Babae Ka Ba?

936 28 1
                                    

"Babae ka ba?" tanong sa akin ng lalaking pinagtatapatan ko ngayon ng damdamin. Gusto kong matawa sa sinabi nya. Bakit nya itinatanong kung babae ako?

"B-bakit?"

"Look Ruri. Do you really classify yourself as a girl? Eh mas mukha ka pa nga atang lalaki sa'ming tatlo eh." nagtawanan sila. Napakasarkastiko ng mga tawa nila. Gusto kong umiyak. Pakiramdam ko'y napahiya lamang ako.

"May pro. . . blema ba . . . sa'kin?" maluha luha na ako ng itanong ko 'yon. Inakbayan ako sa balikat ng lalaking pinagtapatan ko.

"Okay. Sasabihin ko sayo ang type kong babae." tumango naman ako "Alam mo kase, ang gusto ko talaga, yung mga babaeng-babae. Yung porma, pananalita, kilos at saka yung nakakapaglaway ang vital statistics nya." nakangisi nyang tugon saka nya inalis ang kanyang kamay sa balikat ko. "And you're not my type. Bye." saka sila umalis baon ang kahindik hindik na mga tawa nila.

Bad shot Ruri.

Nagkagusto ka sa maling tao.

"Pack sheet ka Oliver! Sana hindi na lang ako sayo nagkagusto! Manyak! Pilingero! Walang papatol sayo! Panget ka! AHHHHR!" andito na naman tayo. Ganito ako palagi after kong mareject ng kahit na sino. Dito ko sa roof top binubuhos ang galit ko.

"Galit na galit?" biglang may nagsalita mula sa likuran kaya pumihit agad ako para tingnan kung sino iyon. "Hi." nakangiti sya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

"Haha! Ano ba naman 'yan. Magkaklase kaya tayo! Hindi mo ba ko namumukhaan?" tinitigan ko yung mukha nya ng mga ilang minuto saka umiling. "Aw grabe."

"Sabihin mo na lang kaya."

"Okay, okay. Haha! Ako nga pala si Mico del Rosario. 18. Aries. Blood type A, pina--"

"Pangalan mo lang ang inaalam ko. Hindi buong pagkatao mo."

"Haha. Sarreh." para syang bakla. The way he speaks. Yung pagkilos nya. -_-

"Lalake ka ba?" nagulat sya sa tanong ko at ngumiti. Tumabi sya sakin habang ang mga mata nya'y nakapako sa malayong direksyon. Bigla syang tumingin sa akin.

BABAE KA BA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon