"Miss Garcia, are you out of your mind?!" Kagulat naman tong si Mam Solomon.
"Ha?" Sagot ko. Actually, di ko din talaga alam kung bakit lumilipad ang utak ko. Hmm.
"Peste kang bata ka. Di ka nakikinig eh. Alam nyo, nasasayang lang ang laway ko kakalecture dito. Tapos kayo, nakanganga lang?" Sabi ni Mam. Kaya nga kami bumabayad eh. Para san pa kung nagrereklamo kayo? Taas ng sinasahod nyo, tapos rereklamo pa kayo. Di naman kayo ang malulugi kami naman. Saad ko sa isipan ko.
"May sinasabi ka Ms. Garcia?" Napalakas ba yung sabi ko?
"Ah..eh.. wala po mam." Sabi ko. Gosh, sana tumahimik na sya. Nakaka frustrate.
"Take your seat. At dahil di kayo attentive, itong parusa ko sainyo." Ay grabe talaga tong si Mam Solomon. Pinaquiz kami up to 150 items. Buti nalang nasagutan ko. Tahimik lang ako kapag discussion di naman ako kagaya ng mga classmates ko na halos lamunin na yung mga sagot.
Natapos na ang Math, kaya lunch break na. Hmm. San kaya ako kakain?
"Kc. Sabay tayo." Yaya ni Abbie. Ano nakain neto? Pers time! Manlilibre yata.
"Sige. Tara na." At hinila na ako papuntang Mang Inasal.
Ayawko na talaga kumain sa labas. Naalala ko naman kasi yung sinabi nya saken.
[Flashback yung mga naka italized]
Kumakain kami non sa McDo. When I asked a question..
"Uhmm.. Kayden, ba't ang bait mo?"Pagtatanong ko, habang sinusubo ang kanin.
"Tch. Minsan nalang to' kaya sulitin mo na." Ani nya. Ang sungit talaga, ibang iba kay Jayden.
"Uh..eh.. may girlfriend ka na ba?" Out of the blue na lumabas sa bibig ko.
"Soon to be." Aba, kahit tatahi-tahimik may pinupormahan na to' ah.
"Binata ka na tsong! Eerr..By the way, who's the lucky girl?" Pagtatanong ko, malay mo maganda ang taste nya pagadating sa babae.
"Tanungin mo yung sarili mo. Baka alam ng puso mo."Nagjojoke ba sya? Kasi kung oo, hindi talaga nakakatuwa.
"Di ako nagbibiro Kc." Tila bang nafreeze ako sa kinakatayuan ko. No. Hindi pwede. Ayawko ng masaktan pa. At the same time kapatid nya pa.
"Seriously?! Sagutin mo nga ako Kayden, may gusto ka ba saken?" Medyo naiinis na ako, alam kong lalayuan ko sya, or sya yung lumayo saken.
"Kc. I understand. Di naman kita minamadali. Even if it takes a year. I'll wait for you. No matter what. Kaya sana naman hayaan mo nalang ako." Cool na pagkakasabi nya. Ugh. Bakit ko ba kinilala ang kambal?!
"......." Wala akong masabi. Kayden! I hate you. Swear.
"Hoy Kc! Anong problema? Ba't di mo kinakain yang manok?" Pambasag talaga to si Abbie eh.
"Uhh. Wala." Sabi ko at sinimulan ng kainin yung manok.
Even if it takes a year. I'll wait for you. No matter what.
Even if it takes a year. I'll wait for you. No matter what.
Ugh. Those words. Why are you doing this to me?! Kayden? Arrrghh. Di pa talaga ako handa, or ayaw ko na muli buksan ang puso ko. Masyadong komplikado.
"Oh bakit yung manok na naman yung pinagbubontungan mo?" Kanina ko pa kasi tinutusok-tusok yung manok. Eesh.
I finished my food and hurry up. May meeting pa kami sa SSA. Papatayin na naman ako ni Gio. Magagalit na naman yun kapag late ako.
Hay, nakarating din sa room ng SSA. 5 minutes before magstart ang meeting. Omo. Late na pala ako. Andito na kasi sila. Simula kay Pres. , V-pres. , Treasurer, auditor at hanggang sa dulo.
"You're late..AGAIN, Ms. Garcia" Mala-awtoridad ang pagkakasabi nya.
"Sorry." Yumuko nalang ako. Nakakahiya kasi.
Hinahanap ko ang aking notebook ng mapansin ko na wala yata rito. Patay tayo neto. Huhu. No choice sa phone nalang ako magtetake ng notes.
"Ms.Garcia!" What? Ano na naman bang nagawa ko. Nagtatype lang ako dito eh.
"Puro cellphone ang inaatupag mo. Magseryoso ka nga!" Sigaw nya.
"Excuse me?! For your information, di ako nagsecellphone. Nagtetake down notes ako dahil naiwan ko yung notebook ko. Oh, please." Saad ko na parang inis na inis na. Try nya kayang magtanong.
Tinitigan nya lang ako at nagsalita na ulit. Arggh this man is getting into my nerve!
Natapos dun ang meeting na puro bangayan. Naisipian ko ng bumalik sa room, ngunit walang tao. Then narealized ko na P.E pala ngayon. Pumunta ako sa locker at tinignan ang schedule. Huwaaaat?! Section nila yung kalaro namin? Oh please, bakit pa ba ako bumalik? Err.. no choice talaga ako neto.
Nakarating ako sa gym ng nakabusangot. Oh yes! Classmate ko na ulit si Kayden. Yey! Pinagpalit kasi sila ni Jayden para may matutunan naman daw si Jayden sa section namin.
"Yow DenDen!" Pang-aasar ko kay Kayden. Haha. Ankyut nyang mapikon eh.
"Will you shut up?" Sabi nya. Hala? Anong nangyari dun? Ang sungit.
"Wag ka ngan magpout di bagay sayo." Problema neto?
"Heh! Wala kang pake!" Sigaw ko. Kainis na sya ha, kanina pa sa meeting.
Di ko nalang sila pinansin. Magsta-start na rin kasi yung game, kaya tumahimik na kami. Basketball yung laro. Mas mabuti pang manuod kaysa maglaro.
Minutes have passed. Lamang na ang kabilang section. Oh no! May deduction pa naman kapag talo ang section nyo. Galingan mo Kayden. Talunin mo si Jayden para saken, para sa section natin.
Umuwi kami ng masaya. Woooh! Syempre panalo kami! Galing kaya ni Gio at Kayden. At dahil daw panalo kami, magcecelebrate kami. Pero parang ayawko mag-attend. Sa bahay daw kasi nila Kayden eh, expected naman na nandun si Jayden dahil kapatid nya nga ito diba?
Umuwi ako ng bahay na parang binagsakan ng langit at lupa. Hmm. Sasama kaya ako? Matawagan nga si Abbie.
["Oy, bitch. Ba't napatawag ka?"]Call sign namin yung Bitch eh. Masanay kayo.
"Bitch, aattend ka ba?" pagtatanong ko. Ayawko namang pumunta ng mag-isa.
["Bitch, sasama ako. Birthday ngayon ni Katrina. Yung ate nila. Kaya parang double celebration pero hiwalay lang nga."] Ani nya.
"Ah. Sige Bitch, I'll hang-up na." Binaba ko na ang telepono. Hmm. What to wear?
*phone vibrates*
Hmm. May text si Kayden.
Sender: Denden [09*******]
Pumunta ka ha? I'll wait for you. :)
-End-
Haish. Sasama ba ako o hindi? Mababaliw na ako, konting-konti nalang.
-----
Follow me on twitter: @TwinklesWP
Followback is my style~Dedication mga pips. Who wants?
BINABASA MO ANG
She's the Heartless Bastard
Teen FictionI'm not a heartless. I'm just using my heart, LESS.