2 Months Later
Parang hinahalukay ng kung anong demonyo ang sikmura ko kaya napatakbo na naman ako ULIT sa banyo. Goodness its only 3 in the morning at sa nagdaang mga araw ganito palagi ang routine ng paggising sa akin sa umaga. Buti nalang sana kung maaga na talaga e madaling araw pa.
" Ano ba kasing nakain ko?" I asked myself
Wondering where my husband is? Nasa New York siya for 5 days kasama ang mga kakambal niya for some business meeting. Nagmamaktol pa nga yun ng nung paalis na kasi gusto niyang isama ako, kaso wala ako sa mood at kailangan ako ni Lola. Pauwi na rin kasi si Dad and Lola sa Canada the day after James left. Isinama ni Dad si Lola sa Canada nung umuwi siya para doon mas maalagaan at dahil daw magsisimula na ako ng sarili kung pamilya my Lola decided also na hindi na maging pabigat sa akin which is kailan may hindi siya magiging pabigat sa akin.
Bumaba ako sa kusina ng mansion namin ni James. Yes my husband has a mansion already kahit na binata palang siya.. At ngayong may asawa na siya we decided na dito na tumira. The house is fully furnished at napakaganda talaga niya. I fell inlove with it the very first time I saw it. Kaya as a wedding gift my husband gave the mansion to me.
Ako lang mag-isa sa loob ng mansion, wala kaming maid or butler ni James kasi ayaw ko muna . Hangga't maari ayaw kung may katulong sa bahay pwera nalang siguro kung may mga anak na kami.
I opened the fridge and took a pitcher of water nang buksan ko ang takip ng tubig bumaliktad na naman ang sikmura ko. What the hell? Bakit ang pangit ng amoy ng tubig??!!
Agad akong napatakbo papunta sa lababo at isinuka lahat ng nasa loob ng tiyan ko. Bwesit natu anong klaseng suka to? Bat puro tubig?
Kahit na nanghihina pinilit kung makapunta sa living room. Gosh wala na! Mamatay naba ako? May sakit ba ako? Kailan may hindi ako nakaranas ng ganito sa tanang buhay ko. Imposible naman na buntis na ako katatapos lang ng buwanang dalaw ko nung isang araw
Padausdos na umupo ako sa sofa at tumihaya. Bakit ba ako nagkakaganito? Wala naman akong nakaing masama. Nanghihina na talaga ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa.
MJ's POV
" Bro ba't para kang di matae diyan?" Tanong sa akin ni Claint
" Hindi sinasagot ng asawa ko ang telepono niya" I answered
Kanina pa ako nag-aalala sa asawa ko, I've been calling her phone for the 30th time simula nung maka- landing ang eroplano namin.
Claint look at me like I'm some kind of an alien.
" Kuya nahihibang kaba o baliw kana? Duh!! quarter to four palang Kuya, tulog pa yun" he said as a matter of fact
" Eh bakit sina TJ at CJ kausap na mga asawa nila?" ungot ko sa kapatid ko
" Ano ka bata? Bat ka naiinggit? The hell Kuya umuwi ka nalang kaya at ng mapalagay ka diyan. Nakakaputi kayo ng buhok!" reklamo niya
" Nahiya naman ako sa pink mong buhok ano?" Ako
Ewan ko sa baklang to kung ano ang trip sa buhay. Nagpakulay ba naman ng buhok nung nagpunta ng Korea at sa dinami dami ng kulay sa mundo pink pa talaga ang napili niya.
" Hindi ka inaano ng buhok ko, lumayas ka na nga sa airport ko!" Siya
" Lalayas na talaga ako" ako at walang paalam na umalis
I really need to see my wife now. Para akong mabaliw baliw sa pagka-miss sa kanya.
I tried calling her phone again pero gaya nang mga nakaraan kung tawag wala paring sumasagot. Ring parin ng ring
BINABASA MO ANG
Trapping The Last James ( C O M P L E T E D )
General FictionDear James, You have a lot of secrets and so am I. You are funny, kind, sweet and mysterious. I thought I will never feel this kind of emotion, but you prove me wrong. But you left, you left me because I send you away. You left me because you are ti...