"ANONYMOUS" (Chapter 3)

45 3 0
                                    

Marriane's POV

Andito na naman kami ngayon sa loob ng classroom namin and as usual ay nagdadaldalan na naman mga classmates ko. Ahmm, bago ko nga pala makalimutan, isa rin pala ako sa mga matatalino sa klase namin so masipag akong mag aral...^___^

Nakita ko si Rizalyn na kinukuha ang make-up kit mula sa bag niya. Nasa unahan ko lang ang upuan niya. Mukhang magre-retouch ata siya.

Nahulog yung eyeliner niya mula sa pouch at inis na inutusan yung classmate namen na nerd na kunin yun.

"Uy, lampayatot, kunin mo nga yung eyeliner ko.. nahulog diyan banda sa may ilalim  ng upuan mo."

"Bat ba ako ang inuutusan mo, gamit mo yan, ikaw ang kumuha." Akmang tatalikod na yung kuya nang  batuhin siya ni Rizalyn ng salamin niyang hawak. PAkkkkkkk!! Ano pa nga ba? Eh di basag yung salamin................................sa braso nung kuya...

OOOuuuucccchhhhh!!!! Wawa naman si kuya..payat na nga..binato pa ng salamin...walang hiya talaga si Rizalyn..maldita ey..tsk, tsk, tsk..

Nakita kong hinimas nung kuya ang braso niyang may sugat, may mga bubog-bubog pa..arayy ko po..nakatingin lang ako pero parang ako na yung nasugatan...

"Ikaw na lampayatot ka, sinusuway mo na ko ngayon?! Ha?! Baka gusto mong ipabugbog kita sa boyfriend ko?! Kasali yun sa fraternity kala mo!"

Hindi naman makatingin ng diretso si kuya. Yumuko siya at pinulot yung eyeliner ni Rizalyn. Nilapag niya naman dun sa desk.

 "At yang salamin ko, bayaran mo yan ha! Ikaw ang may kasalanan kung bat nasira yan!"

Wow grabe na toh si Rizalyn, sige, siya na ang anghel..

Walang imik naman na umupo ulit si kuya.

"Girls, punta akong restroom, magreretouch..sama kayo? Bwiset kasi tong lampayatot na to ehh..Tskkk.." Si Rizalyn.

"Oo bah..tara." sina Shin.

Tatayo na sana sila nang biglang pumasok yung matandang professor namin na nakasalamin------ ubod nang istrikto. Whahhahha .....si Mam Bettina.  >>__________<<

"Good morning class.." Si Maam habang papasok sa room.

"Bwiseettt...nuhbayan! Papasok kung kelan lalabas kami..nanadya!?! inis naman na bulong ni Rizalyn, padabog nanilagay niya na ulit yung make-up kit sa loob ng bag niya at naupo na sa upuan nila. Nagsisunuran naman yung mga alipores niya.

Whahahaha buti nga sayo...ambaet mom kasee..:P

"Before we proceed to our next lesson, I have an announcement to make...................................*tingin sa klase*.......*then sakin*....     Ms. Deliva?"

"Yess mam?" Nagulat ako at napatayo naman agad mula sa upuan ko. She looked at me seriously...hala...anyare..anuh ba nagawa ko?

*breath-take*

*lub dub lub dub*

*abang*

*abang*

"You will have to help Mr. Steve Fernandez.......... in his studies." 0_o

MR. STEVE FERNANDEZ?????!!! My golly, are you serious Maam?! Is it real, is it real?   

"Maam, bakit po ako?" Tinuro ko pa sarili ko.

"Nagrereklamo ka ba, Ms. Deliva? Besides, ikaw ang gusto kong mag-tutor sa kanya dahil ikaw ang mapagkakatiwalaan ko at don't worry pag nag-improve ang grades ni Mr. Fernandez, dadagdagan ko rin pati ang grades mo. Is that a deal Ms. Deliva?."

&quot;ANONYMOUS&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon