"MAY CHANCE KAYA NA MAGING TAYO?"
"MAHAL MO DIN KAYA AKO?"
"PAG SINABI KO BANG MAHAL KITA, WOULD YOU LOVE ME BACK?"
Yan ang mga tanong na hanggang ngayon hindi pa nasasagot simula nung makilala ko siya.
"SIYA". Yung taong bigla ko na lang minahal.
"SIYA". Yung taong mahal ko na hindi ko alam kung mahal din ako.
"SIYA". Yung taong nagpapasaya sakin sa araw araw.
"SIYA". Yung taong dahilan kung bakit ako ONLINE lagi.
"SIYA". Yung taong dahilan kung bakit din ako nahihirapan ngayon.
"SIYA" din kaya ang magiging dahilan para matapos ang mga paghihirap na yon?
***
"Aya! Tama na yan! Kanina ka pa dyan sa tapat ng computer ah?" sabi ni mommy.
"May binabasa pa po ako, Ma! Saglit na lang to!" nagbabasa naman talaga ako eh. Pero may iba pa talagang dahilan kung bakit ako hindi maalis alis sa tapat ng computer.
Ako nga pala si Aya Jade Ramirez. Simpleng 4th year high school student sa isang academy. Pero college na sa pasukan. SINGLE. Friendly naman ako. ^__^ Mabait, makulit daw kung minsan at masaya kausap. Hindi daw kami nawawalan ng topic pag kausap nila ako. Kaya siguro naging magaan din ung loob niya sakin.
"Ayaaaaaa!"
"Opo, Ma! Andyan na!"
*type. type*
ME: Hey, I'll log out my account now. My mom's already scolding me. :)
HIM: Okay. Just txt me if you're not busy.
ME: I'm not. Wait for my txt. ^__^
HIM: Okay!
ME: Bye!
*log out*
Yan lagi ang ginagawa ko. Ang hobby ko. Ang mag-online sa facebook. Ang mag-chat sa kanya. Kausapin siya hanggang sa mapagalitan ako. Haha! ^__^ Pero hindi pa dun natapos yun. We're still exchanging messages through our mobile phones.
Masaya naman ako sa ginagawa ko eh. Masaya ako sa kanya. Masaya akong kausap siya. Wala naman sigurong masama sa pagiging masaya di ba? Wala namang batas sa bansa na bawal makipag-usap sa taong nakakapag-pasaya sayo di ba? Kaya hinayaan ko na lang ung sarili ko na ituloy kung ano ung na-umpisahan ko na.
Pero.. San nga ba to nagsimula? Paano ko siya nakilala? At sino "SIYA"?
***
"Kyaaaaaaaaah!!! Ang sweet naman niya!!" *O* sabi ko habang nagbabasa ng story sa wattpad. Buti nga ako lng mag-isa dito sa kwarto eh. Kung hindi baka isipin nila mommy, baliw ako. >_<
Mahilig talaga ako magbasa ng stories dito sa wattpad. Kahit anong type pa yan. Pero pinakagusto ko eh, love story. Kinikilig kasi ako. Haha! ^_^ Lalo na tong *tooot*. Nakakakilig ung bidang lalaki. :""> Sana may facebook account siya! ^___^
*type. type*
Grabe! Kinikilig ako sa binabasa ko! *O*
SHARE
BINABASA MO ANG
LOVING YOU ONLINE ~ [One-shot Story]
Short StoryHave you ever been in love? If yes. I know you can understand HER. But, what if YOU fell in love with a person whom you met through CHAT? How can you survive this kind of life? This is story of a girl who fell in love with a wattpad character. ^__...