Draft Four

240 11 0
                                    


4.

NagCheck-in kame sa Sagada Guesthouse. Hindi punuan dahil hindi naman peak season kaya nakapamili kame ng kwarto na gagamitin. Isang kwarto ang binook ko dahil iyon ang utos ni pierre. Nagkibit balikat nalang ako.

Isang kwarto na may dalawang kama.

Nagpahinga kame. Mga ilang oras din ang tinulog ko ng gisingin ako ni pierre. Madilim na sa labas. Mga katok sa pinto ang nagpabalik sa inaantok ko pang diwa.

"tumayo kana jan labs at buksan mo ang pinto. Baka yan na ang pagkaen naten" kahit hindi maayos ang buhok ko at lukot lukot pa ang damit ay binuksan ko ang pintuan. Nanlalaki ang mata ng binatang nasa labas at pinasadahan ako ng tingin. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin at napakamot sa kanyang ulo.

Tumikhim si pierre sa aking likuran. Seryoso niya akong tinitignan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at kilay. Nakasimangot kong iginiya papasok ang naghatid ng aming pagkaen.

May inorder siyang kanin at adobong baboy. What caught may attention is the three delicacies which I hear only from those who travelled here in sagada.

Natutuwa ako na matitikman ko narin eto sa wakas.

Cone like suman is filling, delicious and sweetness is just slight. Linapet is made from ground malagkit (sticky rice) and cooked with ground peanut bits. Binatog is a popular corn dessert

I burp when I finished eating. Naaaliw na nakatingin sa akin si pierre.

"magpahinga kana" tinanguan niya ako at lumabas siya ng aming kwarto. Nagbasa muna ako ng baon kong libro bago ako natulog. Naalimpungatan ako sa mga haplos ni pierre sa aking buhok.

"I wish I could be with you forever andrea" I hear him but I was too tired to ask him kong ano ang ibig niyang sabhin. Kinabukasan ay maaga niya akong ginising. Kahit anong pilit kong isipin kong ano ang sinabi niya kagabi at hindi ko na maalala.

"antok na antok pa ako pierre" pinilit niya akong itayo.

"get up. Wash your face. Panonoorin naten ang sunrise sa Kiltepan View" kaya wala akong magawa when he dragged me into the shower. Lamig na lamig ako. Pagkatapos ay tinimpla rin naman niya ang tubig para uminit kaya naligo nalang din ako.

Marami kameng naabutan sa Kiltepan na nag-aabang din ng pagsikat ng araw.

Kahit lamig na lamig ay hindi alintana masilayan lamang ang pagbubukas ng araw. Eto yung nagpapatunay na sa lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay ay may panibagong araw parin na nag-aantay upang ikaw ay magpatuloy na mabuhay.

Nang nagsimulang bumuka ang liwanag ay natulala ako sa angkin netong ganda. The view is spectacular. Even if the fog shades it you will still see its beauty.

Nagtinginan kame ni pierre at nagngitian.

Hinaplos niya ang aking mukha at hinalikan ang tuktok ng aking ulo

" iwish I could still be with you" mahina niyang anas na narinig ko parin.

"syempre namn. Pwede parin naman naten tong gawin ah" he just pat my head. I felt his warm chest at the back of me. Niyakap niya ako sa likod. I felt happy. Parang kuntento ako sa kong ano ang pwesto namin ngayon

"I wish I could still do this" ang bara sa kanyang lalamunan ang nagpalingon sa akin ng nagtataka

"ayos ka lang ba pierre?" masuyo niya akong tinignan. Hinawakan niya ang aking pisngi ng may pag-iingat.

"promise me you will be a better person andrea" he would always says things that caught me off-guard. Nakakaloko etong si pierre. Hindi ba pwedeng masaya lang kame. Bakit ba pag masaya na kame bigla bigla niya nalang pinapalungkot. Nakakainis. Ni hindi ko na nga naiisip si tom at siya nalang ang laman ng isip ko ei

"I promise to be better pierre" umikot ako. Nilagay ko ang kanyang kamay sa aking bewang para yakap niya parin ako. I like his warmth. Gusto ko ang pakiramdam na nasa ilalim ng kanyang mga bisig. We stared at each other.

Parang may nagtutulak sa akin upang halikan siya. Nakita ko pa ang kanyang paglunok bago siya nag-iwas ng tingin at tinanggal ang braso sa pagkakayakap sa akin.

"let's go to Sumaging Cave" nakahinga ako ng maluwag dahil siya na mismo ang umiwas . pero bakit nanghihinayang ako na hindi niya ginawa kahit gusto naman niyang gawin.

The next day we hike into Bomod-ok Falls. Napakalayong lakaran. But when you see the beauty of nature you will just crave for more. Nakaka-overwhelm ang makita ang inang kalikasan na buo pa. May buhay at sumasabay sa agos kahit napakadami ng nagbago sa mundo.

Lake Danum is our last stop.

We just take pictures in there. Nakakatuwa dahil sa napakadaming pangyayari sa mundo inalagaan at minahal parin ng mga taga sagada ang ating likas na yaman. Kahit napakalayo neto ay talaga naman pinupuntahan parin ng mga turista. Dapat nakikita ng tao kong gaano kahalaga ang maibibigay ng ating inang kalikasan.

I felt rejuvenated. Naiisip ko na iisa lang ang buhay ng tao. I shouldn't dwell on my heartache. I know if I see thomas the hurt will always be there. I just learn today that in life There is no second chances only choices that you made. I choose to forgive tom and ate chloe for me to move on because Damn! Its already three fucking years!

Pabalik na kame ng baguio when pierre started to get agitated.

"ayos ka lang ba" parang di siya mapakali na ewan. Huminga siya ng malalim at tumango. We already spent our one week I don't know where our next destination is

"wait here" hindi niya na ako pinasagot at tumakbo siya agad tapos lumiko sa isang kanto. Walang nagawa na umupo nalang ako at inantay siya.

Nasa baguio na kame at nagugutom na ako. Wala ako halos kakilala dito kaya hindi ko alam kong okay ba na umalis at kumaen muna pero kasi baka hahanapin din ako ni pierre pag balik niya. Kainis talaga yun.

"miss" nilingon ko ang tumawag sa akin. Isang morenang babae. Mahaba ang alon-alon na buhok. Nakangiti ang kanyang mga mata sa akin.

Nasa bungad pala ako ng isang parlor.

"gusto mong magpagupit?" I blink. Tinignan ko ang nakaponytail kong buhok. Tapos naisip ko. Hindi ba yung mga broken hearted ei nagpapagupit para mabawasan yung bigat na dinadala nila. Bakit hindi ko kaya subukan. Alam naman ni pierre kong saan niya ako iniwan eii.

Tinanguan ko ang babae. Pumalakpak siya at nauna nang pumasok sa loob ng parlor.

Mabait ang baklang umistema sa akin. Nakangiti siya at maraming kwento. Ako daw ang una niyang customer

"ay te, ang tumal ngayon graveh" napangiti ako sa kaartehan niya na may pa ekis ekis pa ng kamay.

Sinabi ko ang gusto kong gupit at pinakulayan ko na rin ng light brown.

Hanggang sa matapos kame ay wala paring pierre ang dumating. Magdadalawang oras na. Nagsimula na akong kabahan.

Tinignan ko ang sarili sa reflection ng salamin. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa babae at sa baklang nag-ayos sa akin.

"ang ganda-ganda mo te. Mas lalo kang pumuti sa kulay ng buhok mo" napangiti ako sa satisfaction. Binigyan ko ng tip ang baklang nag-asikaso sa akin.

"te balik ka ha" tumawa ako at kumaway palabas.

Nandoon na si pierre. Nakatitig siya ng walang kurap kurap sa akin.

"kanina pa kita inantay. Ang tagal mo"

Bigla nalang niya akong niyakap. Nabitawan ko ang backpack ko na isasabit ko pa lamang sa aking likuran

"I was looking for you all over" huminga siya ng malalim at binitawan ako. Eto na nmn kame ng puso ko. Pasimple siya kapag may mga sweet gestures na ginagawa si pierre. Kumakabog siya ng paunti-unti

"your very pretty with your new hair andrea" yun, yun ang inantay kong compliment. Ngumiti ako ng matamis kay pierre. Masyadong nagdiwang ang aking puso sa kanyang sinabi

"you think so" umabrisyete ako sa kanya. Iiling-iling na nakangiti ang kanyang matang naaaliw sa akin.

She's in Love with a Ghost ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon