Prologue

9 0 0
                                    

Maraming katanungan sa isip ko kung bakit masarap gawin ang mga bagay-bagay..

Yung feeling na kahit alam ko naman yung kahihitnan ginagawa ko padin. Whether good or bad consequence man ginagawa ko pa din..

Tulad nalang ng paggawa ng isang bagay sa paraang kulang o sobra. Pero ako yung tipo ng tao na palaging sobra. Na para bang katapusan na ng mundo kaya grabe ko gawin ang mga bagay.

Pero diba dapat sakto lang? Kasi hindi rin pwedeng onti lang at hindi rin pwedeng sobra kasi parehong masama both sides so dapat sakto lang.

Pero bakit may mga tao paring hindi kayang magstick sa sakto lang? Bakit may nagkukulang at bakit may sumusobra?

Mahirap lumugar kung mamimili ka lang whether sa konti o sa sobra kasi pareho silang harmful.

Tulad ng mga kadalasang hugot na pag nagkulang ka, magrereklamo ka kung saan ka nagkulang. Kapag naman sumobra ka, magrereklamo ka na di ka naman nagkulang pero in the end ano? Wala. Parang hindi parin sapat. Tas iisipin mo saan ka ba lulugar?

That's why people are so brave when it comes to the things that they like. They will suddenly become risk takers.

at kapag nagte-take ang isang tao ng risk, automatic na may dalawang choices yan or more than one, pero dahil nga risk taker sya, isa lang ang kailangan nyang piliin.

At yung pipiliin nya na yun is pwedeng maapektuhan ang other choices nya, pero dahil mas importante sakanya yung choice na pinili nya..

that's when a person can be called a risk taker.

I have these 5 why's in my mind na bakit parin ginagawa kahit ang magiging consequences naman nito is harmful sa heart and mind?

Like,

1. Bakit masarap uminom ng madame pag broken hearted? Walwal ganon!

2. Bakit ang hilig magstalk ng tao kahit alam naman nyang masasaktan lang sya?

3. Bakit ang hilig umasa ng tao sa taong hindi naman sila gusto o bakit umaasa pang babalikan ng mga nang-iwan ang mga iniwan?

4. Bakit kaya parin mahalin ng isang tao ang isang taong hindi naman nakikita ang halaga nila as a person?

And lastly, the root of all questions in my mind..

5. Bakit kayang magpakatanga ng sobra ng isang tao sa taong mahal nilang wala namang pakielam sakanila at mahalin ang taong walang ginawa kundi saktan sila?

These questions may sound cliché, but that's the reality.

Kasi minsan, kahit alam na ng tao ang sagot sa mga sarili nila, they keep on denying it. kasi ayaw nilang magising sa katotohanan, it's like para kang nasa isang magandang panaginip na ayaw mong gumising pero dahil nabubuhay ka sa realidad, kailangan mong gumising dahil hindi ka nabubuhay sa panaginip.

Lahat ng tao may rason, ikaw at ikaw lang ang nakakaalam ng mga rason na yan, deny it or not, wala naman tayong niloloko dito kundi mga sarili lang natin.

You just need to face everything with a brave heart.

I'm Lilliane Faustino who will answer these questions of mine, diba parang tanga lang kasi nagtanong pa ko pero ako lang rin pala ang sasagot hahahaha pero minsan hindi mo naman kailangan ng sagot galing sa iba, minsan kasi nasa sarili mo lang.

So watch out, you might not know.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Sagot sa 10 TanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon