Kinginang buhay 'to oh.
Kung kelan naman hindi ako nagdala ng payong, saka naman umulan ng malakas!
Kung andito lang sana si Dora o si Doraemon, edi sana matutulungan nila ko, diba?
Hay! Andami ko pa naman dalang paperworks ngayon, eh. Wala naman akong printer sa dorm ko, kaya naki-print lang ako sa office dito sa school. Naabutan pa tuloy ako ng ulan.
"Backpack?" Sumagot ka please.
"Wooooh!"
O___o?
o___O?
Napalingon ako sa bulsa ng pantalon ko. Ikaw ba yun?
"Woooh!"
Napalingon ako sa may playground ng school.
O___o?!
"Hoy, gago! Anong ginagawa mo diyan?" May lalaki dun! At alam niyong ginagawa niya?
Naglalambitin sa mga monkey bars, tapos ngayon umaakyat na siya papunta sa slide. Basang basa na siya sa ulan.
"Nagpaparkour baket?" sagot naman niya habang umiislide.
Bahala siya sa buhay niya. Hindi ako yung tipo ng taong nakikialam sa buhay ng iba. Trip niya yun, eh.
Ilang minutes na akong naghihintay pero imbis na tumila yung ulan, mas lalong lumakas.
T^T
Nakakapagtaka lang na hindi na hindi na maingay. Hmm? Wala na kaya yung lalaki dun kanina?
*sob*
*crkkkk*
*sob*
*crkkkk*
Napalingon nanaman ako dun sa may playground. May narinig kasi akong umiiyak tapos may nagbabasag ng bote.
Yung lalaki kaya yun kanina?
Napatayo ako saka pumunta sa may playground. Mamaya mamamatay na pala yung lalaki dun, tapos ako yung huling nakakita sa kanya. Edi siyempre tatanungin ako ng mga pulis! Hassle!
"Woah! Anlakas ng trip mo sa buhay! Kanina naglalambitin ka tapos ngayon nagbabasag ka ng bote?"
Bigla siyang napatingin. Okay? Dun ko napansin na medyo namamaga yung mata niya at namumula.
Umiiyak?
"Tulungan mo k-ko p-pl-please." Sabi niya with matching singhot singot pa ng sipon.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!""Oh bakit mo *singhot* ako tinatawanan?"
Lumapit ako sa kaniya habang natatawa tawa padin.
"Eh mukha kang tanga eh! Tumigil ka na nga diyan. Lika, may alam akong magpapagaan ng loob mo." Tumakbo ako papunta sa kaniya para sana kunin siya pero may na-realize ako.
Shet.
Tangina.
HAWAK KO PALA YUNG PAPERWORKS KO.
Shet.
"Bwiset naman oh."
Dahil wala na din akong magagawa, lumapit na ko sa kanya at hinatak siya patayo.