[12]

21.6K 596 94
                                    

[12]

[KAI]

Halos one week na rin ang nakalipas simula nang makapasign kami ng conract sa SM Entertainment. At halos one week na rin kaming awkward ni Luhan.

Hindi ko alam. Pero..

Sa mga sinabi niya nung nakaraan, parang may pinapahiwatig siya.

Kaso..

Ano ba? Hindi ko alam. Pilit kong inaalala ang babaeng yun..

Parang nakita ko na siya. Pero hindi ko matandaan kung saan. Hindi ko alam kung saan.

Sa tuwing iisipin ko lang siya ay sumasakit lang ang ulo ko.

“Arggghh!!” napahawak na naman ako sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. PIlit kong inaalala pero sobrang sakit lang ng ulo ang nararamdaman ko.

Aish. Bukas.. Bukas.. Bukas magkikita ulit kami. Bukas na ang simula ng training namin. Aish. Pero bakit ba ganito?

Bakit ako ganito kaexcited makita ang babaeng iyon?

“Taeyeon? Sino ka ba?” napahawak na lamang ako sa ulo ko at napahiga na lang sa kama.

Nagulat na lamang ako nang makita ko si Sulli na nakatayo sa gilid ko na nakacrossed arms.

“At sino naman ang Taeyeon na yan?” tanong niya sa akin at umirap pa. Ay oo nga pala, hindi niya kilala si Taeyeon.

Pero kilala niya nga ba yun? -_- Hindi niya kasi nakita yun nung pumunta kami ng building. Dahil nasa mall sila ni Hyori noong unang punta namin sa building.

Sinabihan kasi sila na ang gusto lamang makausap ng may ari ay kaming dose lang.

Tapos noong pumunta naman kami para magsign ng contract ay wala si Taeyeon. Hinahanap ko nga siya pero wala pa rin.’

Sinabihan rin ako nila Kris na huwag daw ako magbabanggit tungkol kay Taeyeon kela Hyori at Sulli.

Kapag tinatanong ko naman kung bakit, ang sinasagot lang nila ay..

“It’s for your own good.”

Kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero, nakapagsign naman na ako di ba? Kaya pwede na siguro niyang malaman?

“Si Taeyeon. Siya yung anak ng may-ari ng SM.” Nasabi ko na lang kay Sulli at hinila siya pahiga patabi sa akin.

He's the Man, She's the Boss /HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon