Lies [ONESHOT]

332 17 6
                                    


Aaron's POV

Sigurado akong iniisip na ng mga nakakasalubong ko na baliw na ako. Eh anong magagawa ko, hindi ko mapigilang mapangiti pag iniisip kong 1 year na kami ni Janina my loves.

Papunta na ako sa bahay nila. May dala pa akong bouquet, pero imbes na flowers ferrero rocher ang nilagay ko. May dala pa akong box na naglalaman ng memories namin at mga letters ko para sa kanya na hindi ko naibigay noon. Kakornihan na kung kakornihan pero may effort ako dito at pinagipunan ko pa tong lahat. Aayain ko nga sana siyang kumain sa labas eh dahil siyempre 1 year na kami at gusto ko tong maging special pero sabi niya doon nalang daw sa bahay nila at ipagluluto nalang niya ako. Pero okay na rin yun, masarap naman siya eh este magluto pala.

Masayang-masaya parin akong naglalakad at malapit na ako sa bahay nila Janina pero nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa nakita ko.

Magkayakap si Janina at Daniel na bespren ko.

Ayos ah! Ayokong lagyan ng malisya ang yakapan nila pero bilang lalaki iba talaga ang nadarama ko.

Tinawagan ko si Janina kahit malapit na ako sa kanila.

Calling JaninaBabes...

[Hello.]

"Ahm, asan ka babe?" Tell me the truth please.

[Andito ako sa market ngayon eh. Namimili na ako para sa lulutuin ko.]

Sh*t naman eh! Ba't ka nagsisinungaling?

"Ah ganun ba? Bilisan mo ah, malapit na ako eh."

Sobrang lapit ko nga eh. Kaya nga nakikita ko yung ginagawa mo.

[Ah, sige babe. Bye na!]

Ba't ka nagmamadali?

"Bye, I love.."

*Toot..toot..toot*

Ay putek! Binabaan ako.

Hindi ko sila madinig dahil may kalayuan rin ako sa kanila pero isa lang ang di ko malilimutan. Hinalikan ni Daniel si Janina ko, hindi ko nakita kung saang parte dahil nakatalikod si Janina sakin pero tingin ko sa labi yun. Hayop kang Daniel ka! Mapapatay talaga kita!

Nakita kong naglakad na palayo si Janina, siguro para panindigan yung excuse niya.

At ako naman, di ko na napigilan ang sarili kong lapitan tong gagong to.

"Uy bro!" bumati pa ang gago.

"Bro mo mukha mo!" inis na wika ko.

"Chill ka lang dude. Di kita magets eh." sabi niya.

"Eh gago ka pala talaga eh noh?" sa inis ko di ko na talaga napigilang suntukin siya. Baka matauhan na eh.

"Problema mo?" sabi niya habang hawak-hawak yung parte na nasuntok ko.

"IKAW! Anong problema mo? Bakit mo siya hinalikan? Bakit si Janina pa?" galit ako habang sinasabi yan, naaalala ko kasi yung ginawa niyang hayop siya. Napasabunot narin ako sa sarili ko.

"Wala akong problema, Aaron. Hinalikan ko siya para itry kung masarap ba. Bakit siya? Kasi gusto ko siya." nang-aasar niya pang sagot.

"Hayop ka talaga! Gago ka!" sabi ko at nagsuntukan na kami.

"Aaron stop!" natigilan kami sa pag-awat ni Janina.

"Aaron..please..stop." mahinang sabi ni Janina na para bang bumubulong nalang sa hangin.

Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon