CHAPTER 2

211 14 5
                                    

CHAPTER 2

Diyos ko po!! nagpapasalamat po ako at binigyaan niyo 'ko ng magandang mukha. Pero Lord naman.. Kay bilis niyo naman yatang kunin 'tong kagwapuhan ko eh 'di ko pa nga lubos-lubusang nagagamit eh.

Tae naman. Sana may tumawag na ng PNP, NBI, o kahit sino mang taga-task force basta tulungan niyo nalang po ako.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako tumatakbo, ano? Ayun. Yung halimaw na kanina ko pa iniiwasan, nagpakita na. Lol. Kung nakita niyo lang yung pagmumukha nun para talaga siyang kakain ng tao. Pramis.

"NASAAN SI REIN LOREDA YOSHINO??"

Nag si-alisan lahat ng tao sa daan. Parang nasindak doon sa nagsasalita. Shet lang. Pagkarinig ko palang ng pagkapangit-pangit na boses na yun, nagsitayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan. 

Di na ko nag-isip pa at bigla na lang tumakbo yung mga paa ko. Hahaha Adrenaline rush kasi eh no hehehe.

Ayun, nakarating na 'ko sa Rooftop. Buti na lang at di ako naabutan nung halimaw na yun. Aba, mabils yata 'tong tumakbo no hahaha. Malas mo lang halimaw ka at nakita ko na ulit yung halimaw na yun na nasa quadrangle na, hinahanap ako hahaha. Magdusa kang halimaw ka. XD

Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas na feel ko na, na safe na ko. Hihiga na sana ako nang biglang may napansin akong usok.

Tinignan ko yun. Tapos may nakita akong babaeng nakatalikod. Astig nga eh. Naninigarilyo siya. Tae. Astig ng babaeng 'to ah. Madisturbo nga sandali.

"Ah-eh..." nakita ko namang parang nagulat yung babae dahil sa umangat ng kaunti yung balikat niya. Hahaha. Natawa nga ko eh.

"Miss. Pasensya na't na istor--"

"Di okay lang. Baka masalvage ka pa niya." yun lang sinabi niya habang nakatalikod pa. Eh? Wala bang harapan 'tong babaeng to? Ba't ayaw niyang humarap sakin? Eh gwaou naman ako. Di niya ba ako kilala? Ang weird naman niya.. Ang sarap sabihan ng 'Wui adik. Si Renz 'to. Nakikipag-usap sayo. Pasalamat ka nga kinakausap pakita eh.' yung ganun.

"Ah.. Ehh..." ano ba naman 'to, "Thank you. P-pero di naman sa nanghihimasok ako, Miss. Pero di kasi... pwedeng manigarilyo rito. At nakakasama yan sayo, babae ka pa naman."

Kababaeng tao, nagyoyosi. Turn off sa mga girls yun, tapos siya, parang wala lang. Ayun. Humithit ulit siya. Tss... tindi.

"Weh? Bakit kayo pwede?"

Nakatalikod parin siya. Wala yata talagang mukha 'tong babaeng 'to eh. Eh naku, wag naman po sana Diyos ko kahit sanay ako sa basagan ng kahit anong pwedeng mabasag, eh mahina po puso ko sa mga 'The Anothers'.

"Ah.. Eh. sige. Opinion ko lang naman yun. Pero pwede bang magtanong? May bumabagabag kasi sa isip ko ngayon kaya ika-clarify ko lang sandali.. Pwede ba?"

"Ano?"

Medyo maangas yung pagkasabi niya ng 'ano'. Pero nababagabag talaga ako eh.

"Uh... T..Ta-Tao ka naman di ba? E-Eh.. kasi ayaw mo kasing humarap sa kin. Baka ka ko, alam mo na. Mm-Mahina kasi puso ko sa mga bagay na yan eh."

Totoo yun. Ewan ko ba. Badtrip nga eh. Ang angas angas ng dating ko tapos pagdating sa mga 'The Anothers' na yan, nagiging bakla yung dating ko. Shit lang.

"Ah.. ganun ba? Eh pa'no kung hindi?"

"Wehhh.. wag ka namang mag biro ng ganyan." tae 'to. Kinikilabutan na 'ko!

"Tingnan mo 'to. Nagtatanong tapos kung sasagutin di pa maniniwala."

"Sige nga harap ka nga sakin." waaaahh kahit anong mangyari iisipin kong di totoo 'to. Umaga kaya ngayon andiyan yung araw oh. Teka nga, ba't ko ba biglang naisip na di siya tao eh keh umagang tapat nga ngayon kay init pa. Pero rare lang kasi ako makakakita ng tao rito sa rooftop tapos may sabi-sabi pa na may babaeng lumulutang-lutang daw na nagpapakita dito tuwing gabi. Lol. Malay mo baka iba na trip ng babaeng yun, umaga na. Shit kinakabahan na 'ko, taena. Ba't di siya nagreresponse? Nakatalikod lang siya ni isang galaw, wala. Naku Lord buti pang harapin ko nalang yung halimaw kong kapatid kay sa ganito po.

LOVE SUCKS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon