Promise

10 1 0
                                    

Promise

Ito yung salitang Binibitiwan nila
Yung kinakalimutan nila...
Yung binabalewala nila..
At higit sa lahat...
Yung pinaniwalaan mo..

Ano nga ba ang promise??
Ito yung salitang pinaglalaban,
Di kinakalimutan, at higit sa lahat...
Tinutupad...

Pero bakit?Bakit lahat ng iyon ay parang kabaliktaran ang ibig sabihin para sayo?Bakit mo kinalimutan ang salitang 'Promise'?Bakit ang baba ng tingin mo sa 'Promise'? Dahil hindi mo alam na sobrang pinaniwalaan yun ng mga tao...

Una binitawan mo yung salitang yun at kumagat kami dun...
Akala namin totoo na yun...
Akala namin matutupad yun...
Pero hindi naman pala...
Dapat hindi mo na kami pinaniwalaan na totoo yung mga 'Promise' mo

Sa isang iglap kinalimutan mo ang lahat ng iyon...
Inuna mo ang iba kaysa sa 'Promise' mo...hindi mo ba itinaga sa bato ang mga 'Promise' mo? O sinadya mong kinalimutan?Alalang-alala pa namin kung paano ka ngumiti habang sinasabi ang mga 'Promise' mo..
Sana hindi ka na nag sayang ng laway at oras para sa kasinungalingan mo...
Sana di na kami nag sayang ng oras para makinig sayo...

Sana di na kami naniwala sa kalokohan mo...
Yung 'Promise' mo na. .
Di ka mag sisinungalin..
Yung hindi mo kami paglalaruan
Hinding-hindi mo kami papaasahin....
yung di mo kami iiwan sa ere...
At yung hindi mo papabaksakin ang nga luha namin..

Sana ay di mo nalang ninakaw ang puso namin...
Para hindi kami mukhang patay ngayon...
Para Hindi sana basa ang nga pisngi namin...
Para...Hindi na sana kami umasa sa isang 'Promise' na ang baba kung tinignan...kinalimutan...binalewala at higit sa lahat...ginamit para magsinungalin...magpaniwala ....at magpaasa...

Tulad ng sabi nung iba,"basta advice ko lang...wag na wag kang maniwala o umasa sa Promise"

Maniwala

Umasa

Promise

Kaya Simula nang narinig ko ang advice na yan...
Sinunod ko yun...
Di na ako naniwala sa 'Promise' for more explanation...
Promise/Pangako-salitang binibitawan para may maniwala o umasa. Salitang kinakalimutan,binabalewala,
Ginagamit sa kasinungalingan,at pang paasa.

Ang 'Promise' na pinapaniwalaan ay ngayo'y isang kalolohan..
Ang 'Promise' na magandang pakinggan ay ngayo'y demonyo na sa pandinig...

Ba't nga pala natin pinaniwalaan ang 'Promise'?bakit hindi muna natin kinilala muna ng mabuti bago pagkatiwalaan?
Dapat pala bago natin paniwalaan yun ay hinintay natin ilabas ang baho nito...ang pagiging kriminal nito..para hindi tayo ngayon na sising-sisi...

"Promise di kita sasaktan" "Miss na talaga kita Promise"

Promise

Promise

Promise

Promise

Promise

Yan nanaman ... Siya nanaman ang magpa-paikot satin...siya nanaman ang pang laban nila...siya nanaman ang 'Promise' na papakiligin tayo tapos isang araw kakalimutan na parang may amnesia...

Di na sila naawa kay 'Promise'...
Ginawa nilang masama sa loob natin ang 'Promise' na yan...
Pero sino nga ba talaga ang kriminal na may kasong heart breaker?
Ang 'Promise' o ang 'nangangako'?
Diba ang nangangako?Dahil sila ang may bibig,dilang sinungaling, mukhang makakapal,at ugaling paasa...kinawawa nila ang salitang 'Promise' na ngayon ay di na pinag kakatiwalaan ng mga tao...

P-aasa
R-ason kung bakit wala ka ng tiwala
O-h no!Ayan nanaman ang lokohan
M-anloloko
I-niiyakan,inaasahan
S-inungaling
E-ksenang di malilimutan

Salamat sa 'Promise' na nanakit saamin...dahil natutunan namin na hindi lahat ay mapag katitiwalaan namin...hindi lahat ng 'Pangako' ay totoo...

Na ang salitang 'Promise' ay para lang sa mga fairy tale na hindi
nage-exist sa reality...
Na sa panaginip lang pwedeng matupad...Oo...wala na talagang 'True Promise' sa mundo...
Kung meron man bihira lang o kaya baka sa panaginip mo nakita...

Wala tayo sa eksena o fairy tale na may happy ending...na reality tayo...at sa reality pag umalis ang tiwala ko...hindi na yun babalik...dahil natuto at natanggap na namin ang katotohanang hindi lang 'Promise' ang hindi nage-exist kundi pati rin ang forever...

Kaya pinatunayan ko na 'Promise' ang inosente at ang 'Nangangako' ang kriminal...siya yung nag parumi sa Promise...


"Sige na ...Ipangako mo"
Ngayon pati na rin kami hindi 'Nangangako' dahil mismong kami ay natuto nang kalimutan,balewalain ang salitang 'Promise'

Hindi na kami nangangako dahil alam naming walang tao ang kayang tuparin ang 'Promise' kahit ang taong naniwala sa kalokohang 'Promise' na yan...

"Promises are meant to be keeped and done but Promises are also meant to be broken.....forgotten"

***
Very first poem:)
I hope you liked it...:)

Promise [Poem]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon