Chapter 16: Come with me.

53 1 2
                                    

Khyle's Point of View..

Pasko na ..

Hangang ngayon di ako makapaniwala na mag papasko akong hindi ka kasama..

Masaya dapat tayo ngayon eh..

Kahit may karibal ako sa puso mo makita lang kitang masaya at nakangiti doble ang sayang naidudulot saken nun..

Pero nasan na yung mga ngiti nayun ?
Nasan na yung Bad Girl na minahal at patuloy kong minamahal ?

I miss you so damn much liza..

Apat na araw ..

Apat na araw konang hindi nakikita yung napakaganda mong ngiti hopya..
Miss na miss na kita alam moba yun ?

Tumingin ako sa langit at diko mapigilang mapangiti . "Merry Christmas Hopya.." at nagpatuloy nako sa paglalakad papuntang simenteryo..

"Pasensya na at nung mga nakaraang araw hindi kita nadadalaw ." Hinaplos ko yung puntod nya . Tinangal ko yung mga tuyong dahon sa puntod nya .

"Miss na miss na kita ." Diko nanaman naiwasang umiyak . Ayos lang nag iisa naman ako dito eh . Sino ba naman ang dadalaw sa simenteryo eh pasko ngayon ?

"Di masaya yung pasko ko alam mo bayun ?" Parang sasagot naman sya sa mga tanong ko . Haysst i miss her so damn much. Hinalikan ko yung puntod nya .

"Baby girl balik kana dito . 6 years kanang naka himlay dyan eh . Miss kana namen nila mom dad at kylie ." Naiyak nanaman ako . Miss na miss kona tong kapatid ko eh . Kakambal kase sya nang isa kopang nakababatang kapatid na si kylie .

"I miss you li'l sister kyla.." nakikita nya kaya ako ?

"Li'l sis . Kung nakikita at naririnig mo man ako . Please bulungan mo si god na pabangunin na si ate hopya mo . Please ? Yah ! 4 days palang syang di gumagalaw at nakahiga lang pero miss na miss kona sya eh ." Kasalanan ko kase kung bakit namatay si kyla . Pinayagan ko kase silang magswimming sa beach . Sacrifice ang nangyari eh . Nalunod silang dalawa pero isa lang ang nailigtas ko . Pag nilgtas kopa kase yung isa tatlo kameng malulunod .

"Oh sya sige na pupuntahan kopa si ate hopya mo ."habang papunta ako sa hospital ambigat nang pakiramdam ko . Parang may nakasunod saken .

Pagpasok ko nasa loob na si steve.

"Kaka alis lang ni tita lovelein . Tayo daw muna mag bantay ." Nginitian ko naman si steve .

"Nabaliw nadaw si jannah ah ? Si abby at lianne naman nakick out na sa school." Onga pala sinaksak sya ni liza nang injection . Hinubad ko yung jacket ko at lumapit ako kay hopya . Hawak ni steve yung kaliwang kamay ni liza . Lumapit naman ako at hinawakan ko yung kanang kamay ni liza .

"Ang ganda nya noh ?" Tanong ni steve habang nakatitig sya kay liza .

"Alam ko." Napangiti ako habang nakatingin kay liza .

"Oh sya khyle. Maiwan muna kita dito . May practice pa kame nang kapatid ko . " huh ? Kapatid ?

"Si steffi ? Sumasayaw din ?" Tanong ko.

"Hinde ah ! Si stephen . Yung Sehun namen ." Ahh .

"Sige ako nang bahala dito ."

"Magpractice nadin kayo ah ? Sa newyear na yung sayaw naten sa Trinoma." Nginitian ko sya at umalis nadin sya . Kame lang ni hopya ang naiwan dito .

"Pya ?" Kala mo naman talaga sasagotin ako nang kausap ko.

"Uyy Hopya ? Apat na araw kanang ganyan ah ! Wala kabang balak bumangon at yakapin ako ?" Nagulat ako kase ngumiti sya .

When The BAD GIRL'S Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon