The Pinoy Teenage Life

303 6 2
                                    

May Facebook kaba? Twitter? Instagram? Soundcloud? Sigurado Ako kahit isa man lang diyan meron ka, lalo na ang Facebook. Kung wala kang Facebook, sigurado ako na Matanda kana! Tama diba? 

Tayong mga Pinoy mahilig tayong maki-uso, kahit hindi naman natin kailangan minsan. Pero para saan? Para mapansin ka? Para dumami Likers mo sa Facebook? Para dumami Followers mo sa Twitter? Kung natamaan ka, wag kang magalit, dahil sabi ko nga, "Minsan kailangan nating mapaniwala ang mga tao kahit sa maliit na bagay, kung gusto mong sundin ka pa ng mga ito." 

Ano naman ang epekto ng mga Social Media sa mga susunod na henerasyon. Hindi lang ang Social Media, Lalo na din ang mga Online Games at Offline Games tulad ng Defense of the Ancient (DotA) at ang League of Legends (LoL) na kung saan maraming kabataan ngayon ang nahihiligan laruin ang mga ito, ang mga iba naman, ginawa na nilang Professional Career ang paglalaro ng mga ito. 

Naranasan mona bang maglaro ng mga Larong Pinoy? Tulad ng: Piko, Chinese Garter, Tumbang Preso, Moro-Moro, 21, Bahay-bahayan, Langit-Lupa, Luksong Baka, Luksong Tinik, Palosebo, Sipa, at Kung ano ano pa. Sa Panahon ngayon, halos sa mga Probinsya ka na lang makaka-kita ng mga batang naglalaro ng mga ito.

Alam moba ang Library? Sigurado ako minsan kalang pumunta diyan! Tapos Pilit pa! Relate ka diba? Eh pano ba naman si GOOGLE ang kilala mo! Hindi si Librarian. Dati, sabi ng mga magulang ko nung panahon nila, kapag may assignments sila o homework, pumupunta sila sa library o maghihiram ng libro. Pero sa panahon ngayon pumupunta tayo sa Harap ng Computer o kaya hihingi ng P15.00 para mag Internet Cafe. 

Madami kapa bang gustong malaman tungkol sa mga kabataan ngayon? Ano nga ba ang magiging Epekto ng Teknolohiya sa mga Kabataan ngayon? Huwag ka sanang mainip sapagkat ik-kwento ko ang mga bagay bagay tungkol dito base sa aking karanasan. Kaya Tara!

The Pinoy Teenage LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon