Pag-ibig o Tiwala?

39 2 0
                                    


Mahirap pigilan ang damdamin sa taong minamahal

pero pilit kong itinitago ang pag-ibig ko dahil alam kong hindi dapat at makakasakit ako ng taong lubos na nagtitiwala sa akin

Mahirap mapunta sa pagitan ng taong karamay ko sa lahat ng bagay, at sa taong nagbibigay naman sa akin ng inspirasyon sa lahat ng bagay

Mahirap mapunta sa pagitan ng PAG-IBIG at TIWALA. Pag-ibig ko sa taong mahal ko, at Tiwala sa akin ng kaibigan ko

hindi ko alam kung ano ang gagawin

kung ipaglalaban ko ang pag-ibig ko , maglalagay na rin ako ng malaking bangin sa pagitan ko at ng kaibigan ko hanggang sa hindi ko na siya matanaw sa kabila nito

kung isasantabi ko ang pag-ibig ko at ingatan na lang ang tiwalang sa akin ay ibinigay, maglalagay naman ako ng malalim na sugat sa puso ko, at unti-unti mas lalalim pa ito ng lalalim hanggang sa tumagos na lang

Oo, masaya akong nakikita ang kaibigan kong masaya, masaya ako na nakikita kong masaya ang taong mahal ko 

Pero, oo tama rin, na minsan ng tumakbo sa isipan ko na sana ako na lang ang nasa posisyon ng sarili kong kaibigan, at sana ako na lang ang dahilan ng mga ngiti ng taong mahal ko

Kaya naisip ko na umiwas na lang sa taong mahal ko  para ang pagkahulog kong ito ay magtungo na lang sa pagkawala, pero paano? paano ako iiwas? kung ang kaibigan ko na laging kong kasama ay kasama rin ang taong mahal ko na lubos ko nang iniiwasan

para akong nasa gitna ng isang malaking maze na kahit anong gawing paraan at taktika, bumabalik at bumabalik lang ako sa lugar na pinanggalingan ko, sa lugar na pilit kong tinatakasan

Ano ba! Pagod na ako. Bugbog na bugbog na ako. masakit na masakit na ang mga paa ko sa pagtakbo mula sa kalagayan kong ito pero ni isang metro man di pa rin ako nakakalayo, nandito pa rin ako kung saan nakatungtong ang mga paa ko ng simulan kong lumisan.

Puso, nakikiusap ako, pwede bang iba na lang ang mahalin mo, huwag na ang taong mahal din ng sarili kong kaibigan . 

Puso, dahil sa iyo nagpaparaya ako ng ganito, nagkukunwari ako ng ganito

Nagpaparaya ako para sa kaligayahan ng kaibigan ko kahit kapalit nito ang patagong kasawian ko

Nagpaparaya ako para hindi magkalamat ang tiwalang ibinigay sa akin ng isang kaibigang totoo

Nagkukunwari akong masaya sa harapan ng kaibigan ko at ng taong mahal niya, at sa kasamaang palad ay ang mahal ko rin

nagkukunwari ako na nakangiti, pero sa totoo lang gusto ko ng tumayo lumabas at lumuha pero hindi pwede dahil kaibigan ko siya

Puso, kasalanan mo rin kaya nasusugatan ka, bakit ba naman tumibok ka sa taong hindi dapat, parehas tayo tuloy nasasaktan, parehas tayong hindi makatakas sa mapait na kalagayang ito

Ano nga ba? hindi ko na alam kung kaya ko pang ituloy ang  pagtitiis ang pagkukunwari sa dalawang taong mahalaga sa akin, para lang sa kanila

Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ang kapalit ng pagsunod ko sa puso ko na piliin ang pag-ibig

Hindi ko rin alam kung kakayanin ko pa at ng puso ko ang pagpaparaya para manatili ang iniingatang tiwala

Sana balang araw malaman ko rin ang sagot sa mga tanong na ngayon ay hindi ko lubos maresolba at hindi matakasan

Ano nga ba ang tamang desisyon?

Piliin ang Pag-ibig?

O

Piliin ang Tiwala?

Pag-ibig o TiwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon