"Neng, pasabay naman 'to sa labahan, oh." Hinatid ni Mama ang kalahating balde na puro mga puting damit.
"Ma, ang dami na. May gagawin pa po ako." Halos manlumo na ako sa mga nakapaligid na labahan sa akin pero hindi yata ako narinig ng nanay ko dahil naderederetsong umakyat sa itaas.
Wala na akong nagawa kundi magpatuloy sa paglalaba.
"Ate, si Mama?" Si Alice, yes!
"Lice, sabi raw ni Mama, ikaw na daw maglaba!" Tumaas ang kilay nito sabay pagkunot ng noo.
"Kapal ah. Kararating ko lang 'di ba? Respeto naman!" Galit niyang sabi saka naupo sa silya sa tabi ng electric fan at binuksan ito.
"Naku sige ka, ipapapatay na raw niya 'yong wifi kapag hindi natapos 'tong labahin na 'to!" Sumama ang tingin niya sa akin. Paano ba naman kasi. Kukunin palang niya ang tablet kaso nagbanta na agad ako.
"Sabi 'yan ni Mama?" Tumango ako.
"Mamaaaaa!" Sumigaw ito hanggang sa bumaba si Mama.
"Anong ingay 'yan? Annie? Alice?"
"Ma, sobrang sakit na talaga ng tyan ko! Sabi ko sa 'yo kanina 'di ba? Ma, 'di ko na talaga kaya!" Acting ko sa harap ni Mama na awang awa na ang hitsura.
"Naku, ano bang nakain mo? Umakyat ka na nga doon. Saka Alice, please, pakituloy noong mga natirang labahan." Dinig ko ang padabog na yapak ni Alice habang paakyat ako ng kwarto. Sorry kapatid, Mama, hindi talaga ako mapalagay ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
Pumasok ako sa kwarto ko saka ni-lock ito. Nagpatihulog sa higaan ko habang hawak na muli ang cellphone ko.
Nag-chat si Ate Yen.
Yen: Bunso, bad news...
Ito na ba? Ito na ba ang kinakaba ko mula pa kanina?
Ako: Bakit po?
Hindi ko kapatid si Ate Yen pero para sa akin, bilang nakatatanda kong kaibigan, ate na ang turing ko sa kanya.
Yen: Si Lanie kasi saka si Ian eh.
Si Lanie na ex ng crush ng best friend ko. At si Ian na... Basta! Anong mayro'n?
Ako: Ate, anong ganap? Paanong bad news?
Kinakabahan na ako. Kaklase ni Ate Yen si Lanie at Ian. Posible kaya 'tong mga nasa isip ko?
Ate Yen: Nitong mga nagdaang araw, mas close na sila. Alam mo 'yong closure na may something? Ganun! Bunso, ayaw ko sanang ipaalam kaso hindi naman pwede eh.
Seriously?
Ano?
Ano raw?
Mali ba ang basa ko?
Baka naman friends lang 'di ba?
Kasi akala ko ako eh.
Sila na?
Ako: Sila na?
Hindi tumutulo ang kung ano mang likidong nagmumula sa mata ko pero ramdam ko na nasasaktan ako.
Ate Yen: Nope. I heard James, kasi seatmate ko siya this sem. M.U. pa lang yata. Kilala ko naman si Ian kung may girlfriend 'yan, o kahit sinong lalaki. Based on my own observation, mutual understanding palang talaga.
Palang.
Sasaya na ba ako?
Kasi wala pa sila sa stage na 'on'?
Wala pang 'in a relationship'?
Masaya pa ba 'yon?
Nang dahil doon, nangati akong tignan muli ang Facebook account niya. Ilang linggo na rin mula nang hindi ko 'to nabibisita.

BINABASA MO ANG
Ayoko Na Talaga
Short StoryKung noon, pumapayag akong ginagago ko ang sarili ko. Pwes ngayon, hindi na. kasi ayoko na talaga! Ayoko na! Kakalimutan ko na siya! Titigil na ako! Ayoko na!