Simula ng iwan ka nya, naging ganun ka na.
Gabi gabi, kung san sang bar sa makati o taguig ka naroon.
Naglalasing.
Nagwawala.
At ilang beses na ba akong nakipagsuntukan at nabugbog sa pakikipagaway sa mga lalaking gustong pagsamantalahan ang kalasingan mo?
Minsan narin tayong nagovernight sa presinto.
Nandun ako lagi nakasunod sayo.
Nandun ako lagi para hanapin ka para mawala ang kaba ng mom mong napupuyat sa mga pinagagagawa mo.
"Sana ikaw nalang sya, 'tol." Ang sabi mo bago ka nawalan ng malay pagkatapos magsuka sa kalasingan at kakaiyak.
Alam mo, yun na yata ang pinakamasakit na narinig ko mula sa'yo. Imposible talagang mahalin mo ako na ako ako at hindi ibang tao...
Isang gabi, sinundo mo 'ko may dalang isang case ng beer. Pagkatapos natin maginuman sa likod ng kotse mo, binasag natin ang mga bote sa pader ng bakanteng loteng malapit sa inyo.
Isinigaw natin ang lahat ng nararamdaman natin laban sa mundo.
Pero hindi ko naisigaw ang nararamdaman ko para sa'yo.
Bumuhos ang malakas na ulan.
Sinabayan mo ang pagiyak ng langit. Tumingala ka at isinigaw sa hangin na sana bumalik na sya...
Na sana sabihin nya ulit na mahal ka nya.
Niyakap kita ng mahigpit. Hindi ba't nakakatawang kinocomfot mo yung taong dahilan kung bakit paulit ulit na nadudurog ang yong puso?
Hindi mo alam, salamat sa ulan, umiiyak din ako.
Kasi, 'tol, sana ako nalang ang minahal mo.
Gumanti ka ng pagyakap sa'kin. Napatingin ka saking mga mata, napalunok ako na masdang malapit ang yong mukha.
Hindi ko alam kung paano pero nagising ang diwa kong nakalapat ang labi ko sa labi mo.
Pumikit ako.
At pagdilat ko, naglalakad ka na pabalik sa kotse mo.
Nakakabinging katahimikan.
Hanggang maihatid kita sa tapat ng gate ng bahay nyo, hanggang mawala ka sa paningin ko, wala ng ni isang salita pa ang narinig ko mula sa'yo.
Pagkatapos ng gabing yon, tuluyang hindi na tayo nagusap pa. Hindi na kita nakita.
Kahit saan ka magpunta palagi kitang nahahanap, pero hindi na matapos ang gabing 'yon.
Para akong mababaliw 'tol. Nasaan ka na ba? Umikot ang mga linggo ko, buwan sa kakahanap ko sa'yo.
Ang pait pait sa pakiramdam, mas masahol pa sa lasa ng beer.
At sa wakas isang araw, nalaman ko sa mom mo na bumalik ka na.
Bumalik kang kasama sya.
Haha, langya nga namang yan talaga.
Pero okay na lang, Ang mahalaga, siguradong masaya ka na.
Ngayon, ikaw ang pinakamaganda.
Lahat nakatingin sa'yo habang lumalakad sa aisle.Patago kong pinunasan ang pagluha ko 'tol.
Mariin kong kinagat ang labi ko para di tuluyang maiyak.
Bakit ako iiyak?
Dahil sa kabila ng lahat, ikaw parin.
Ikaw lang mula ng makilala kita.
Kahit ilang taon na ang nagdaan.
Sa katunayan, habang tumatagal, mas minamahal kita.
"Pag di ka umiyak, magwo-walk out ako, Mr. Garcia."
Natawa ako sa sinabi mo ng makalapit ka sa akin sa altar.
Oh, God, thank you for my beautiful bride.
"I promise that my love will be greater than the time I must wait and the distance I must travel to be with you..."
BINABASA MO ANG
'Tol
Short StoryIsinigaw natin ang lahat ng nararamdaman natin laban sa mundo... Pero hindi ko naisigaw ang nararamdaman ko para sa'yo.