Puppy Love (One Shot)

31 1 1
                                    

a/n: Naisip ko lang ang story na 'to nung nasa labas ako ng bahay. May nakita kasi ako kaya naisipan kong gawan sila ng story. At eto na nga ang finish product..... Enjoy Reading :D

               Sa isang village, nakatira si Violet, sa House 105. Bata palang si Violet kaya syempre, mahilig siyang maglaro at gustong-gusto niya na sa labas ng bahay naglalaro kasi feeling niya mas masarap ang simoy ng hangin 'pag nasa labas ka. Kaya lang ang problema, hindi naman araw-araw pwede siyang lumabas. Sa kabilang bahay naman, 106, dun nakatira si Peter. Pareho sila ni Violet na mahilig maglaro. Si Peter laging nasa labas, pero si Violet paminsan-minsan lang. 7 years ng nakatira dun sila Peter habang sila Violet nama'y bagong lipat lang. Almost 2 months palang. Wala pang kaibigan si Violet, kaya sa tuwing siya'y naglalaro eh mag-isa lang siya.

               Isang araw, pinuntahan siya ni Peter sa bahay nila.

"Hello, ako nga pala si Peter. Ikaw ano pangalan mo?"

"Ako si Violet." nakangiting sabi niya.

"Nung isang araw pa kitang nakikitang naglalaro mag-isa. Bagong lipat lang ba kayo?"

"Ah, oo. 2 months palang kami dito. Pero, hindi ko rin alam kung magtatagal pa ba kami dito. San ka ba nakatira?"

"Dyan lang sa kabilang bahay. Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Oo naman. Buti naman may kaibigan na rin ako dito."

Natuwa si Violet sa sinabi ni Peter. At simula noon, naging magkaibigan na sila. Dun nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan. Palaging pinupuntahan ni Peter si Violet sa bahay nila. Kasi, kahit na bata palang sila, gustong-gusto na nila na nagkikita palagi, kaso nga hindi pwede. Minsan nasa labas si Violet pero minsan nasa loob, kaya nalulungkot si Peter 'pag hindi sila nagkikita. Kapag hindi pwedeng lumabas si Violet, umuuwi nalang si Peter sa kanila at pumapasok nalang din sa loob ng bahay nila. Nakagawian na nilang ganito ang ginagawa nila lagi. Kumbaga Daily Routine na nila.  Masaya silang magkasama at masaya ring naglalaro.

               [Sa labas ng bahay nila Violet]

"Violet, alam mo mahal na kita. Sabi nga ng mama ko bata pa daw tayo para dyan pero yun talaga ang totoo."

"Ahhmm, Peter.  Ganun din ako sa'yo. Mahal din kita. Nagpapasalamat nga ako at nakilala kita eh."

"Ako rin. At natutuwa ako at dumating ka sa buhay ko. Eto, tanda yan ng pagmamahalan natin........... Kahit na, bata palang tayo."

"Wow! Kwintas! Peter, ang ganda naman nito. Thank you."

"Syempre, para sa'yo talaga yan. Eto nga oh, meron din ako nyan. Para pareho tayo."

 "Ang sweet mo naman."

Naglakad'lakad sila. Nagkwentuhan at nagtawanan. Maya-maya,

"Peter, tinatawag na yata ako. Sige, uuwi na 'ko. Bukas na lang ulit. See you tomorrow."

"Ok, see you tomorrow. Uuwi na rin ako."

"Thank you ulit dito."

"Walang anuman!"

Umuwi na sila sa kanilang mga bahay. Akala nila, magiging Daily Routine na rin nila ang maging magkasama palagi, ang maging masaya. Ngunit, kinabukasan, malungkot na lumabas ng bahay si Violet. Si Peter agad ang una niyang nakita.

"Violet! Buti naman nakalabas ka."

"Ahhh, kanina ka pa ba nandyan?"

"Ahhh, medyo. Pero ok lang yun, bat malungkot ka?"

"Ha? Ahhmm, wala. Sige, punta muna tayo dun."

Namasyal sila sa loob ng village. Kwento ng kwento sa kanya si Peter, pero parang wala sa sarili si Violet.

"Violet? Alam ko may problema ka. Ano ba yun?"

"Ahh, wa-w-wala, wala."

"Anong wala? Eh, kanina pa ako nagsasalita dito hindi mo naman ako pinapansin, o pinapakinggan."

"Peter, anong oras na ba?

"9:54. Teka nga lang. Bat ba iniiba mo yung usapan?"

"Peter, aalis na kami. 10:00am, aalis na kami. Sorry, hindi na natin magiging Daily Routine na maglalaro tayo at magkikita. Alam mo namang wala akong magagawa kundi ang sumunod na lang eh."

"A-a-al-alis ka? Pero......... Pero Violet. Bakit? Saan?"

"Ewan ko kung bakit. Parati naman kaming ganito eh. Palipat-lipat ng tirahan. Hindi ko alam kung saan. Malay ko ba kung san ako dalhin."

"Violet....... Mamimiss kita. Kung pwede lang sana na dito ka na lang. Para hindi na tayo magkahiwalay."

"Sa totoo nga, ayoko nga naman talagang umalis, pero, wala eh. Wala akong magagawa."

"Violet, wag mo kong kakalimuutan ha. At tandaan mo, mahal kita."

"Syempre naman Peter, hindi kita makakalimutan. Mahal din kita. 'Pag naiisip mo ko, tingnan mo lang yang kwintas. Ganun din ang gagawin ko."

"Oh sige Violet, baka maiwan ka pa nila. Salamat sa lahat-lahat. Ikaw ang nagpasaya sa'kin. Bye. Mamimiss kita."

"Bye Peter. Salamat din sa lahat-lahat. Mamimiss din kita."

Naglakad na paalis na si Violet.

[Whistle]

"C'mon puppy. C'mon. Oh, where'd you get yoour necklace? Oh, Violet. Let's Go. Mom is waiting. Say bye to your friend."

[Puppy's Bark] 

"Arff, Arff!!"

.

.

.

.

Hindi naman lahat ng mga  lovestory ay pang tao lang.... Pwede din itong pang-hayop, tulad na lang ng story nila Violet at Peter. May isip din naman sila eh. 'Di man sila tao, napatunayan naman nilang pwede silang ma-inlove sa isa't-isa. At yun ay tinatawag na PUPPY LOVE :).

Sana po nag'enjoy kayo sa pagbabasa. Saktong'sakto para sa mga Pet Lover, especially Dog/Puppy Lover. :)

                                             Sana hindi kayo nakornihan sa story and sa Ending. :)

Puppy Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon