***
"Silberquenza! Hinding Hindi ka makakabalik sa paaralang ito hanggat di mo naibabalik ang mga nawawala mong estudyante!"
---
Prologue
Unang araw ko sa paaralang ito.
Kung titignan mo mga nag aaral dito, mga normal sila kung kumilos.
Masasaya.
Nagkakatampulan
Maiingay.
Pero sa Kabila nito may lihim silang pilit na tinatago.
Isang pangyayaring dalawang dekada na ang nakalipas.
Na patuloy na nangugulo sa paaralang ito.
Ang mga nawawalang estudyante.
***
Celine's POV
Kakaiba agad ang naramdaman ko pag pasok na pagpasok ko dito sa bagong paaralan ko.
Ang Mee-nak High.
Mee-nak ang pangalan ng paaralang ito dahil ipinangalan ito ng isang Thai sa kanyang pinakamamahal na anak.Limang dekada na ang paaralang ito.
Ma hahalata naman sa mga disenyo nito na mga bagong pintura lamang ang nagdadala.
Transferee ako. Dito kase ako gustong pag aralin ng ama ko noon pa.
Pero ayaw naman ng aking ina sa kadahilanang masyadong luma na raw ang paaralang ito.
Ang dahilan naman ng aking ama'y dito sya nakapagtapos ng high school kaya alam nya kung paano mamalakad ang mga guro sa mga studyante rito para tumino at makakuha ng magandang trabaho balang araw.
Ngayong school year, pinagbigyan na sya ni mama.
Malamig ang simoy nyg hangin na sumalubong sakin.
May nararamdaman akong kakaiba. Parang may nagbabadyang panganib na hindi ko maintindihan. Parang may pilit na ipinapahiwatig ang kakaibang atmospera.
Sa paglalakad ko may nakasalubong akong isang misteryosong batang babae puro nakaitim.
Nakayuko ito.
Nung nasa gilid ko na, huminto siya.
Na nagpakilabot sa buo kong katawan..
Mabilis siyang tumingala sakin at may kakaibang sinabi
"yin dee dtôn ráp...yin dee dtôn ráp!! Haha.. yin dee dtôn ráp...yin dee dtôn ráááp!!!!" -sigaw niya na pahalakhak na parang may galit.
Wala siyang mga mata! Puro itim ang loob nito na lumuluha ng mga itim rin na likido! At humahalo rin dito ang mga umaagos na dugo.
Ang kanyang bibig ay puro sugat na parang pilit binuka sa pagkakatahi!
Napasigaw ako at nakapasok sa isang room...
Nagtinginan sakin ang mga estudyante dito.
"May nakapasok ata na taga mental dito eh! HAHAHAHAHAHA!!" -sabi ng isang lalake sa unahan. Inayos ko ang sarili ko at nilisanl ang classroom..
Nanginginig man ang mga tuhod ko hinanap ko na ang classroom ko.
'yin dee dtôn ráp' -paulit ulit kong naririnig sa utak ko na may punong puno ng katanungan.
BINABASA MO ANG
Mee-nak High (Forever On-going)
Mystery / ThrillerIsang malaking palaisipan sa mga taga Mee-nak High ang sunod sunod na pag paslang sa mga estudyante, mga guro at iba pang mga staffs dito. Animo'y inuubos sila. Ang tanong, Sino Ang Pumapatay? May kinalaman ba ito sa nangyari sa paaralan halos dalaw...