Playgirl

111 12 21
                                    

Playgirl daw ako. Halos 1/4 daw ng mga lalaki sa school namin ay nakarelasyon ko na. Wala daw tumatagal ng higit sa isang linggo sa aking lalaki.

Oo, inaamin ko playgirl nga ako. Inaamin ko din na halos 1/4 nga ng mga lalaki sa school namin ay naging boyfriend ko na. Sa maganda ako eh,vhindi ko naman siguro kasalanan na sila ang lapit ng lapit sa akin.vAt nagkakamali sila na walang tumatagal ng higit sa isang linggo na lalaki sa akin dahil may lumagpas na doon.

Sya.. Siya lang ang nag-iisang lalaking tumagal sa akin. Sya lang ang nakakaalam ng mood swings ko. Sya lang ang lalaking alam pati araw ng dalaw ko. Sya lang din ang minahal ko nang totoo.

Sa tagal ba naman ng pagsasama namin, ng relasyon namin. Nakakatawang isipin na dati, may kami pa. Pero sa isang iglap biglang nawala ang lahat, naglahong parang bula. Ang masaklap pa, ang sinabi niya lang naman sa akin ay "Hindi na kita mahal." and then boom!vYun na yun, iniwan na niya akong umiiyak, lumabas na siya ng gym at ng ginawa niya yun, umalis na din siya sa buhay ko. Ni wala man lang closure na naganap.

Akalain niyong ang isang Myka Lian Del Prado ay napasok sa isang seryosong relasyon. Isang taon, isang taong masaya, makabuluhan at hindi makakalimutan. Lahat ng yun ay dahil sa kanya, pero ang hindi ko alam, siya din pala ang magdudulot ng sakit na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa,vni hindi man lang nabawasan.

Lahat daw ay nasa akin na, almost perfect na nga daw eh.Maganda, matalino, atensyon at pagmamahal. Pero bakit hindi ko na ulit makuha ang atensyon at pagmamahal niya? Ganoon na ba ako kahirap mahalin?vNagsawa na ba siya sa akin?

Baka nga.. Sa tingin ko nagsawa na nga siya, pinagsawaan na niya ako. May kalandiang iba na nga eh. At wala pa silang pake kahit sa hallway sila naghaharutan, kahit padaan na ako sa harap nila at maraming tao ang nakakakita.

"Sige!Magharutan kayo diyan!Walang nakakakita eh,wala talaga.Wala din kayang nasasaktan." sigaw ng isip ko.

Masakit pa din pala, kahit how many years had passed. Ilan na nga ba? 2 or 3 years? Tagal na din, pero parang kahapon lang para sakin. At kahit ilang lalaki na ang nakarelasyon ko sa loob ng panahong yun,bhindi pa rin ako nakakamove-on. May part pa rin sa aking umaasa na someday, maiisip niyang mahal niya pa rin ako. Kahit alam kong imposible dahil kung mahal pa nga niya ako ay dapat matagal na niyang sinabi, matagal na niya akong binalikan. Pero wala, tinamaan ako eh. Di niyo ako masisisi.

At lumipas na naman ang buong araw na tulala ako. Halos wala akong naintindihan sa mga tinuturo ng prof ko. Buti nga at may libro dahil sa bahay na lang ako nag-aaral kasi hindi nga ako nakikinig sa nagtuturo.

Pumunta na lang ako ng gym, na naging tambayan ko na simula nung araw na yun. Lugar na nakasaksi sa lahat ng sakit, luha at hinagpis ko sa mga nagdaang taon. Dito lagi ako pumupunta kada uwian at walang practice ng basketball team. Dito ko inaalala ang lahat ng tungkol sa amin. Kung bakit siya nakipaghiwalay, eksaktong mga salitang binitawan niya nung huli naming pag-uusap, which is nung naghiwalay kami at ang mga panahong masaya ako na kasama siya.

Nalunod na ako sa mga iniisip ko kaya hindi ko napansin na dumidilim na pala sa labas. Nang napansin ko ito agad na akong lumabas sa lugar na iyon. At kung sinuswerte ka nga naman, nakita ko siyang naglalakad mag-isa papunta sa gate, halatang pauwi na.

PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon