Chapter 1:
*Friday night*
"remember who the real enemy is."
"Stop the drama Sky, di bagay sayo!" Sabi ni Luke sakin at binigyan niya ako ng isang mapaglarong titig.
"I hate you Luke. Alam mo naman na gustong gusto ko itong movie na 'to." Sabi ko at di pinansin ang kanyang mga kumento.
So nanonood ako ngayon ng Hunger games kasama ang bestfriend ko na syempre si Luke. I can't deny na kami ay talagang mga couch potatoes. Habang nanonood ay kumakain din kami ng Popcorn, chips, marshmallows, pizza, and chocolates. hindi ba halata na gutom kami?
It's Friday night, and we have a movie date. Ginagawa na namin ito simula ng mga bata pa kami. The typical Childhood bestfriends you know? Para kaming "siblings in different parents." Ang Wierd lang noh?
Kasi siya lang naman talaga ang kaisa-isa kong bestfriend at kaibigan. Okay, except na lang din sa aso ko na si King Chow Which you can observe from the name a Chowchow.
Masasabi ko na isa siyang tunay na bestfriend dahil sa tagal narin namin magkasama. Medyo baliw din minsan, pero less drama kaya masaya.
"Manood na lang tayo ng ibang palabas! Ang boring naman nito. Yung The Amazing Spiderman! Balita ko maganda yun. and That's Real Action." Suhestiyon niya
"NO! Paborito ko ito kaya manahimik ka na lang diyan." Pag-kontra ko habang tinakpan ko pa ang bibig niya gamit ang pointing finger ko.
"Psh. Ikaw na lang lagi nasusunod." Sabi niya at umakto pa na naiinis. nag pout pa ang loko. Like seriously? Ang kulit talaga ng isang 'to!
"Okay fine! Manood ka kung gusto mo. Pero bahala ka diyan! Manood ka magisa mo! aakyat na ako para matulog." Sabi ko sa kanya at tumayo na ako ng mabilis at dumeretso na sa kwarto ko.
"Huy Sky! Sandali lang! Don't be such a baby. Minsan na nga lang magrequest eh." Sigaw pabalik ni Luke pero nagtuloy tuloy na ako sa kwarto ko dahil malapit na naman ako.
"Hindi na, late nadin! Pagod na ako." Sigaw ko pabalik sa kanya kasi nasa loob na ako ng kwarto ko.
"Fine! Uuwi na ako." At narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa sa hagdan paakyat kaya alam ko na papunta na siya dito sa kwarto ko.
Sinarado ko na ang pinto bago pa siya makapasok kaya medyo napalakas ang impact nito.
"A-ar-aray" dahil may naramdaman akong kakaibang sakit sa may bandang dibdib ko.
"Sky, okay ka lang?" Sabi niya mula sa labas ng pinto.
"O-Oo naman. Nauntog lang ako sa kung saan" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Clumsy as always. Pasalamat ka sp-asdfghjkl." Rinig kong sabi niya pero di ko na naintindihan yung mga huling sinabi niya dahil pabulong na ito.
"May sinasabi ka ba?" Pagtatanong ko. Woooh kaya di kami magkaintindihan may malaking harang na pinto eh!
"W-wala! Don't mind it. and isa pa kailangan ko ng umuwi." At kumatok na siya sa pinto ko katulad ng lagi niyang ginagawa.
"Okay Luke! Sige alis ka na, kita na lang tayo bukas! Ingat!" Sabi ko para tugon sa pag-katok niya sa pinto ng kwarto ko.
"Bye! Goodnight na and l-loveyou!" Sabi niya pero medyo nautal siya sa dulo, pero di ko na lang pinansin.
"Goodnight na din Luke! loveyou twin!" Sabi ko, bago ko narinig ang pagbaba niya sa hagdan.
Wala yung malisya ah? Talagang sanay na kami magsabihan ng love you sa isa't isa. Yan ang magpapatunay kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Pero please, wag kayong maguguluhan ah? and twin tawag ko sa kanya kasi para na talaga kaming kambal na di mapaghiwalay.