( A/N: Ang mga nakasulat at mga pangyayari dito ay pawang mga kathang-isip lamang. Wag seseryosohin. XD )
Ano 'to?! PBB TEENS?!
By: ItsMeAlyssa
Ako si Sophianna. Sophie na lang for short. 14 years old palang ako nung una akong magka-boyfriend, siya si Alec. Oo, gwapo siya. Varsity player ng high school department ng university namen. Kaya nga sabi nila, ang swerte ko daw dahil sa dinami-dami ng mga babaeng umaaligid sa kanya, ako yung minahal niya. Pero, mali yung iniisip nila. Ako rin eh, akala ko, totoo. Yun pala, peke. Akala ko sya na, yun pala, hindi pa.
~Flashback. Four years ago.~
"So ano Sophie? Tayo na ba?" tanong ni Alec.
Three months na siyang nanliligaw sa ken, so siguro, it's time na ren para sagutin ko sya.
"Oo Alec! Sinasagot na kita!"
Napayakap siya sa aken sa sobrang tuwa pero agad ko namang inalis. 14 pa lang ako, ayoko ng ganun baka sabihin ng ibang tao, ang landi-landi ko. Chos! Basta, ayoko muna ng mga pa-ganun-ganun.
"Bakit?"
"Eh bata pa tayo, ayokong may makakita sa atin na ganun yung ginagawa natin."
"Ahh. Edi dun tayo sa tago." sabay wink.
"Joke yun? Hindi nakakatawa! Tara na nga, may klase pa tayo."
"Tara, hatid na kita."
Magkaiba kasi kami ng room. 2nd year ako tas siya naman 3rd year.
"Ha? Eh wag na, baka ma-late ka pa."
"Ano naman ngayon kung ma-late ako? Atleast alam kong safe yung mahal ko."
:">
"Sus! Basta, wag na."
Sa ngayon, wala pang nakaka-alam na kami na. Sabi ko sa kanya, sa susunod na lang namin sabihin sa iba.
Lumipas ang mga araw na lagi kaming mag-kasama. Kaya yung iba kong classmates nakakahalata na, so napilitan na rin akong sabihin sa kanila na kami na.
After 3 days, kalat na sa buong high school department yung relationship namin. Syempre, paano ba namang hindi kakalat, eh isang sikat na estudyante ang boyfriend ko.
Patagal ng patagal, nawawala yung mga signs na mahal pa niya ko. Ewan ko parang wala nay un kilig effect saming dalawa.
BINABASA MO ANG
Ano 'to?! PBB Teens?! [one-shot story]
Teen FictionAt dahil bukambibig na ni Vice Ganda ang "Ano 'to?! PBB Teens?!" nakagawa ako ng one-shot story. hahaha XD