Nagmamadali na akong naglalakad dahil marami pa akong ipapasa, baka hindi ko na maabutan ang deadline. Ang dami ko kasing inasikaso kahapon kaya ngayon ko lang natapos ang project ko.Hanggang 3pm lang ang pasahan at eto ako 2:30 na at patawid palang papuntang sakayan.
Akmang tatawid na ako nang biglang bumagal ang lahat... At sa isang pagkurap ko lamang ay nakita ko ang aking pamilyang nasa peligro at isa isang pinapatay! Kumaripas ako ng takbo nang biglang may bumusina.
"Krisha" "krisha, huy gising"
Napabalikwas ako nang malamang panaginip lang pala yun. Jusko halos magkanda matay matay ako sa panaginip na yun."huy krisha okay ka lang ba?" Bumalik ako sa wisyo ng kausapin ako ni (unknown name)
"ahh oo,okay lang ako nabangungot lang"
"gaga bilisan mo, madami ka pang ipapasa remember?"
"ay shit oo nga pala"
Dali dali akong tumayo at minadaling ayusin ang sarili at kapag minamalas ka nga naman oh 2:25 na ako nagising samantalang ang deadline ay 3pm.
Malayo-layo pa ang sakayan papuntang school kaya tumakbo na ako hanggang sa abot ng aking makakaya, para na nga akong nagmamarathon dito.
Todo tingin ako sa orasan ko at shit 2:30 na, buti na lang patawid na ako sa sakayan papuntang school.
Hanggang sa biglang parang bumagal ang lahat at sa pagkurap ko ay nakita ko ang aking pamilya na isa-isang pinapatay wala akong nagawa kaya tumakbo na lamang ako.
Nang biglang may bumusina at pagkatapos ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin.
BINABASA MO ANG
Blink of an Eye[On-Going]
Mystery / ThrillerPano kung sa bawat pagkurap ay makikita mo ang bawat pahina ng iyong buhay? Isang babaeng kayang makita ang kanyang hinaharap sa pamamagitan lang ng pagkurap. Maging tulong kaya sa kanya ito? O maging kapahamakan lamang niya?