And This Love Starts In A Whisper

388 14 4
                                    


Dedicated this one shot to stuckindreamworld.

This is my entry on a One Shot Making Contest! Wish me luck guys.

-----------

Would you believe that a whisper has its own magic?

 

Would you also believe that a simple whisper can make your whole world turn upside down?

 

Well, in my case, I do believe in that.

                 

Because the magic of it, hit me really hard.

 

 

 

The Beginning of the Story

Princess POV

 

“Haaaaaayyy!” di ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ba ang nagawa ko para sa araw na ‘to.

“Alam mo Cess kung nagiging pera lang yang pagbuntong-hininga mo panigurado sobrang yaman mo na.” sabi naman ng bestfriend kong si Alyana

“Ikaw na lang kaya ang gumawa ng first move sa kanya. Sa panahon naman ngayon uso na yung babae ang nanliligaw. Dahil baka kapag hinintay mong si prince charming ang manligaw sayo ay pumuti na lahat ng buhok mo ay di parin nangyayari. Baka maunahan ka pa ng iba dyan. Alam mo namang pinagpapantasyahan ng maraming babae ang dream guy mo.” dagdag pa nya sa sinabi nya

May sikreto akong sasabihin sa inyo. Pero make sure na walang ibang makaka-alam nito ah? Mayroon kasi akong super duper na gustong guy. Ang problema nga lang, ni hindi nga nya yata alam na nag-eexist ako sa mundo. I mean stranger lang ako para sa kanya. Nagka-usap na kami one time pero matagal na panahon na nang mangyari yun. Baka di na nga nya ako kilala.

Pero dun sa one time naming pag-uusap na yun ay doon nahulog ang loob ko sa kanya. Elementary pa lang ako ay nakakaranas na ako ng pambu-bully sa mga classmates ko. Isang araw inaway na naman nila ako at wala akong nagawa kundi umiyak na lang. Pero out of nowhere biglang sumulpot ang knight in shining armor ko at iniligtas ako. Pinagtanggol nya ako sa mga brat na yun at cinomfort pa ako. At sa araw na yun ay nagsimulang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

Ide-describe ko pala muna sa inyo ang taong minamahal ko ng palihim. Ang pangalan nya ay Timothy John Smith, isa syang varsity player sa university namin. Isa sya sa mga heartthrob ng university, sikat na sikat sya kaya maraming babae ang naghahabol sa kanya. Seryoso syang tao at tahimik na mas nagpa-cool sa kanya. At ang pinaka-importante sa lahat ay SINGLE ang status nya.

At ako naman? Ako si Princess Keith De Guzman. Isa lang akong normal na estudyante. Simple lang. Maraming nagsasabi na maganda daw ako pero parang di naman eh. At ang masasabi ko lang ay gustong-gusto ko talaga si John.

And This Love Starts in a Whisper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon