Kakarating lang namin sa Philippines galing Spain, so na sa Manila kami.Uuwi kami sa probinsya,sa Bicol,Albay...
--------------------------------------
By the way I'm Zara Villanueva. I'm 18 years old. Not the typical girl who dress sophisticated, puts make-up or curls my hair to look gorgeous. Well,hindi na ngayon..Simple na lang ako.
Nasa subdivision kami ng winfield.Ang higpit ng guardia kaya kahit ilang taon ka nang mawala di ka mananakawan.
Grabe naninibago ako dito sa probinsya dahil sobrang init samantalang sa Spain ang lamig.
Dumating kami five ng hapon,so kami ni mama nag aayos ng gamit...Kami lang kasi ni mama,kasi hiwalay na sila ni papa and I'm only child.Doctor si mama,kaya medyo may kaya kami.
After one hour may kumatok,si mommy ninang(ang nagiisang kapatid ni mama),kasama nya si Terence (ang nag iisa nyang anak at ang favorite pinsan ko).
"Kamusta na? Miss na miss ko na kayo." Sabi nya sabay akap kay mama at sakin.
"Rence,musta na? 'Di ka pa rin nag bago ah.'Di pa nabawasan taba mo." Bati ko na nakangiti.
"Zara,'di ka pa rin talaga nag bago,mapang lait ka pa rin, nag da-diet na nga ako eh." Kunyari nag tatampo.
"Aba Zara dalaga ka na." Nakangiting sabi ni mommy ninang.
"Sabihin nyo binata na." Singit ni Rence na pa bulong.
"Hahaha! Hayaan mo na yan si Rence" Sabi ni mommy ninang.
"Tara kain na tayo."Yaya ni mama samin.
"Sige ma, kayo nalang busog pa ko at si Rence,nagda-diet yan." Sabi ko na natatawa.
"Tara dun tayo sa terrace" yaya ni Rence.
"Sige,ikaw marami kang ikukwento sakin"
Tapos dumeretso kami sa terrace.
"Zara,bakit ka ba naging ganyan? Dati ang kikay mo,tapos ngayon parang bigla kang
nagbago? HOY! aminin mo nga sakin,tomboy ka ba?"
"Ha? Uy hindi ah!" napakunot noo ko.
"Eh bakit ka naging ganyan? Siguro may nangyari sayo sa Spain kaya ka nagkaganyan.Open naman dyan."sabay tapik sa braso ko.
"Sige na nga" sabay tango ko.
"Ganito kasi yun,may bago kasi sa school namin,ang pangalan ay Ismael.Well,sya ang crush ng school,lahat ng babae nagkakagusto sa kanya.Pangalawang araw pa nga lang sya eh naka tatlong biktima na.Nag kacrush ako sa kanya hangang na tapos na yung Christmas.Nag popost ako sa fb ng bigla syang ng text...
Ismael to Zara:
"Quieres salir conmigo?Quieres ser mi novia?Me gustas mucho..."
[Translation:gusto mo bang makipag date?Pwede ba kitang maging gf? Crush kasi kita eh.]
"Syempre ang katangahan ko dadali namn akong nag text na :Si que quiero,quiero salir contigo."
[Translation:oo nmn gusto ko, gusto rin kita]
Well,Christmas Break kaya hindi kami nagkikita.Ang relationship namin is by facebook. After one week nag text sya ulit...
"Oye Zara es que tengo que hablar contigo...Lo siento, rompo contigo"
[Translation:hey,Zara kailangan natin magusap...Sorry,pero break na tayo]
Tumulo luha ko nun...Naka move-on na rin ako ng 6 months.Kaya nag promise ako na hindi na ulit mangyayari yun,na mahulog sa isang lalakeng hindi ko pa kilala. Alam mo kahit puppy love lang yun...nasaktan ako."
BINABASA MO ANG
An Unexpected Love
RomanceAnong gagawin mo kung minahal mo ang taong never mong inakalang ma iinlove din sayo?