Tres

14 1 0
                                    

Ethan's

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko hay.. Panibagong araw nanaman pero syempre di ko naman kakalimutang mag thank you kay fafa God dahil binigyan nanaman nya ako nga panibagong araw haha .. After kong mag dasal ay, lumabas na akong kwarto at dumeretso sa cr upang mag toothbrush para naman di mahimatay yung taong kakausap saakin no! Hahaha kahit na alam kong di naman kabahuan ang morning breath ko pero syempre mas mabuti nading mag toothbrush diba ?

After kong gawin ang morning routine ko including exercise ng konti, linis ng bahay at kain ng umagahan .. Hay ayoko talaga minsan ng umaaga .. Kasi di kami sabay sabay kumain kasi si nanay maagang gumising para mag laba sa ibang bahay, si tatay naman maaga din para mamasada at si bunso? Ayun for sure nasa school na yun... Kaya eto ako ngayon mag isang kumakain ng sinangag at tuyo pero okey lang sanay nanaman akong mag isa hahaha XD

Nang matapos akong kumain hinugasan ko na pinag kainan ko  tapos punta ng cr para maligo na . 7am kasi ako nagising kanina tas malapit ng mag 8am ang pasok ko pa naman ay 9am kaya di ako masyadong nagagahol . Ang schedule ko nga pala ay from 9am to 4pm  so bali 7 hours lang ako sa school tas swertehan pa kung wala pa yung prof/instructor namin kaya minsan hayahay ang akong buhay hahahaha

Habang naliligo ako di ko maiwasang isipin yung mga couple na bisexual at gay na nag pupunta dun sa cafe na pinag tratrabahuhan ko... Di ko naman maiwasang mainggit sa kanila kasi alam mo yung feeling na makikita mo silang magka holding hands tapos minsan mahuhuli mo pa silang nag kikiss at nag lalampungan na parabang silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon kung makapaglandian hay... Kaya ayun .. Di ko mawasang itanong sa sarli na kaylan kaya ako magkakaroon ng ganun ? Haha yung tipong may matatawag akong "Akin" hay pero satingin ko malabong magkaroon ako ng ganyan pati mas uunahin ko muna ang pag aaral ko pati nadin ang pamilya ko haha sabi ko nga na dagdag lang sa sakit ng ulo yang boyfriend boyfriend nayan hahaha pero kasi naman ehhhhhhhh di ko maiwasang maiinggit huhu okey enough na drama haha

Nang matapos akong maligo dali dali akong nagbihis para di narin ako ma late kasi medyo strict yung prof namin sa first subject ehh yung tipong ang bigdeal para sakanya ng oras ? Na kahit 1 minute kalang late bawal kanang pumasok ? Hay ganyan talaga pag tumanda ka ng dalaga at di ko pinaplano na sundan ang yapak ng prof ko na tumandang dalaga XD

After kong magbihis ay inayos ko muna itsura ko kaya eto pulbos here pulbos there at cologne here and cologne there at ayan ready for school na ako yay !*^▁^*

Lumabas na ako ng bahay at nai lock ang pinto at gate namin then nag start na akong maglakad , oo naglalakad lang ako papuntang school kasi medyo malapit lang naman ito saamin kaya nag lalakad nalang ako pati isa pa sayang din bente pesos na pamasahe no! Kaya tamang walking trip ako .

Habang naglalakad di maiwasan ang mga taong bumabati saakin na kakilala ko din naman kaya eto ako si hi at hello ako feeling ko ang famous ko sa part nayun haha kaya di ko maiwasang ngumiti dahil nga sa mga pagbati saakin haha  lakas maka good mood talaga eh haha.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating nadin ako sa UN hay panibagong nakakapagod na araw nanaman ito para saakin hmm sana wala yung prof namin sa first subject  medyo tinatamad kasi ako ehh ..

Pumasok na ako sa gate ng school at as usual di ko maiwasan ang mga tingin ng aking mga ka school mate saakin.. Yung iba ang tatalas na akala mo'y blade na pwede ka nang hiwain tas yung iba naman ay parang hinuhubaran ka sa isip nila at yung iba naman titingnan kalang ng walang emosyon ... Hay mayayaman nga naman ...

Habang naglalakad ako sa path way ay may nadaanan akong grupo ng mga kababaihan na satingin ko ay mga spoiled brat dahil sa way nila ng pagsasalita at pag haharutan sa isa't - isa nang biglang may nadinig akong nakapag pantig ng tenga ko mula sa kanila

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon