ng may edad na tindera.

"Mayroon akong tindang sariwang bangus at tilapia, baka wala kang ulam," sabi pa nito sa kanya. Nakangiti pa ito sa kanya ng sabihin iyon.

"wala nga po akong uulamin ngayong tanghali," sagot niya. "bigyan nyo nga po ako ng isang kainamang laki ng bangus at saka panigang na bayabas."

"Sandali at ikukuha kita," sabi nitong nagmamadali pa.

Hndi naman ito nagtagal. Nakalagay na sa plastic bag ang kanyang sinabi ng muli itong bumalik sakanya.

Gusto niyang matawag nang mga sandaling iyon. Para kasing binusalan ang bibig ng mga tao sa tindahan. Kaninang paparating siya ay dinig na dinig niya ang malalajtas na tawanan at kuwentuhan ng mga tao.

Nagmistulang sementeryo sa katahimikan ang paligid sa pagdating niya. Ganoon kalaki ang takot ng mga tao sa kanya. Iyon talaga ang gusto niyang mangyari, ang katakutan siya ng mga ito.

"Magkano pong lahat?"

"One hundred forty five na lahat. Huwag mo nang bayaran 'yong dalawang siling inilagay ko," sagot nito.

Dumukot siya ng dalawang dadaanin at saka niya iyon inabot sa tindera. Nang makuha niya ang sukli ay umalis na siya.

Alam niyang nakasunod ng tingin sa kanya ang mga tao sa tindahan. Nangiti na lamang siya habang tinutumbok ang daang pauwi sa kanyang kubo.

Nang mga sandali ring iyon ay nagkakatuwaan sina Camille at ang mga kaibigan niya sa kanilang mansion. Pinakamayaman at makapangyarihan ang pamilya nina Camille Durano sa Tala. Halos lahat ng bukirin sa kanilang baryo ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Kalahati halos ng mga kalalakihan sa Tala ay sa kanila nagtatrabaho. Kaya naman kung umasta si Camille ay parang pagmamay-ari niya ang lahat ng tao sa baryo.

Wala siyang ginusto na di niya nakukuha. Sa masama at sa mabuting paraan ay nagiging kanya ang bawat maibigan niya.

"Kailan ba natin paglalaruan si Roma, gusto kong malaman kung totoong may itinatago daw na kapangyarihan ang babaing iyon?" tanong ni Glaiza kay Camille. Mayaman din ang pamilya nito.

"Huwag kang mainip, kapag natiyempuhan natin siya sa labas, doon natin siya paglalaruan," sagot ni Camille. Malaki ang galit niya kay Roma. Ito kasi ang pinaghihinalaan nilang pumatay sa limang tauhan ng kanyang daddy.

bulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon