(Inspired by 'Kaleidoscope Dating sim two')
"My challenge is to fall in love and to make someone fall for me sa loob ng thirty days.
posible ba yun? I guess not."
~*~*~*~*~*~*~*~**~*~
Hi, ako si Steffina Marquez. Alam ko ngayon-ngayon niyo lang narinig yung pangalan na 'Steffina', ang unique nga e, kakaiba sa pandinig. Nineteen years old na ako. Hindi ako pangkaraniwan na tao, hindi ako nakakapag-salita pero nakakarinig ako. Naririnig ko lang ang aking boses kapag may iniisip ako at kapag nagsasalita ako----mentally. Di ako kagandahan, di rin ako katalinuhan, sakto lang. Hindi naging madali sakin ang maging ganito, hindi madali na araw-araw may umaapi sakin dahil lang sa kalagayan ko.
Buti na lang meron akong kaibigan na tanggap ako, magkaibang-magkaiba kami, opposite ko siya, marunong siya mag sign language kaya mabilis kaming magkaintindihan.
*If you like it the you should've put a ring on it, don't be mad once you see that he want it
If you like it then you should've put a ring on it... WOAH OH OH OH OH OH OH OH, OH OH OH OH*
Di ko nasabi sa inyo na mahilig ako sa music ni Beyonce, mas maaga ako nagigising kaysa sa alarm ko. HAHAHAHAHA. the earlier the better, tsaka kaya mas maaga ako para maka-sayaw naman ako kahit ilang segundo man lang.
Sabado pala ngayon.....
Oras na para linisin yung bahay ng NAPAKABAIT kong tita.
Mabuti na rin na nandito ako kahit na inaapi nila ako dito, provided na kasi lahat ng kailangan ko. Hindi ko na kailangan magalala, yung anak na lang ni tita ang inaalala ko dahil sa panget niyang attitude.
Bumaba na ko papunta sa sala, kinuha ko yung walis at nagsimula na kong maglinis...
Nag-mop ng sahig, ng hagdan..
Pagod na ko maglinis =___=' mahihimatay na ko nito sa pagod.
Napa head down na lang ako sa sahig habang nakaluhod.
OW!
Sinong bumatok sakin? ang sakit
Napalingon ako sa likod ko, nandito nanaman yung bruhang anak ng tita ko, si Annabelle. Bagay talaga sa kanya yung pangalan niyang Annabelle, siguro pag nag-audition yan sa isang drama na movie pasok siya agad, sa sama ng ugali niya sino ba naman yung hindi maiinis sa kanya?
"Hoy Steffi! anong dinadrama mo diyan?!" sabi ni Annabelle sabay sinabunutan ako ng sobrang lakas
Welcome sa mala teleserye kong buhay, pasalamat si Annabelle di ko siya pinapatulan.
Tumayo ako para i-continue ang pagma-mop kung saan-saan, paawa effect pa ko. Di lang ako nasaktan sa sabunot niya, pati na rin sa mga pinagsasabi niya.
Everytime na inaapi niya ko, lahat ng pinagsasabi niya nagfa-flashback sakin.
Ano ba yan! di na nga nakakapagsalita, wala pang silbi!
^Lalo na yang sinabi niya, nada-down ako pag naaalala ko nung sinabi niya yan. Porket ba di ako nakakapagsalita wala na ba kong silbi? HA. nagkakamali siya, sapakin ko siya diyan e. Pero dahil mabait ako, di ko siya sasapakin.
Pumunta na ko sa kwarto ko para magpahinga kahit saglit lang. *sigh* kinuha ko yung diary ko para isulat yung KATUWA-TUWANG EXPERIENCE KO NGAYON.
Dear Diary,
Sinabunutan ako ng pinsan ko, binatukan din ako! San ka pa? two in one (gets?). Ang lakas talaga ng tama ni Annabelle, sana may magawa siyang katangahan ngayon.... PLEASE. walang knight in shining armor na dumating <//3 :(
P.S yung tinutukoy kong knight in shining armor ay si Erica, yung best best bestfriend ko. Di bali na, sige write to you later.
With all my love,
Emma Watson..... dejk, si Steffi pa rin 'to.
After ko ilagay sa ibabaw ng drawer yung diary ko, may kumatok sa pinto...
I opened the door and it reveals to be Erica.
YAY! - i said to myself, I hugged Erica tightly. Buti na lang nandito yung bestfriend ko na alam kong papasayahin ako magdamag.
"Hello~"
Sign language lang ang usapan namin, kahit na nakakapag-salita siya, pinili niya pa rin mag sign-language para magkaintindihan kami. Minsan kasi nabibingi ako.
Nag hi ako through waving my right hand, umupo si Erica sa kama ko, ganun din ang ginawa ko.
"Punta tayo sa carnival, tumakas ka muna sa tita mo pati diyan sa Annabelle na 'yan. Ngayon lang naman 'to.... pahinga ka muna." sabi ni Erica
I went quiet for a moment, paano pag umuwi ako?! baka patayin pa ko ng tita ko kapag nakita ako nun na tumakas, naiimagine ko na kung ano yung pwede nilang gawin sakin.
Pwedeng pingot sa tenga
Sabunot
Sampal
Sumbat
O baka ipalinis nila yung buong bahay ng magdamag, yung wala pang break time. Naku po!
"Paano pag napahamak tayo?" excuse ko kay Erica.
"Di yan promise, kahit one hour and thirty minutes lang tayo... uuwi din tayo agad-agad."
Di naman ako makatanggi sa bestfriend ko, marami na siyang nagawang mabuti sakin... so I guess it's time to payback. "Sige, magbibihis lang ako." I walked straight right to my own bathroom, susyal diba? sa loob ng kwarto may bathroom nang kasama, buti na lang eto yung naisipan nilang ibigay sakin.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Hindi na importante kung paano kami nakaalis ni Erica sa bahay namin, obvious na yun. First time ko lang din nakalaya sa bahay na yun, gusto kong tumalon sa saya nung nakita ko yung carnival...
For the first time in foreverrrrr. :)
Nilibot namin ni Erica ang buong mundo, joke. Nilibot namin ang buong perya, sumakay kami sa iba't-ibang klase ng rides. Nagustuhan ko yung ferris wheel, basta.... lahat nagustuhan ko.
Foodtrip over here, foodtrip over there.
Selfie kami ng selfie, kahit saan parte ng perya kami mapunta.
Hanggang sa may nakita kaming booth na napaka-creepy ng dating, may fortune teller sa gitna, napapalibutan ito ng mga bungo, kandila, pati mga potions.
"Wag tayo diyan, baka makulam pa tayo." sabi ni Erica, tumalikod na kami papaalis sa harap ng booth nang biglang humatak samin pabalik.
Pinaupo kami sa loob, kaharap namin ang fortune-teller. Napaka-creepy ng lugar na 'to, halos manigas yung buong katawan ko sa takot.
The fortune-teller gave us a very creepy smile, which is gusto ko ng mag-walk out.
"Bakit niyo po kami hinatak papunta dito?" tanong ni Erica. Oo nga naman, bakit nga naman niya kami hinatak dito?
Tahimik lang ang fortune teller, hindi niya pinansin si Erica. Pero nakatingin sakin ang fortune teller, *awkward look* . Ano kayang nasa isip neto? napapangitan ba 'to sakin? naiingit ba siya sa hairdo ko? sa outfit ko? ano?
"Ganda mo pa naman sana, hija. Kaso wala ka namang mailabas na boses." sabay tawa nang fortune teller, I frowned. Ano naman ang nakakatawa kung wala akong mailabas na boses?
The fortune-teller stood up to get something at her shelves.
The fortune teller walked towards me.
"Sa tingin ko kailangan mo 'to." binigay niya sakin ang vial na may pink liquid sa loob.......... wait, aanihin ko 'tong potion na 'to? seriously woman?
I shook my head then binalik ko sa fortune teller yung potion, meaning that I refused her offer.
"Sinasabi ko sayo, kailangan mo 'to." She opened my satchel then nilagay niya ito sa loob, talagang nilagay pa sa bag ko ha?! Kung nakakapagsalita lang talaga ako..... si Erica nakatulala lang, binabantayan ako.
"Inumin mo 'to, magkakaroon ka ng boses... diba matagal mo ng gustong sigawan at sumbatan yung pinsan mo? matagal ka na niyang inaapi diba? gamitin mo 'to. Alam ko matagal mo na ring gustong kumanta."
That woman is creeping the hell out of me, paano niya nalaman lahat ng 'to? O__O telephaty? no way.
"A-alis n-n-na po kame." nauutal na sinabi ni Erica.
Umalis na kami ni Erica sa creepy place na yun, hanggang ngayon di pa rin maalis sa utak ko yung sinabi nung fortune teller.
~*~*~*~*~*~*~*
A/N: Okay ba yung story?
Thank you for reading! I'll update more :)
BINABASA MO ANG
30 Days To Fall In Love
Teen Fiction30 days to fall in love, papayag ka ba? challenge accepted ba? Pwede ito maging isa sa mga sweetest dreams na mae-experience mo... pero at the other hand, pwede rin ito maging bangungot. Kapag hindi mo nagawa ang task, mamamatay ka, masa-stuck ka s...