********Rico**********
"Riccccoooooo!!!!!!"
Sabi na nga ba, hindi ako nagkamali. Ang boses na yun, naku hindi ko talaga malilimutan. Paano ba naman kasi simula elementary naririnig ko na yan. Kilalang kilala ko na ang boses na nakakaumay, pero hindi siya nakakaumay kasama. Ano? Magpapaligoy ligoy pa ba ako? Sige na nga sasabihin ko na kung sino siya. Siya yung mataba.... i mean chubby, na maliit at cute? na bestfriend ko siguro?? Joke bestfriend ko talaga yan. Siya si
"Licah??!!"
Siya si Licah, yan yung babaeng kasama ko palagi. Lagi kaming magkasama at nangangakong walang iwanan. Bigyan kita ng example:
* Tuwing exams kopyahan kami
* Kapag nakagawa ng kalokohan dapat laging damayan (Kahit hindi ko/niya kasalanan)
* Alam namin ang sikreto ng isa't isa (Alam ko kung anong brand ng napkin ang gamit nya, alam niya rin na supot pa ako hihi.)
* Walang iwanan (Kapag umuulan at wala kaming payong iniiwan ko na siya haha)
Basta kung ano ano na magpapatunay na mag bestfriend kami. Akala nga dati ng mga kaklase ko eh magsyota na kami, pero nagkamali sila di ako magkakagusto dyan noh. Pero love ko pa rin yan kahit lagi akong kinukutusan.
"Rico!!! Dito ka rin pala nag aaral?"
"Hindi! Hindi, actually napadalaw lang ako sa school na to at saka naka uniform ako ng school na to oh? hindi ako nag aaral dito." pamimilosopo ko. Eh pano ba naman mag tatanung tanung na dito ako nag aaral eh kitang kita nga na naka uniform ako, kung naka brief lang ako dun sya magtanung.
"Wag ka ngang mamilosopo, ilang buwan din tayong di nagkita oi."
"Kung sa bagay, pero parang pumayat at tumangkad ka ah."
"Talaga?! ^___^"
"Hindi. Hahahahahaha!"
Ganun pa rin siya, mataba at sabihihin na nating fun size, pero inaaamin ko namiss ko rin yang mukhang yan. Ilang buwan nga din naman kaming hindi nagkita, dalawang buwan. Akala ko nga magkakahiwalay na kami ehhhh. Buti na lang dito ako ipinasok ni mommy. Pero teka lang...
"Licah, anung section ka?"
"Section D lang naman, eh ikaw?!"
Shet! Section D?! Wait. SECTION D?! Ehhhh dati magkalevel lang kami nito ah??? Paano niya ako naunahan ng ganun ganun lang? pero kung sa bagay di maikakaila na mas masipag sakin to gumawa kung ikukumpara mo sa akin. Saksakan ba naman ako ng katamaran eh. Di ko Alam kung ilang beses ako sinaksak, basta saksakan ako sa katamaran. Ako nga yung Jr ni Juan tamad eh.
"Teka lang? Nang iinsulto ka ba?"
"HIndi ah, nagtatanung lang hihihi ^___^"
"Anong ginawa mo? Paano ka nakapasok sa section D?"
"Hindi ko hinulaan yung exam."
Ahhhh Kung sabagay may chance nga naman. Ako kasi hinulaan ko lang lahat eh. AS IN LAHAT! Kaya nga sabit lang ako dito sa Science Highschool na to. Pero nagtataka ako pang 4th sa entrance exam si Diane pero nasa section F siya. Hay tatanungin ko na lang siya mamaya.
Naalala ko break time nga pala namin at nagugutom na ako. Mayaya nga ito sa canteen. Hindi ko kasi alam kung nasaan yun ehhhh baka maligaw ako dito.
"Ahhhhmmm Licz, kumain ka na ba? Punta tayo canteen!"
"Ano?! Canteen?!!!! YUCK! Di ba puro pagkain dun? Alam mo namang diring diri ako sa pagkain ehhh"
"Wow ha!!! Wag ka na maartre oi. Alam ko namang gusto mo ehhh. At hindi mo ito mapipigilan. Kunyari po to."
BINABASA MO ANG
The Story of a real Bobo
HumorHeto na!!!!!! Ang panibagong kalokohan at kabobohang nagawa ko.... Ito Ang storya ng isang totoong bobo. Makakarelate kayo sa mga mangyayare sa ating bidang bobo na si Rico.. Enjoy reading ho and pls share :)