Chapter 25

254 8 0
                                    

Nicole's POV

Madilim na ng maisipan naming umuwi ni Kim. Nag paalam kami kay Mommy at sinabihang babalik kami bukas pagkatapos ng praktis.

Pababa na kami ng sasakyan ng nahagip ng mata ko si Arianna. Naka damit  siya ng white floral dress. Pababa na rin siya ng hagdan.

Nag tama ang paningin namin. Halatang wala sa mood. Kaagad akong lumapit sa kanya. Naramdaman kung nasa likod ko si Kim.

"Ba't ganyan ang suot mo? May lakad ka?" si Kim na ang nagsabi

Huminga muna siya nang malalim saka bumagsak ang balikat at tumango ito. "Hmm. Magdi-dinner 'daw' kami." aniya

Ramdam kung hindi niya gustong pumunta. Halata naman sobra. "Ganun ba? Sige pumunta kana baka ma late ka pa. Pakisabi na lang kay tito na nakikikumusta ako. Mag ingat ka." Wika ko

Ngumiti siya saka tumango. " Mauna na ako. Baka hindi pagkain ang maabotan ko dun baka sermon na naman." seryoso ngunit naka nguting tugon nito

Napatawa ako ng mahina ganun din si Kim. "Ingat ka dun Ari. Dalhan mo kami ng tirang 'sermon' hahaha!" sabay tawa ni Kim.

Nakitawa na rin kami. " Sige una na ako. Uuwi din ako." wika nito

"Sige. Ingat Ari!" si Kim

"Ingat ka." Ako

Tumango lang siya at ngumiti saka nag lakad patungo sa labas at sumakay sa kotse. Nang mawala ang kotse sa paningin namin. Napabuntong hininga naman ako.

"Nagugutom ako. Kain tayo..." biglang sabi ni Kim.

Binalingan ko siya natawa ako ng makitang nakanguso siya. "Sige. Nagutom rin ako e.." wika ko

"Yes! Akala ko ako na naman ang kakain mag-isa." masayang sabi nito

Napailing iling na lang ako saka naglakad patungo sa Dinning area.

"Manang kakain na kami!" Sigaw ni Kim para marinig ni manang.

Umupo na kami saka dumating si manang. "Buti naman at naisipan nyong kumain. Kasi nasanay na ako na ilang araw na kayong hindi kumakain pag gabi." masayang sabi ni manang saka inilagay ang pagkain sa harap.

"Oo nga manang eh! Namiss namin luto mo!" wika ni kim

Napangiti lang ako saka nag simulang kumain. Maraming sinasabi si Kim at nakikinig lang ako at minsan nagsasalita rin ako. Natapos kami at kaagad kami dumeritso sa kwarto namin dahil sa pagod. Pagkapasok ko kaagad akong naligo at mabilis nag bihis at tumalon sa kama at ipinikit ang mata. Hindi ako ganun kadaling dilat dahil hinila na ako ng antok dahil sa pagod. Mabilis akong naka tulog.

Arianna's POV

Medyo naantala ang biyahe dahil sa traffic. 20 minutes na akong late. Arghh! Kainis naman bakit ngayon pa. Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang nag ring ang cellphone ko. Tinitigan ko ang screen ng cellphone kung sino. Ramdam kung bumagsak ang balikat ko.

Daddy Calling...

Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag. "Hello." bungad ko

"Ano ba Ari?! Talaga bang susubukan mo ako ha?!" galit nitong sabi

Napapikit ako dahil sa pag sigaw nayun. King inang yan!

"Ano gusto mo paliparin ko tong sinasakyan ko papunta diyan ha?" inis kung sabi

Narinig kung bumuntong hininga ito. "Wag mo akong subukan Ari. Bilisan mo diyan naghihintay na kami dito. Wag mong ubusin ang pasen--"

"Ikaw kaya ma stuck sa pesteng traffic dito!" inis kung sabi

THE SIX DISASTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon