Kung ako ang papipiliin, ano nga ba ang aking pipiliin? Puso o utak? Para sakin? Ano nga ba? Ang puso na walang utak ay katangahan. Tanga ka na nga sa pag aaral, pati ba naman sa puso? Tanga, TANGA ay ang salitang binibigkas ng aking mga kaibigan. Ang salitang nagpapatunay na mahal kita. Ang salitang nagpapasakit ng aking pusong sugatan sa iyong marahas na puso't damdamin na tila nagpapahiwatig na wala, walang tayo. Wala na akong pagasang makapasok lang naman sa iyong puso. Kahit kaibigan lang naman ang aking mararating sa iyong puso. Puso pinaakit ako ng sobra sobra ngunit ngayon ay sugatan ng dahil muli sa iyong pusong walang damdamin. Baon ko, pera ko, ipon ko...lahat yun nawala ng dahil sa mga pulseras, palamuti, damit at gintong binili ko upang mapansin mo naman ako. Ngunit wala, sinayang ko lang ang aking pera dahil di mo naman ito pinansin. Utak ng walang puso? Wala lang din. Dahil masyado kang nagiisip ng mga bagay na hindi naman maiintindihan ng mga tao sa iyong paligid kahit pa ulit ulit mo nang ibinigkas. Kaya't paminsan, mas maganda na yun na nagmamahal ka, kaysa mag isip ka ng sobra. Gawing inspirasyon ang mga mahal natin? Paano naman gagawin yun kapag hindi mo naman ako pinapansin ang aking damdamin. Bilang isang taong umaasa ngunit nag mamahal parin, at nasaktan at nag mahal at nasaktan muli. Pansinin mo naman ako. Kahit minsan lang.
YOU ARE READING
Love Poetry
PoetryThis is dedicated to all of those who are broken hearted ,still waiting for their love and who are waiting for their crush or love to notice them. I was inspired to write this because I'm one of them. I'm waiting for someone to notice me but my wait...