K3U

17 1 0
                                    

Alam mo yung feeling na naging kayo ni crush? Diba masaya? Diba feel mo parang ikaw na pinaka maswerteng tao sa mundo. 

Yun din ang nararamdaman ko pero masakit malaman pag may harang sa pag-iibigan niyo. Lalo na't pamilya mo yun.

Ako nga pala si Vyn, 2nd year college na sa PDA (PhyDols Academy). Taking up BS Graphic & Design

xxxxxxxxxx

VYN'S POV

Naglalakad ako ngayon dito sa underground, papuntang parking lot. Gabi na kasi, mga 6+ na yun nung natapos ang klase namin. Habang busy ako sa pag tingin sa bag ko kasi nawawala yung susi ng car ko, nahulog bigla yung dalang-dalang books ko.

'Hayst. Kaasar, kung kelan ka pa nag mamadali dun ka pa mamalasin' -.- sabi ko habang pinulot at inayos yung mga books na nahulog. Lumabas kasi yung mga bituka, yung mga extra papers kumbaga. Lam naman natin, gawain yun ng bawat estudyante; yung gawing lalagyan ng mga piece of paper yung mga books . anuu? relate ka nuuu?

habang iniisa-isang pinupulot yung mga papel-papel, bigla akong napahinto nung nakita ko yung isang kulay pink na may hello kitty na design na papel, parang bang bigla huminto yung oras yung nakita ko yung papel na yun .. yun kasi yung love letter na bigay nung ex ko. Akalain mo yun? pagkatapos kasi nung klase namin kanina, sinalubong niya ko sa pinto sabay sabing 'break na tayo' tapos kapal lang kasi may pa letter-letter pang bigay. Kaya ako naglalakad na inis na inis. Gusto ko ng umuwi, gusto kung umiyak. Gusto kung ipalabas tong nararamdaman ko. Bukas na kasi kami mag fi-first anniversary. Masakit yun, alam mo yung parang *sniff*sniff* di ko na tatapusin. Diyan na muna, baka hanggang intro lang tong storya to. Sa bahay nalang ako mag eemote, tutal andun si kuya. Siya ang natatanging handkerchief ko, siya yung tinatakbuhan ko lagi lalo na't nag-aaway kami ng boyfriend ko ..

Kinuha ko yun ng marahang .. parang ayaw ko yun pulutin, parang gusto kung di na yun kunin. Pero baka andun ang mga sagot sa mga katanungang kanina pang paikot-ikot sa kokote ko .. baka dito niya sinulat yung mga dahilan .. baka andito na lahat. Kaya pinulot ko nalang, oa nuu? sorry. Di kasi ka inlove kaya di mo ko maiintindihan :P Nilagay ko na yun sa book na malapit sakin, tatayo na sana akong ng biglang ..

"Hoy !" agad naman akong napa tingin sa harapan ko.. napaka lakas kasi nung pagka sigaw niya, para akong natatakot .. biglang ako kinabahan .

unti-unting tumatayo halos lahat na ng balahibo ko ng bigla siyang tumakbo; yung sumigaw ng 'hoy!' . Yung paa ko gustong tumayo, sa isip ko gustong kung tumakbo. Natatakot ako sa nakikita ko, marami sila. Marami silang tumatakbo patungo sakin.. lahat sila may kanya-kanyang dala .. baseball bat, martilyo, at yung mga naglalakihang kahoy (di ko alam ano tawag nun) . Bumilis ng bumilis at palakas ng palakas ang tibok ng puso ko, parang may kung ano akong nararamdaman. Nang mga 4 steps na yung parang lider nila mula sa akin napa pikit nalang ako. Takot ako sa pwedeng mangyari pero parang mas takot akong tumakbo. Parang may kung anong nag glue sakin dun sa kinauupoan ko saka dun ko na namataan ng parang ang laki-laki na ng mga pawis ko. Dinig na dinig mula sa pagka pikit ko yung mga yapak na parang paparating .. paparating ng paparating hanggang .teka, parang .. binuka ko yung dalawang mata ko at lumingon sa likod. Dun ko nakita yung mga taong naglalabanan . Nagsisisuntukan, nag papaloan at bumalik lang ako sa katotohanan ng may biglang tumulak sakin na siyang kinahiga ko ..

"A-a-aawww!" aray masakit yun. yung pwet ko, malakas yun pagkatulak. Agad naman ako tumingala para makita ko kung sino yung tumulak sakin, nakita ko siya .. 

oo siya .. si *bite-bite sa fingernails* .. yung crush ko .. Nakita ko siyang nakipagsuntukan siya dun sa lalaking sumigaw ng 'hoy!'

"Sa likoood m--" di pa ako tapos sa sasabihin ko .. nauna na yung suntok dumating sa mukha niya kaya napa 'Wooowoowoo' *with slowmo yan :P* siya. Basta imagine niyo yung mukha pag nasuntok ng malakas tapos naka slowmo. Diba napapa 'wooowooowoo" yung tao XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

K3UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon