Sobrang haba
Ngunit punong puno ng
Lungkot at sakit.
Siya nga ang iniisip mong para sayo
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Kayo'y pinaglayo sa isa't-isa
Ngunit wag kang mag-alala
Diyos ang bahala sayo
Hayaan mong gabayan ka niya.
Hindi ka niya pababayaan.
Dadating din ang panahon
At makikita mo ang para sayo.
Oo sobrang sakit gawin ang bitawan siya
Ngunit yun ang nararapat para hindi ka masaktan
Nandito kaming mga kaibigan mo gagabayan ka namin
Hindi ka namin iiwan hanggang sa kaya mo na ang lahat.
Kaya mo nang ipagsigawan na ok ka na
Na hindi ka na iiyak kapag magkikita kayo
At hindi ka na masasaktan kapag nag-usap kayo
Dahil nagawa mo siyang bitawan at tanggap mo na hindi siya para sayo
At mayroong dadating sa tamang panahon.
Dadating din ang araw na may mag susukli din ng pagmamahal mo.
Ngayon sige ilabas mo lahat ng hinanakit
Umiiyak ka, sumigaw ka ng malaya
Pag natapos ka na
Magdasal ka. Huminge ka ng gabay
Maging matatag at maging malakas ka
Isang pagsubok lang ito.
Ito ay isang payong pang kaibigan